May tanong kami..
We have this new portion where we ask questions and you answer via the comments. It will run over the weekend. Once the weekend is over, we will decide the top 3 best and amazing answers from the comment section and we will let you vote for the best commenter in Discord and Leothreads.
Last Week's Winner
Our winner for last week's question is @jenthoughts! You win 10 PIZZA tokens!
Question Of The Weekend (QOTW)
For this weekend, our question is:
Anong pinakaayaw mong pagkain?
or
What's your least favorite food?
We all have our favorites, aminin nyo man o hindi. Pagdating sa pagkain, meron din tayong ayaw. Yung hindi natin kinakain kapag may handaan, or yung lagi nating iniiwasan. What's yours? Share with us naman oh!
Contest Rules
The rules are pretty simple:
- Answer the question in the comment section. No need to create a post about it.
- There's no minimum word count but more than 1 sentence is greatly appreciated.
- No plagiarism. Syempre!
- Content must be in Filipino and/or English.
- Invite another person to join the contest.
- You don't need to be a Filipino to join this contest. Everybody is welcome to join!
Deadline of this contest is on October 15 EOD PH time.
Chosen commenter will win 10 PIZZA tokens!
What are you waiting for? Comment now!
An interesting question.
My least favorite food will be intestines of different edible animals.
There's a lot of times when my relatives offered me to try it but I just can't get a bite.
Also when it comes to goat and carabao meat but it depends on how it cooked. I got a trauma before regarding how the dishes turned out. I can't stand the smell but the old ones here in our place says that there's a certain technique in cooking them.
So far konti palang pumapasa sa panlasa ko na nawala yung matapang na amoy nung karne.
Pagdating sa foods tlga wla akong pili from seafoods, gulay at isda then wla akong allergies kaya pwede ko kainin kung gusto ko. Di ko masyado favorite tlga mga meats kaya pakonti konti lng kinakain ko pg may okasyon.
Ang iniiwasan ko tlaga sa lahat is chicken/manok. Cyst survivor ako sa lower part ng right breast ko at last 2014 pinatanggal ko tlaga dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko. One of the reason bakit ako umuwi from Singapore. DH ako don at I'm proud of it. Lahat ng trabaho alam ko lalo na sa kalinisan. So dapat malinis din tayo sa katawan just to keep healthy. Iwasan ang bawal kung gusto pang mabuhay. Sabi ni doc kasi sa akin non " cge kain ka pa ng chickenjoy sa Jollibee". Nashocked akich! Sabi ko doc wla pong Jollibee sa bukid namin tska barbecue and lechon lng meron don. Pero mahilig po talaga ako sa manok noon.
Since mahal pgpa opera so lahat tinanong ko ky doc pero one of the cause tlga bat nagka cyst ang tao is the food. Number one si chicken kasi injectable yan pwera na lng kung native chicken kainin mo mas okay pa yun. Since that day sinumpa ko tlga si chicken. Pag niyaya ako mag Jollibee binibigay ko yung chicken sa iba hahaha.
Kayo ba sis @bloghound, @zehn34 at @aezielove anong foods na ayaw nyo?
Thanks sa mention sis. Isang beses nagluto si tatay ng ginataang bibe, inalok ako ng hipag ko. Ang sarap ng kain niya, sabi ay parang manok lang din ito, pero hindi ko tinikman. Hindi lang siguro ako nasanay. Hindi rin ako kumakain ng hito o dalag na niluluto sa pulutan nila tatay (puro yata pulutan sa inuman to ah)🤣
Sa mga resto naman ayoko kumakain ng mga mahal na foods (kasi wala akong pambayad)🤣✌️
Welcome sis! Parang nkakain na ako ng bibe pero msrap sya infairness.
That's true sis grabe talaga Ang injection na Meron sa mga commercial chicken. Kami Minsan lang din talaga nag memeat, occasional lang din hehehe.
Glad at natanggal na Ang cyst mo. Eat healthy food to live longer talaga. I remember our motto before, healthy lifestyle, longer life.
Kaya mabenta sa market ksi lumaki dahil sa injection hehehe. Pero masama sa katawan ng tao tsk tsk.
Salamat sis at okay na tlga feeling ko since natanggal yun. Healthy lifestyle dapat para live longer tlaga.
Akoa sis? Sobrang spicy foods ang Dili ko ganahan nga kaonon Kay maghapdi jud dayon ang akong tiyan pagkahuman pero other than that Wala na.
Same ta sis! Di ko mgdugay ug kaon anang spicy jud. Di makaya ang kahalang hahaha.
