Ulan Ng Pag-asa

in Hive PHlast year (edited)

Medyo matagal na din ako hindi nakakasulat ng blog. Medyo naging busy na din kasi sa iba't ibang bagay. Busy sa #splinterlands kasi baka biglang magbago ang buhay ko kapag napanalunan ko ung Gold Foil Kitty. #kittyforkiko Hahahaha.

Dami ko na nga ding picture na pwedeng i-post sa iba't ibang communities kaso parang hindi pako ulit handang sumulat. Dumalaw lang ako dito sa ating tahanan para i-check kung anong bago. Then, nakita ko itong pa-contest. Hindi naman ako masyado nag-eexpect na manalo. Gusto ko lang din sana i-share ung story behind the song na sinulat ko nung panahon ng lockdown. At baka sakali din may makuha akong subscribers sa aking Youtube. Hahaha. Sige na po please. Hahaha.

Screenshot_20230811_232746.jpg

Anyway, itong kantang ito ay nagawa ko last 3 years pa. Actually, hindi pa talaga tag-ulan nun. Bigla lang umulan ng malakas na malakas. Eh nung mga panahon na yun, sobrang init talaga. At ang laging nasa balita ay covid at ang mga kawawang magsasaka. Naging problema ko talaga sila nung mga panahon na un. Kaso wala naman akong magawa.

Isang araw, biglang umulan ng malakas. Umupo ako sa lapag ng pintuan namin habang pinapanood ung ulan. Katabi ko pa ung aso nmin nun, nagtataka siguro kung bakit andun ako at kung ano ung pinapanood ko. Then, parang bigla na lang ako nag imagine sa kung ano ang nararamdaman ng mga magsasaka sa oras na un. Bigla kong naisip gumawa ng kanta sa sobrang dami kong naiisip sa mga oras na un. Kinuha ko ung ukulele at notebook ko ng mga kanta. Saka ako tumipa at nagsimulang sumulat ng mga liriko. After nung ulan, tapos ko na ung kanta. Nilinis ko na lang at nilagyan ng mas angkop na mga salita. Nagulat ako dahil wala pang isang oras, natapos ko na ung kanta.
At masaya naman ako sa naging resulta.

Nung mga sumunod na araw, saka ko na nirecord ung kanta at nilagyan ng iba pang instrumento. Cguro bago mag isang linggo natapos ko na ung buong kanta. Mejo malinis na at pwede na pag tyagaan. Hehehe.

Pero ang totoo, proud na proud ako sa sarili ko nung natapos na ung kanta. Di ko na alam kung ilang beses ko inulit ulit pakinggan ung recordings ko. Tapos saka ko nilagyan ng video. Kaya ayan na ung lumabas. Hehehe.

Basta share ko lang sa inyo toh. Sana may magka gusto. Hehehe.
Di ko din alam kung pwede ba itong istorya ko sa patimpalak na ito. Pero okay lang din naman kung hindi ito mapabilang sa palaro. Gusto ko lang din talaga i-share itong kanta at makadagdag ng subscribers. Hahahaha.

Sige na po, hanggang sa susunod muli.
#BuhosNgUlan

Sort:  
 last year (edited) 

Apaka honest sa intentions. Haha. Ganda nung song very OPM. Parang naalala ko ung Siakol nung 90's sa style ng pagkanta mo. Iba talaga pag na inspire ka sa kung anu man, bigla ka na lang makakatapos ng kanta. Sabi nga nila, ang flowing water or dripping water or kahit yung paghampas ng tunig sa dagat ay nakakatulong sa pag flow ng inspiration. Kaya maraming mga shower thoughts. Haha.

Ganda ng song mo. Good luck sa contest

Salamat lods. Yes tunog 90s nga sya kasi un din ung nakalakihan kong tunog. And I think Siakol is one of the best in songwriting.

Meron kasi akong binubuong small indie productions. Parang magiging Wish sya pero d2 lang sa garden ko. Parang Sugarshack Sessions or Kaya Radio style. Tapos mga local bands muna d2 samin ipi-feature ko. Kaya naghahanap din ako ng subs, hehehe.

Salamat lods.

Ang galing! Lyrics at yung arrangement ng instruments. One man band. Para ako nakikinig kay Parokya ni Edgar. or yung mga Pinoy band sa 90s.

Yeah! Salamat po. Actually Parokya is one of my roots sa music. Good evening po.

Ang galing nyo po. Paano ba maka punta sa yt channel mo at ma subs hihihi.

Salamat po. Dey Creations po name ng channel ko. Same profile picture po. Maraming salamat po.

Na puntahan ko na po, na subs ko na rin. Hihihi. Yung kdramaclips nag iwan din ako ng comments doon.

Wow. Salamat po. Mag sub din po ako sayo.

Nice one, bruh! !PIZZA 🍕 para sa iyo. Now ko lang nakita ito.

salamat kap.

!LUV the music. rock on.

Congratulations @deythedevil! You received a personal badge!

Happy Hive Birthday! You are on the Hive blockchain for 2 years!

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking

Check out our last posts:

Women's World Cup Contest - Round of 16 - Recap of Day 4
Women's World Cup Contest - Round of 16 - Recap of Day 3
Women's World Cup Contest - Round of 16 - Recap of Day 2

Congratulations @deythedevil! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)

You got more than 800 replies.
Your next target is to reach 900 replies.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Check out our last posts:

Women's World Cup Contest - Round of 16 - Recap of Day 4
Women's World Cup Contest - Round of 16 - Recap of Day 3
Women's World Cup Contest - Round of 16 - Recap of Day 2

PIZZA!

$PIZZA slices delivered:
@juanvegetarian(2/5) tipped @deythedevil