Halamang gamot na nakakatulong

in Hive PH4 years ago

KALABO

Kalabo kung itoy tawagin sa amin sa (BISAYA TERM) ito ang karaniwan kong ginagamit kung inuubo ang aking anak, tatlong dahon sa bawat pag inum, ang pag inum nito, umaga tangahali at gabi, 3x a day kung baga, hugasan ng mabuti at dikdikin hanggang lumabas ang katas ng kalabo. Hindi masyado masarap ang lasa kaya sa umpisa maninibago ka pero masasanay din dahil ang anak ko nasanay din sa awa ng Dios umiinum sya ng katas nito kahit walang halong asukal.

Ang iba naman inilagay sa ibabaw ng kanin yong bagong luto upang lumambot lang ang dahon at madali lang pigain, ito ang karaniwan ginagamit sa lugar namin. Mabisa sya lalo na kung umpisa pa lang ng ubo, inum agad nito, pero paalala lang din na kung ang ubo malala na, mas mabuti patingin na sa manggagamot.

Kaya sa intrisado sa gamot na ito, pwde kayong magtanim nito sa bahay ninyo o kaya sa bakud, madali kang syang buhayin.

Kaya sa mga mahihilig sa halamang gamot edagdag nyo nato sa halamanan, natural na gamot lang makakatipid ka pa. 😊

Dahon ng bayabas

IMG_20200804_165438.jpg

Dahon ng bayabas ay mabisa ding gamot sa may kati2x sa katawan o may sugat sa balat. Ito karaniwang ginagamit sa amin. Ang gagawin mo lng kumuha ng dahon ng bayabas, at lagain ito hanggang mag iba ang kulay nito. Mainam kung mainit2x pa na nilaga ng bayabas ang gagamit sa paghugas
ng sugat o kati2x nito syempre gamitan ng sabon gaya ng safeguard. Pero paalala lang din po ang dahon ng bayabas first aid lang po dahil may iba hindi hiyang sa herbal medicine kaya mabuti rin patingin din sa doktor para segurado. 😊

Kaya sa mahilig ng herbal medicine kagaya ko. Go go go tayo!

Sort:  

CONGRATULATIONS!

Your post has been curated and was included in the featured posts in Hive PH Curation post #34.

Please continue to create distinctive and informative write-ups and don't forget to include #hiveph on your tags.

Kindly subscribe also to the Hive PH community where you can co-exist with fellow Filipino authors and discover more of your passion in writing.

You can also follow us on Twitter and Facebook for more community and blockchain updates.

Thank you