Tititittiiitit tititit, tunog ng alarm clock alasingko ng umaga. Hunyo uno, lunes, unang araw ng pagbabalik sa trabaho. Excited, bumangon agad si @jab1987 sa pagkakahiga at agad agad na naligo. Grrrrrrrrrr sambit nya habang naliligo, ay practice lang pala hindi naman totoong malamig ang tubig mula sa gripo.
Pagkatapos maligo at magbihis, sya ay nagkaroon ng pagaalinlangang pumasok, ngunit ano ang magagawa nya sa kanyang sikmurang kumakalam. Sumilip na ang araw, wala nang pag asang makasakay pa ng tricycle. Si @jab1987 ay nagsimula nang maglakad patungo sa gusaling pinapasukan nya.
Lumipas ang dalawang oras ng paglalakad, tagaktak na ang kanyang pawis sa buong katawan. Sa likod, beeeep napalingon si @jab1987 at huminto sa paglalakad ngaunit ganun din ang kotseng pula huminto rin sa kanyang tapat. Ang pinto ay bahagyang bumaba at Ang drayber nito ay marahang nag wika.
Boss saan ka papunta, papunta akong Makati baka gusto mong sumabay na, marahang tanong ng kanyang isang estranghero naka takip ang mukha. Sa matinding pagod,tanghod nalang ang kanyang nagawa. Tinanggal ng lalaking may takip sa mukha ng pagkakalock ng kanyang auto at inanyayahang muli si @jab1987. May ngiti sa labi, pumasok si @jab1987 sa kotseng pula. "Boss seatbelt ka wika ng lalaking may takip sa mukha kay @jab1987".
Makalipas ang ilang minuto, nasa Makati na ang auto. Nagwika muli ang lalaki, "saan ang baba nyo ate?" Nagulat si @jab1987, pati pala ang dalawang babae sa likurang bahagi nito ay hindi rin nya ka anu-ano. Jan nalang po sa babaan ng Ayala triangle kuya wika ng isang babae, gayon din ang wika ng isa pa.
Makalipas ang ilang sandali, bumaling ang atensyon ng lalaking may takip sa mukhang kay @jab1987, "boss saan ka", wika nito. Agad namang sumagot si @jab1987, dyan na rin po sa babaan para po minsanan na ang pagbaba. Ilang sandali pa ay unti unti ng gumilid ang pulang kotse at nag sibabaan na ang mga pasahero.
Dahil sa banta ng CoVid19, wala ni isa ang nagsasalita sa biyahe upang magpakilala sa isa't isa. Tunay ngang ang mga Pilipino ay may magandang kalooban sa kapwa. Sana balang ako'y makaganti rin ng kabutihan sa aking kapwa sa parehong paraan, "wika ni @jab1987".
Pagtanggi:
Ang post na ito ay alay ko Kay kuyang hindi nagalinlangang isabay ako sa kanyang kotse. Maraming salamat po kabayan, kapatid, kuya o o itay.
Congratulations @jab1987! You have completed the following achievement on the Hive blockchain and have been rewarded with new badge(s) :
You can view your badges on your board And compare to others on the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Do not miss the last post from @hivebuzz: