Mga batang masisipag

in Hive PH4 years ago

Mga batang masisipag

IMG_20200720_125128.jpg

Tuwing umaga at hapon silang dalawa ang nagtitinda ng gulay, sila si lakay at singloy nasa anim na taon pa lang sila. Ang kanilang mga magulang, ang pagtitinda ng gulay ang pangunahin nilang hanapbuhay. Kaya naman silang dalawa nagtitinda din para matulungan nila ang kanilang magulang. Minsan kumikat sila ng 50 pesos hanggang 100 pesos.

Ang kita nila binibigay nila sa kanyang magulang, minsan ang kanilang pag titinda mauubos, minsan naman may matitira, kaya naman pagkatapos nilang magtinda doon sila agad pumunta sa bahay kasi magkalaro din sila ni aya, ang anak ko.

Natutuwa ako sa kanila kasi sa murang edad nila hindi sila nahihiya magtinda ng gulay at nakakatulong pa sa kanilang mga magulang.

Kadalasan ang kanilang tinitinda ay ampalya, talong, okra, kamatis, pipino at iba pa. Mura lang kanilang binta nasa 5 pesos, 10 pesos hanggang 20 pesos. Kadalasan yong okra nasa 5 pesos , ang kamatis at pipino kadalasan nasa 10 pesos.

Kahit kaunti man kanilang kita atleast natototo silang makatulong sa kanilang magulang at hindi rin nila nakakalimutan ang pagiging bata dahil naeenjoy pa rin nila dahil pagkatapos nilang makabinta, naglalaro agad sila.