MGA MUMUNTING BATA KAHIT MAHIRAP LANG MASAYA PA DIN.

in Hive PH4 years ago

Naghihiyawan sa saya ang nadidinig ko sa labas ng bahay, kayat napalabas ako sa bahay namin at noong nikata ko sila naglalaro pala sila ng simpleng laro tinatawag sa amin na sa bisayan term (karang 2x na bagol) or the coconut shell. Simple lang ang laro na ito, paunahan ng takbo gamit ang coconut shell na may pangtali na hinahawakan. Pagsino ang mahuhuli pinapalitan naman ng iba nilang kasama kaya naman panay sigawan nila sino ang matatalo o kaya mananalo.

IMG_20200827_133539.jpg

Mga mumunting bata kahit simpleng laro lang makikita mo ang saya na nila.Payak man ang pamumuhay, hindi man sagana sa lahat ng bagay kahit sa simpleng laro, itoy nagbibigay ng ngiti sa kanilang mga labi.kayat masasabi ko na hindi sa lahat ng mga bagay kailangan natin ang mamahaling mga bagay para maging masaya, maging kuntento tayo kung ano ang mayroon tayo. Katulad ng mga simpleng mga batang ito, mahirap man, walang mamahalin na laruan, ayos na, para na silang dinadala sa kanilang saya sa langit.

Kayat naman mga mumunting bata, nagbibigay din sa atin ng saya, masdan lang natin sila kung saan parang mga walang mga problimang iniindak, nakakaaliw naman din naman silang pagmasdan. Natitiyak kong mamiss mo din ang pagiging bata mo noon nasaan, na kung saan para tayong kabayo na takbo doon, takbo dito, parang walang kapaguran. Lalo na larong verus in bisayan term, naku panay takbo nito, Kahit nakalimutan ng kumain ng tanghalian, pag uwi sa bahay bandang hapon, nanay koy kinukurot ang tagiliran ko, pero parang wala lang sa isip laro pa rin, ganun talaga ang buhay bata, ang saya simpleng laro lang masaya na.

Kaya naman hindi na natin maibalik ang dating pagiging childhood natin, atin nalang pagmasdan ang mga mumunting mga bata. 😊