Ang magkaibigan

in Hive PH4 years ago

Ang magkaibigan

IMG_20200722_160626.jpg

Ang dalawang ito ay si pia at si aya, sila ang magpinsan, silang dalawa ang magkalaro lalo na kung mag uwi kami sa bahay ng mama ko,

Si aya ang nag iisa kong anak na nakasoot ng tsinelas na puti at si pia naman ay yong nakasout na pink shoes.

Kung maglalaro sila hindi maiiwasan mag away pero agad2x naman nagkasundo naman, kaya tawag ko sa kanila away at bati, pero natural lang sa kanila yon, ang mga bata, totoong hindi nagtatanim ng galit sa kapwa nila.

Minsan lang silang maging bata kaya hinahayaan ko silang ma enjoy nila ang kanilang pakabata, minsan makukulit pero bilang isang ina kailangan natin ang mataas na pasinsya at gabay ng mga magulang sa mga bata.

Kaya naman itong si aya at pia hinahayaan kong silang magkaibigan, mag away at bati, maglaro, at syempre andoon tayo gumagabay sa kanila ano ang tama at mali at kung lumaki man, sila maging mabuti silang tao sa mamayan.