Rediscovering the Cent Community: My Journey with InLeo and TagalogTrail

in Cent6 months ago (edited)

This is the first article I will publish here in the Cent community using the InLeo front-end. I'm not sure why I didn't notice that this function already existed in InLeo. Maybe I just turned my eyes back in the past months. I've tried several times to post to the Cent community using the InLeo platform, but I couldn't see this option before. I can see other communities but not Cent.

Anadolu's Announcement

Thanks to @anadolu's announcement yesterday and for drawing my attention to this collaboration between Cent and the InLeo communities.

Although I hold 5,000 $LEO power, I prefer to publish content on Cent Tribe using PeakD. This is for the reason that it is easy for me to use this platform. I'm having trouble publishing content on InLeo before. But after reading @anadolu's announcement, I thought of trying again to come back with the InLeo front-end.

With the CENT token, my CENT power reached 150,000 and I divided it into two accounts. I delegated 100,000 to my son's account and 50,000 to my wife's account. Both of these accounts focus on curating articles published in the Cent community.

The announcement I am referring to regarding the collaboration of the Cent and InLeo communities can be read at this link. Here @anadolu clearly explains how to use the Cent tag correctly when posting threads. I didn't notice that it's been eight months since @centtoken started encouraging Cent Community members to use LeoThreads to share experiences and updates.

My Discovery of TagalogTrail

Another additional motivation for me to write again is my discovery of the TagalogTrail community. I did not expect to be able to write in the Filipino language. It's easier for me.

It's been almost two weeks and I started using my wife's account to publish a post in two languages: English and Filipino. Why not? If other communities like the Spanish community and others can post bi-lingually, why not in English in Filipino? Who knows? Maybe through this initiative, other Filipinos who are here in Hive will also be motivated to post in Tagalog.

A Nationalist Reflection

Although the Philippines has long been under the influence of America, this does not mean that it is easy for all Filipinos to understand the English language. There are studies that this is one of the reasons for the stagnancy of the Filipino language. In the nationalist reading, they even think this is equivalent to a surrender of the national mind or consciousness that has caused "cultural stagnation."

The majority of Filipinos assume that a high level of education can be measured based on English proficiency. However, for our national hero, Jose Rizal, this incident became a big obstacle. We have had leaders in the country who know almost nothing about the concrete problems of the people who live at the bottom of the social strata. Another tragic result is the inhibition of the maturation of independent ideas. Many Filipinos find it difficult to express their true feelings in a language that is not natural to us.

There have indeed been many benefits to the Westernization of our education. In many countries in Asia, Filipinos stand out in terms of proficiency in the English language. In addition to this, we also had good writers and readers in English. Our familiarity with the international community in the past decades can be considered a big advantage, but with the advent of the Internet and the information era, this can now also be possessed by other countries in Asia.

-0-0-0-

Ito ang kauna-unahang article na aking ipapublish dito sa Cent community gamit ang InLeo front-end. Hindi ko tiyak kung bakit hindi ko napansin na mayroon palang ganitong function sa InLeo. Siguro nagmalik mata lang ako nang mga nakaraang buwan. ilang ulit ko na rin kasing sinubukan na magpost sa Cent community gamit ang InLeo platform, pero hindi ko makita dati ang option na ito. Nakikita ko ang ibang communities pero hindi ang Cent.

Anadolu's Announcement

Salamat sa anunsiyo ni @anadolu kahapon at natawag ang aking pansin sa collaboration na ito sa pagitan ng Cent at ng InLeo communities.

Bagamat may hawak akong 5,000 na $LEO power, mas minabuti ko na magpublish ng content sa Cent Tribe gamit ang PeakD. Ito ay sa dahilan na madali para sa akin na gamitin ang platform na ito. Nahihirapan ako na magpublish ng content sa InLeo. Subalit pagkatapos kong mabasa ang announcement ni @anadolu, naisip ko na subukang muli na bumalik gamit ang InLeo front-end.

Sa CENT token naman, umabot na sa 150,000 ang aking CENT power at hinati ko ito sa dalawang accounts. Dinilegate ko ang 100,000 sa account ng anak ko at ang 50,000 naman ay sa asawa ko. Pareho ang dalawang accounts na ito ay nakatutuok sa pagcucurate sa mga articles na pinapublish sa Cent community.

