Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! 😇
Isang magandang araw na naman ang nagdaan sa ating mga buhay at labis ang aking pasasalamat sa Dios dahil nandito na naman ako magbabahagi ng aking panibagong repleksyon na kung saan marami talaga akong natutunan.
Unang una sa lahat bago ako mag umpisa ay babatiin ko muna ng magandang buhay at araw ang bawat isa sa atin at buong puso akong nagpapasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa akin mula noon hanggang ngayon lalong lalo na ang admin ng Community na ito at mga curators la dumadalaw sa akin.
Ngayong araw nga na ito magbabahagi ako ng aking bagong repleksyon na nagtatalakay tungkol sa kaligtasan ng tao at ito ay merong pamagat na "Pagliligtas ng Dios, gaano kalawak?".
Isa nga itong malaking tanong hindi lang para sa akin kundi para sa ating lahat. Para sa akin, meron talagang pagkakataon na naiisip ko kung sino-sinu nga ba at kung gaano kalawak ang ginawang pagliligtas ng Dios sa atin.
Isa itong malaking tanong na dahil sa nakita kong video na kung saan nagtuturo si Bro. Eli Soriano tungkol dito. Marami akong natutunan na sana ay maibahagi ko ng mabuti dito sa aking repleksyon
|
---|
Ang kaligtasang ginawa ng Dios ay para sa lahat at walang pili kahit na yong mga taong hindi pa nakapakinig sa Salita ng Dios.
Ayon sa Salita ng Dios na ating mababasa sa itaas, hindi ang mga nakarinig sa Salita ang maliligtas kundi yong mga taong gumagawa nito. Kung kaya mas mabuti pa na kahit na hindi mo pa narinig ang Salita ng Dios pero sa iyong puso ay nagagawa muna ang Salita ng Dios dahil ang kaligtasan din ay nasayo.
Tulad na lamang ng mga taong mga bingi o mga pipi na hindi nakakarinig at nakakakita, at ni walang nagbabahagi sa kanila ng mga Salita ng Dios pero makikita sa kaning buhay na ang Dios ay nasakanila at ginagawa nila sa kanilang mga puso ang kung anong kautasang gusto ng Dios, ang kaligtasan din ay nasa kanila.
|
---|
Ang Dios natin ay niligtas ang lahat ng tao kahit na ang mga taong hindi pa nakapakinig ng Kanyang Salita lalong lalo na yong mga taong ginagawa ang mga Salita ng Dios na bukal sa kanilang mga puso kahit na walang nangaral sa kanila.
Ating mababasa sa Salita ng Dios na, "nangangatanyag ng gawa ng kautusang nasusulat sa kanilang puso", ito ay nagpapatunay na kung ang kautusan ng Dios ay ilalagay natin sa ating mga puso kahit na hindi tayo nakapakinig sa Salita ng Dios, ang kaligtasang ibinigay ng Dios ay nasa atin.
Ngayon para sa aking panghuling masasabi tungkol sa aral na ito na tumutukoy sa kung gaano kalawak ang kaligtasan ng Dios. Masasabi ko na talagang buong puso akong nagpapasalamat sa Dios dahil sa pagligtas Niya sa lahat ng mga tao. Mga taong nakapakinig o kahit pa yong mga taong hindi pa nakapakinig sa Salita ng Dios.
Hindi tinitignan ng Dios ang kung ano ang ating estado sa buhay kundi ang kung ano ang nasa ating mga puso. Sa tanong na, "Pagliligtas ng Dios, gaano kalawak?", ang sagot dito ay para sa lahat, kahit sino at kahit ano ka pa, ganyan kalawak ang kaligtasan ng Dios sa ating mga tao.
Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Pagliligtas ng Dios, gaano kalawak?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.
To God be all the Glory! 😇🙌☝️
Your Friend
@godlovermel25

the animated GIF.Thanks to @kennyroy for