MCGI TOPIC REVIEW: "Pagkakataong gumawa ng mabuti, tama bang ipagpaliban?" 😇🙏🙌

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! 😇

Buong puso akong nagpapasalamat unang una sa lahat sa ating Panginoong Dios dahil sa bawat araw na nag daan ay palagi Niya akong binibigyan ng lakas at magandang pangangatawan.

Nagpapasalamat din ako sa admin ng Community na ito dahil sa walang sawa at palangiang pagsuporta sa akin lalo na sa bawat repleksyon o mga topic review na ibinabahagi ko dito, at pati na rin sa lahat ng mga membro na sumusuporta.

Ngayon din nga ay meron na naman akong bagong repleksyon o topic review na ibabahagi sa inyong lahat, at ang pamagat nito ay "Pagkakataong gumawa ng mabuti, tama bang ipagpaliban?"

Bawat isa nga sa atin ay merong iba't ibang klasing katangian, merong mga mabubuti at meron ding mga masasama pero ang gusto ng Dios sa atin ay gumawa tayo ng mabuti ayon ito sa Kanyang mga Salita.

Sa tanong kung maipagpaliban ba natin ang gumawa ng mabuti, para sa akin ay hindi dapat at ito ang ating malalaman sa mga naibahagi ni Bro. Eli Soriano tungkol sa topic na ito.

Mateo 25:35 “Sapagka't ako'y nagutom, at ako'y inyong pinakain; ako'y nauhaw, at ako'y inyong pinainom; ako'y naging taga ibang bayan, at inyo akong pinatuloy;"

Kung ating pag-aralang mabuti ang Salita ng Dios sa Mateo 25:35, masasabi natin na kailangan talaga tayong gumawa ng mabuti at huwag pa natin itong ipagpaliban.

Kung meron man tayong nagugutom o nauuhaw ay pakainin at bigyan natin ito ng tubig at kung sino man ang mga nangangailan ay tulungan natin ng walang alinlangan. Kapag meron tayong pagkakataun na makatulong ay tumulong tayo dahil ito ang gustong gawin natin para sa Dios.

Kawikaan 3:27 “Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan, pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito'y gawin."

Kapag merong nangangailan ay huwag nating ipagkait ang kahit na ano mang pwedi nating maitulong. Ayon ito sa Salita ng Dios, lalong lalo na kung kaya naman nating tumulong.

Dito sa ating paligid, hindi natin maikailang marami talaga tayong nakikitang nangangailan ng tulong. Nasa kalsada man yan o kahit na sa ating paligid, sa mga nakikita natin kung meron tayong kakayanang makatulong, ang gusto ng Dios na tayo ay tumulong.

Sabi pa nga ni Bro. Eli, "Inaction is a sin" at tama naman ito lalo na kung sa tingin natin o sa kakayanan natin, makakatulong talaga tayo. Basta gawin mabuti, gawin natin ito, dahil hindi lang din natin ito ginagawa para sa kanila o sa atin kundi para sa Dios.

Santiago 4:17 “Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito'y kasalanan sa kaniya."

Ika nga talaga naman nakasulat ito sa Salita ng Dios na isang kasalanan ang hindi paggawa ng mabuti kahit na alam nating makakaya natin itong gawin, kung kaya isa itong paalala sa ating lahat.

Para naman sa aking huling repleksyon o mga natutunan sa topic review na ito, masasabi ko talagang nagpapapaalala ito sa akin ng maraming mga dapat gawin at mga aral na makakatulong sa akin.

Ang malaking aral na aking natutunan ay ang palagiang gumawa ng mabuti lalo na kung meron tayong kakayanang gumawa nito at lalong lalo na sa mga nangangailangan.

Huwag nating ipagpaliban ang paggawa ng mabuti dahil ang kahit na ano mang gawin natin ay nakikita ng Dios at ginagawa natin ito para sa Kanya at sa Kanyang kaluwalhatian.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Pagkakataong gumawa ng mabuti, tama bang ipagpaliban?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.

To God be all the Glory! 😇🙌☝️

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.

Sort:  

"kung meron tayong kakayanang makatulong, ang gusto ng Dios na tayo ay tumulong" Amen.

Congratulations @godlovermel25! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)

You received more than 40000 upvotes.
Your next target is to reach 45000 upvotes.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Check out our last posts:

Our Hive Power Delegations to the April PUM Winners
Feedback from the May Hive Power Up Day
Hive Power Up Month Challenge - April 2024 Winners List