Ang announcement na tinutukoy ko tungkol sa collaboration ng Cent at InLeo communities ay mababasa sa link na ito. Dito ay malinaw na ipinaliwanag ni @anadolu kung paano gamitin ng tama ang Cent tag sa pagpost ng threads. Hindi ko napansin na walong buwan na pala ang nakalipas nang simulang kikayatin ni @centtoken mga members ng Cent Community na gamitin ang LeoThreads sa pagbabahagi ng mga karanasan at mga updates.

Discovery of TagalogTrail

Isa pang karagdagang motibasyon sa akin na muling magsulat ay ang pagkatuklas ko sa TagalogTrail community. Hindi ko inaasahan na pwede palang magsulat sa wikang Filipino. Ito ay mas madali para sa akin.

Halos dalawang linggo na at sinimulan kong gamitin ang account ng asawa ko upang magpublish ng post sa dalawang lenguahe, English at Filipino. Bakit ang hindi? Kung ang ibang community tulad ng Spanish community at iba pa ay nakakapagpost ng bi-lingual, why not in English in Filipino? Malay natin baka sa pamamagitan nito ay mahikayat din na magpost sa Tagalog ang ibang mga Filipino na narito sa Hive.

A Nationalist Reflection

Bagamat ang Pilipinas ay matagal na nasa ilalim ng impluwensiya ng America, ito ay hindi nangangahulugan na madali para sa lahat ng mga Filipino na unawain ang wikang English. Sa katotohanan, may mga pag-aaral na isa ito sa dahilan ng hindi pagyabong ng wikang Filipino. Sa nasyonalistang pagbasa, ang tingin pa nga nila dito ay pagsuko ng pambansang isipan o kamalayan na naging dahilan ng "cultural stagnation."

Maraming mga Filipino na sinusukat ang antas ng pinag-aralan sa kahusayan sa paggamit ng salitang Ingles. Subalit, para sa ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal ang ganitong pangyayari ay naging isang malaking balakid. Nagkaroon tayo ng mga lider sa bansa na halos walang nalalaman sa mga konkretong suliranin ng mga mamamayan na nabubuhay sa ibaba ng social structure. Isa pang kalunos-lunos na resulta ay ang paghadlang sa pagkahinog ng mga malayang ideya. Nahihirapan ang maraming mga Filipino na ipahayag sa tunay nating damdamin saw wikang hindi natural sa atin.

Totoo na maraming din naging pakinabang sa westernization ng ating edukasyon. Sa maraming mga bansa sa Asya, ang Pilpinas ay nakakangat in terms of proficiency in English language. Dagdag pa dito, nagkaroon din tayo ng mga mahuhusay na manunulat at mambabasa sa Ingles. Yong ating familiarity sa international community na noonng mga nakalipas na dekada ay maituturing na malaking ring advantage, subalit with the advent of the Internet and the information era, ito ay maaari na ring taglayin ng mga bansa sa Asya

Posted Using InLeo Alpha

Sort:  

nice to see that you are already using the Inleo front end to make the post.
all th best for the Tagalog trail as well. : )

Hello dear @rzc24-nftbbg,

In case you encounter any problems, please contact me and provide your feedback. With the help of Anadolu, we will make the collaboration fruitful for CENT community.

Glad that you are on InLEO, Hive on ✌️

Just the uploading of photo. When I used markdown to put the image at the center, it disappeared and that's why I removed it.

Noted.

Will be shared with the devs. Thanks and share all your feedback here and on Discord please.

Ui cool that you had mentioned Tagalogtrail, haha nalilito ako si Arlene na ka chat ko sa comments at ikaw ay iisa 😱🤯🤯

Malay natin baka sa pamamagitan nito ay mahikayat din na magpost sa Tagalog ang ibang mga Filipino na narito sa Hive.

Hopefully we can, na prove na naman natin na kaya nating makipag talastasan sa Ingles subukan naman natin ang tagalog.

😆

Account yan ng wife ko. Kaso hindi siya ganon ka active. Ang pinopost niya lang ay mountain climbing, sports, at painting. Kako sayang naman yong account niya. Sabi ko tulungan ko siya mag grow account niya.

!LOLZ

!PIZZA

Congratulations @rzc24-nftbbg! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)

You received more than 55000 upvotes.
Your next target is to reach 60000 upvotes.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Check out our last posts:

Hive Power Up Day - June 1st 2024

PIZZA!

$PIZZA slices delivered:
@rzc24-nftbbg(4/5) tipped @tpkidkai