Paglago ng Kaalaman, Nasa Biblia Ba? MCGI Review

in MCGI Cares Hive8 months ago

Opera Snapshot_2024-05-07_093254_peakd.com.png

Isang mapagpalang araw sa ating lahat mga kapatid ng Dios. Paanibagong paksa na naman ang ating tatalakayin dito sa ating komunidad at ito ay tungkol sa Paglago ng Kaalaman ng isang tao dito sa Mundo. Tayong lahat ay binigyan ng Diyos ng isang kaalaman at pag-iisip para makagawa tayo ng mga magagandang bagay, makapag-isip tayo ng mabuti at makapagbalanse sa tama at mali. Ang lahat ng ito ay magagawa sa pamamagitan ng pag-iisip ng tao. Kahit sa kapanahonan pa ni Cristo, may mga dalubhasa o mga matatalinong tao na ang sumibol at ang ilan sa mga ito ay naging Guro, Pilosopiya, at marami pang iba. NAng isip ay sentro ng ating katawan na siyang nagdidekta sa lahat ng ating gagawin. Sa paksang ito, naitatalakay kong nakasaad ba sa Biblia ang Pagkakaroon ng Paglago ng Kaalaman.


Source

Dito sa Videong ito ating makikita at malalaman kong may nakasulat o nakasaad ba sa Biblia ang tungkol sa paglago ng kaalaman ng tao. Napakaimportante sa ating lahat ang may kaalaman sa lahat ng bagay-bagay na nakapaligid sa atin. Makakagawa o makakaimbento tayo ng mga magagandang bagay na nakakatulong sa ating sarili o di kaya ay sa ating Lipunan. Noong unang panahon, may mga tao na ang nakakaimbento ng mga ibat-ibang uri ng mga gamit na nakakatulong sa kanilang sibilisasyon. Sa pamamagitan ng kanilang kaalaman, ay naibahagi nila ang kanilang talento at husay sa paggawa ng mga magagandang bagay na makakatulong sa kanila.

Opera Snapshot_2024-05-07_093343_peakd.com.png

Source
Dahil sa paglago ng kaalaman ng isang tao, makakagawa o makakaimbento na sila ng maraming bagay na tyak nakakatulong sa lahat sa mahabang panahon. Ang lahat ng mga modernong bagay na ating ginagamit ngayon ay nahango pa sa mga bagay na naimbento ng mga sinaunang tao. Ang kanilang malawak na kaalaman ay nagbibigay magandang kontribusyon sa moderno at makabagong panahon.

Ang paglago ng kaalaman bilang isang pahintulot ng Diyos sa panahon ng wakas.

Opera Snapshot_2024-05-07_093440_peakd.com.png

Source
Gaya sa aking nabanggit, ang kaalaman na nakukuha natin ay biyaya ng Dios upang tayo ay makapag-isip ng mabuti, makagawa ng magagandang bagay na makakatulong sa ating sarili o sa lipunan at makakagawa ng mga mabubuting bagay. Sa pagdaan ng maraming taon, ang kaalaman ay tuluyang lalago at magkakaroon ng maraming modernong bagay. Maliwanag na nakasaad sa Biblia;

Daniel 12:4
" Ngunit ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawasakan: marami ang tatabo ng paroo't parito at ang kaalaman ay lalago."

Ibig sabihin, na ang kaalaman ng isang tao ay hindi mawawala, at mas lalawak pa ito habang magdaan ang maraming panahon. Hindi natin maiiwasan ito dahil may kakayahan at karapatan tayo na gumawa o mag-ibento ng mga bagay-bagay. Pero binigyan din tayo ng isip at kaalaman para pagtimbangin o balansihin ang mabuti at mali. Sa panahon ni Cristo, tanging Prediksyon lamang ang ginagawa ng mga dalubhasa o mga matatalinong tao gaya ng klima.

Ang kung paanong ang kasalukuyang kaalaman na ating tinatamasa ay magpapatunay sa kahalagahan at katotohanan ng Biblia.

Opera Snapshot_2024-05-07_093631_peakd.com.png

Source
Nag-iiba na ang klima simula noong unang panahon, mainit na klima, Maulan o di kaya ay nagkakaroon ng Bagyo. Ang prediksyon nila ay bumabase din sa Panahon. Kong tag-init o tagtuyo, isa itong palatandaan na magkakaroon ng mainit na panahon. Simpleng basehan lamang, pero nang dahil sa kaalaman ng tao gumagawa sila o nag-imbento sila ng mga bagay nakakatulong. At lalo na din sa katawan ng tao kapag may sakit o may mga babaeng buntis. Walang mga maakabagong gamit o teknolohiya noon.

Opera Snapshot_2024-05-07_093654_peakd.com.png

Source

Opera Snapshot_2024-05-07_093717_peakd.com.png

Source
Sa maraming panahon na ang lumipas at lumago na ang mga kaalaman ng tao, nakaimbento na sila ng mga makabago at modernong bagay lalo na sa larangan ng Astrohiya at Syensiya. Ang mga masamang panahon ay makikita na sa tulong ng mga satellites at may mga gamit na rin para makagagamot sa mga tao at mga ilang bagay na ginagamit para sa mga buntis gaya ng Ultra-sound.

Ang kahalagahan ng kaalaman na ito sa ating pang-araw-araw na buhay.

Napakahalaga talaga ang kaalaman natin sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Makapagdesisyon tayo ng tama, makagawa tayo ng tama at makapagbalanse tayo kong ano ang tama at mali. Binigyan tayo ng kaalaman ng Dios para tayo ay mabuhay at magkaroon ng pang-unawa at magandang pananaw sa sarili. Hindi maging inosente sa lahat ng bagay na nakapaligid sa atin at makasunod tayo sa bugso ng makabagong teknolohiya at modernong panahon.