I eat everything spicy, sis Jean. I am not picky. I also love exotic foods like ginataang frog or sinampalukan man yan, dinuguang babski, jumping salad, kilawing isda or beef, pinapaitang baka, grilled liempo na may sawsawang dugo, lahat ng pampulutan o kinakain sa inuman lol. (di ako umiinom). Natutunan ko yan nung sinasama ako ng tatay ko ko nung bata ako pag pumumunta sa inuman para makauwi agad lol. Anyway back to fave food, yun nga. I am not the "dine-in" kinda person. Lutong bahay ayos na ayos na. Siyempre, dapat may kape lagi. Yun lang, sis. Kampay!
Saktong spicy lng keri ko sis bka malasing ako sa tubig kakainom hahah. Gusto ko din matry yang exotic foods na yern at di ako maarte pgdating sa pgkain bsta di lng nkakalason ha😁..dinadala ka tlga ni tatay mo para nkauwi sya agad hahaha. Im not into dine in din sis. Mga friends ko lng mahilig mgyaya eh.
Apir sa pakape kape diyan hehehe.
Apir tayo jan, sis!!! lol
Baka may kilawin ka jan?
Eto sis kahapon sa birthday ni macai hehehe.
Mabuti d mo namana yung pag inom ni tatay sis lol.✌️
Ako kasi namana ko hahaha.
Naloko na, sis! lol
Malakas lang akong kumain, sis
Teka, "least" fave pala yan. Ayoko ng carbonara, sis. Di kasi bagay sa pobre kong taste. I mean, I'm serious. Diko bet ang lasa. No explanation. At di siya pang survival food sakin lol.
Lahat ng pagkain sa akin ay masarap maliban sa Sea shells dishes. Noon, halos every week may naghahatid sa akon sa bahay ng sea shells dahil bihira lang ito sa amin sa bukid at alam ng tumitinda galing dagat na paborito ko ito.
Nang magkasakit ako, naging dahilan din ito na lumubha ang aking kalagayan. Maliban sa seashells, lalong dumami ang naging bawal sa akin kaya naging mas maingat na ako sa mga kinakain ko. Pero kung wala lang sanang bawal, sana ngayon, nagiging kasiya-siya ang pagkain ng mga shells sa dagat sa kahit na anong lutuin.
Sa totoo, namimiss ko ito lalo na ang pinakaborito kong kinakain noon na Bakes Scallops. Paborito ko din ang shells na sinasabaw at kahit anong lutuin na may hinahalong oyster sauce. Grabe talaga ang pagsasaayos ko sa mga kinakain ngayon lalo na mahilig ako lumabas at kumain ng mga masasasarap na pagkain sa mga cafe at restaurants.
Mula sa paborito kong pagkain, ngayon, ito na ang pinakaayaw kong pagkain mula nang magkasakit ako. At sana, kahit naging ayaw ko ito ngayon, magkaroon pa rin ng panahon na makakain ako ng mga hilig ko noon na hindi ako mapupunta sa hospital. Pero takot na ako. Eka nga, masarap ang bawal. Kaya ito ang naging rason kung bakit naging pinakaayaw ko ng kainin ang kahit anong sea shells sa dagat.
I am inviting @bluepark and @labanez to answer the question of what is your least favorite food. Good luck friends!
Thanks sis. Kalungkot naman talaga pag di mo nakakain yung food na sarapa pa naman kainan. Tilaw-tilaw na lang sis.
Mao guys sis. Hehe. Lami man gehapon ang tilaw2 pero makulangan lang. yes nalang sis hehe
Korek sis @pinkchic masarap daw talaga Ang bawal hehehe pero Ang tao kasi kadalasan walang temperance, kahit sinabi na na bawal o di kaya may allergy na Dito, kumakain parin hehehe.
Our creator gave us guide on what food to eat and what food is not good for us. Tigas lang talaga Ang ulo nating mga tao.
Amen to that sis. I so agree with you. Hehe. Hanggang tingin nalang or pwede San gamay Lang ba.
That's too sad and unfortunate.. Ang sarap pa naman nyan! Hope you can go back to the old days, yung di ka dadalhin sa ospital when you enjoy the food you like.
Huhu. The baked scallops grave makamingaw. Fave kaayo but why not if gamay Lang ba. Puhon! Manifesting ehhehe
Medjo marami din akong di bet kainin like okra dahil sa slimmy thing neto, yung any kind of atay di ko Lang bet yung lasa at amoy neto, naalala ko tuloy nung high school ako pinag luto ako ng inatayan dish ng tiyohin ko wala akong choice eh working student ako nun Kaya niluto ko pa rin pero I covered my nose Para di ko malanghap yung among ng niluluto ko at nung paluto na yung Tiyohin ko ang pinatikim ng aking niluto.
