Kung papaano ako subrang nagbawas ng timbang from 70 klg to 48 klg

in Hive PH4 years ago (edited)

Malaki ang nabawas sa aking timbang umabot ako dati ng 70klg na kung saan dala ng pagod sa trabaho dinadala namin sa kainan ang aming stress sa work. Kahit ano kinakain walang pili basta gutom. Kasi umaabot lang yong tulog namin sa 5 hours o di kaya naman sa 4 hours lang kasi nasa microfinance ako dati nagwork almost 4 years lang ako nanatili sa work na yon, nasa field and office kami yong trabaho namin, pagod din masyado kasi kailangan namin macollect yong payments nila sa isang beses bawat linggo, at bawat araw ibat ibang lugar at may target din kami na kailangan makuha kaya medyo pressure din at pagod. Kadalasan lalo na sa mga big city marami pasaway kaya gina gabi kami kung mangulekta, ang iba lumalayas kaya aabutin kami ng gabi at may office transaction pa kami kailangan maclose ang transaction araw2x, kaya subrang pagod sa pagkain namin dina daan ang aming pagod kaya tumaba ng tumaba hanggang umabot 70 klg.

Screenshot_20200916_185913.jpg

Screenshot_20200831_220130.jpg

Yong nasa gitna ako yon, ganyan ako kalaki dati. Ganyan ginawa namin hawak namin oras namin kaya naman kung wala pang magbabayad pumupunta kami sa kainan. Pero hindi ako nagtagal sa work hanggang napatapos ko lang dalawa kong kapatid nagresign ako at lumipat ng ibang work doon sa Davao city, hindi nagtagal nag asawa na rin ako, pero dito pala biglang magbabago ang takbo ng buhay ko.

Nagkaroon ako ng anak, nahihirapan ako sa during labor na manganganak na ako dahil pala may hika ako at inborn na labasan ng acid malaki, dahil subrang stress ang paglabor ko pagkatapos kong mailabas ang baby ko na oxygen ako dahil nahihirapan ako huminga at pati pag alaga na baby stress, umapang ang aking stress dahil dito, bumaba ang aking timbang hanggang 48 maraming pagkain ang bawal sa akin. Yon yong isa sa dahilan kung bakit ako pumayat ng husto.

IMG_20200722_103638.jpg

At yon lang guys sana may natutunan kayo sa munting diary ng buhay ko.

aiza-cc