Ako actually meron akong gustong bilhin, pero hindi para sa akin, para sana sa mister ko. Kasi nasabi nya minsan sa akin na gusto nya mag digital drawing sa Photoshop at sa ibang pang app. Gusto ko sya bilhan ng drawing tablet kasi yung pagba-blog na lang nya ang pinagkukunan namin ng allowance ngayon, buti na lang nandito na kami sa probinsya at hindi na kami nangungupahan sa Quezon City. Makakatulong ng malaki ang drawing tablet para makadagdag sa mga ipopost nya. Kung hindi ako nagkakamali "drawing tablet" yata ang tawag dun. Naghanap ako online may nakita ako "Wacom One (2020)" ang model, kaso ang mahal ng price nasa PHP5,000 to PHP18,000 depende sa modelo, grabe, di ko kinaya, hahaha! Ang itsura nya ay para syang mouse pad na USB ang connector tapos may kasama na parang pen/ballpen. Ang mahal naman kako sa isip-isp ko, samantalang para lang syang mouse pad na may kasamang ballpen. Ikaw @bigeyes2012 ano ang gusto mong bilhin na gadget?
You are viewing a single comment's thread from:
Ako rin drawing tablet din ang gadget na nasa list ko pero di para sa kin. Para sa anak ko. Nahilig kasi sya sa arts kaya panay drawing. Ilang sketchbooks na nabili ko. Kulang pa rin. Kaya drawing pad ang hihingin namin ngayon kay ninong Hive. Haha
Ay oo, agree ako, mas maganda kung drawing pad para unli mag-drawing.
Wishing for that to come true sis
Wow! Artist pala hubby mo. Best gift din sana Yun sa kanya ano.
Medyo, matagal ko na sya hindi nakita nag-drawing, actually, yung last drawing nya ay yung charcoal drawing ng picture ko noong dalaga pa ako. Oo, best gift sana, kaso lang ang mahal hehe.
Sana may milagro para matupad yan sis
Sana nga sis, kasi ang mahal, para lang syang mousepad na may ballpen.
Wow ang bait na asawa oh! Thoughtful~
Medyo, hehe, nakikita ko kasi ang pagsusumikap ng mister ko, kaya gusto ko sya matulungan sa paraan na kaya ko.
Aww so sweet naman sis
Thank you sis, gusto ko din talaga makatulong sa mister ko.
ganun naman talag dapat sis, nagtutulungan, di nag hihilahan
Tama ka sis.
sorry sis now ko lang napansin tong comment mo na menention mo ako hehehe
Okay lang sis, walang dapat ipag-alala.