Anyways di ko rin bet ang food na naaamoy ko ung baho ng egg I mean the egg yolk, like bread, cake or anything na my halong egg tas naaamoy or nalalasahan ko yung weird taste ng egg yolk.
Ikaw ba @jeansapphire and sis @Bloghound ano ang ayaw niyong kainin na food?
Ang weird ng egg yolk hehe
Pero I get about the slimy food! Dahil dyan ayaw ko rin sa okra! hahaha
Di nga ako kumakain ng balot dahil smell neto. Hehehe
Talaga sis Ang langsa siguro Ng itlog Ang ayaw mo. Iba2 din talaga Ang ayaw Ng pang Amoy natin ano.
Yes sis correct ka jan
Pag usapang atay sis nku masarap yern lalo na pg adobo. Tska eggs for life kami sa bahay at 3 trays nauubos namin for 1 month.. every breakfast namin di nawwla c eggs.
I eat eggs naman sis
Aside from foods that I am allergic (seafoods and chicken) the least my favorite was pusit.
Seafoods then? Yes but iyong kasi I can eat, then drink medicine after . Tigas ulo no?
Yet , Pusit di ko talaga malunok 🤣. It started when I was a kid, nakabili ng bilasa na Ang father ko..then when I started eating I puke. Mula noon natrauma yata lalamunan ko. Mabilis kasi ako madala sa food🤣
Ikaw @ruffatotmeee , @jane1289?
Pusit pla.. Nagtaka ako ano yung puwit.. 🤣
Hahaha shems,.edited
🤣🤣.. Kung puwit, aba hndi yan least favorite 🤣🤣
Puwit Ng manok 🤣
Haha... Pwede 🤣
HAHAHAHA diko naabutan yong puwit HAHAHAHA, puwit ba nino yan @lhes HAHAHA
Ng manok iyon 🤣
Check mo edit history 🤣
Ehhh how about calamares then? Fried naman yon and coated with flour?
Minsan kain now suffer later 🤣
Hahaha masarap naman kasi no uwu. Basta may gamot na r3ady gora haha
Usually nakaka allergy talaga Ang mga sea foods kasi by nature di talaga Sila good for food.
Hwag kanang kumain Ng bawal kasi Ikaw din magsuffer Ng allergy after.
Bakit why hahahahaha pusit ok lang naman sya e hahahaha
Sabit sa lalamunan ko 😂
Hilig ko pa naman sa calamares. Ilibre kita minsan. Char. Haha. Ayaw ko rin dati ang adobong pusit. Ngayon, keri lang. Napilitan ako magluto kasi paborito ni ritsard.
Eto marse! Like mo
Hmmm, to be honest parang lahat naman gusto ko ee ahaha. Walang pili lol. Siguro sa gulay nalang yonf luto na may carrots ba. Mejo diko din kasi bet lasa at texture nito pero kapag maliliit naman hiwa at di mo masyado malalasahan ang carrot I can eat it naman in fact kakakain ko lang ng grates carrots na may egg saka tinimplahan ng mga seasonings. Masarap sya basta wag lang yong malalaki talaga ang hiwa.
Ikaw @usagidee and @ifarmgirl hehe
Luhhhh pero ako bet ko carrots kahit luto or hilaw. asar pa sakin nung bata ako eh rabbit kasi kumakain ako hilaw na carrots hahaha
Hahaha same kayo ni mommy nakain ng hilaw na carrot haha. Pero mas healthy naman kapag ganyan.
Carrots? Masarap Yan sis @ruffatotmeee and good for the eyes. I-juice mo na lang para di mo makain Yung texture or fiber nya hehehe o kaya ishread mo din gawing patties, di mo na mahahalata na carrots Yun hehehe.
Nakakakain naman ako nyan kaso madalang lang talaga. Yong kahapon nga ee ni grate tapos ni fry ni mother with eggu
I have lots of favorites but rarely have least favorites. I don’t like slimy food - okra, etc! But if naluto na ung okra and parang nawala na ung slimy nya, kinakain ko naman.
I don’t like ampalaya too pero minsan din kinakain ko nalang no choice healthy eh 🥲 pero at least make it less bitter 🥲
I don’t like cup noodles too, yung instant. Ung mga nissin na yan, marami yan dito but I don’t like it. Wow char healthy kuno 😂
I don’t like pork or chicken feet. Ang weird lang nila kainin.
Dami ko pala ayaw hahahahahahaa
kaw ba @appleeatingapple @preciousbree @lhes @itsmemarie @kev.incredible?
!PIZZA
Dami nga talaga hehehe. Okra is one of my favorite as well as my son. Steamed okra sawsaw sa suka na may as in or Toyo okay na hehehe.
Yung okra masarap sya pag prito tapos isawsaw sa toyo suka. Ang secret sa ampalaya ay hiwain ito ng maninipis tapos babad sa tubig na may asin saka banlawan ng maraming beses. Naglihi ako sa chicken feet noon. Hahahaha. Natutunan ko tuloy magluto ng adobong paa dahil yun yung hinanap hanap ko nung nagbuntis ako. Hahaha pero samedt sa paa ng pork. Di ko bet talaga. Dami rin ako di gusto kainin eh. Apaccachoosy. Hahahaha. Sa kin malamang namana ni Aya pagka picky eater.
Slimy pa rin ung okra pag ganyan.
Yung ampalaya pag naging ganyan nawawala nga ung bitterness pero parang nawala na rin ung nutrients nya.
Pano ka naglihi ng chicken feet? Waaaa
Actually pag wala naman akng choice, kinakain ko naman talaga to lahat. hehe mga favorite kasi to ng bf ko, minsan pinapakain nya talaga ako kahit alam nyang ayaw ko. 😂
Ang diko kaya kainin ay yung atay. I can still eat the other ingredients of a particular dish with liver pero ung atay tinatanggal ko. I just don't like the texture of it and the after taste. And maybe subconsciously influenced by filipino foklore about wakwak who eats internal organs, I feel like I will become a wakwak of I eat atay 😆😆
Thanks sis @pinkchic sa pag tag. I am inviting @jenthoughts and @netswriting to share. ✌️
Di ko kayang kumain ng balot beyond 16 days. Hahaha. My ESL students before told me they are more Cebuano-like than me because they eat balots regardless of the days. Hahaha
How about you madam @jobeliever 😊
Hahahaha yan ang paborito ko madam! Sarap na sarap ako nyan!
Sa akin naman wala akong iniiwasang pagkain parang lahat ata paborito ko. Hehehe. Pero sa prutas ang ayaw na ayaw ko ay. Tisa, chico at atis. Huhuhu di kakayanin kainin nyan ba.
Yung may mga balahibo na, murag luod Naman tan awon heehhe
Nakakain ako ng balut isang beses at nasabi kong di na ako uulit 😆😆
Thanks for the tag sis.
Hmmm atay? Atay Ng manok Yan talaga binibigay Ng tatay at nanay namin sa kung sino Ang Pinaka bunso kasi walang bones at safe sa mga Bata siguro hehehhe.
Hahaha wak2 talaga, nakakakita kana ba Ng wak2? Yan talaga pantakot sa atin nung mga Bata pa tayo ano hehehe.
Kung meron man wakwak buti na lng mailap sya sa akin haha.
Hahaha Meron siguro pero di lang natin na met hahaha
Ayaw ko ng exotic food. I can't imagine eating worms, beetle, crickets, etc. Haha.
Sis @pinkchic ano pinakaayaw mo na food?
Ang dami nito sa Thailand sis. Hindi ko kaya. Hehhe. Naging bawal na sakin ang seashells kaya ayaw na. Ayoko na mahispital uli. Heheh
Ahahaha
Naku bahala Sila, okay lang kahit di kami magkita hehehe
Ahahahaha
Wahahahaa same! ayoko nyan!
Ahahahah... Mukhang marami diyan sa Japan
pinakaayaw ko ay mga laman loob na pagkain. pero kumkain naman ako pag wala na talaga ibang ulam haha. sapilitan nalng.
!PIZZA
Naalala ko tatay ko na may arthritis, Yung lamang loob Isa talaga sa Pinaka bawal sa kanya.
wala pa po ako arthritis a. ahahaha
Di mo ba kaya kumain ng Tuslob Buwa ng Cebu? hehe
Nooooo.. hnd ko kaya.. dba utak yan?
Wow! Thank you so much @hiveph.
For the new QOTW, Ang Dami Kong di kinakain eh, lahat na pinagbabawal ni God sa atin mentioned in the Bible like pork, shrimp, pusit and etc. But shrimp na maliliit at nilalagyan Ng flour tapos iprito, parang patties na, di ko kasi alam ano tawag doon atsaka Yung pusit, Sila Ang Pinaka hate ko kasi nasusuka Ako sa Amoy nila habang niluluto.
Ikaw sis @bigeyes2012, @usagigallardo015, @jeansapphire ano Ang ayaw mo na food?
Thanks for the mention sis. Yung shrimp na maliliit is BUDUHON in bisaya pag nilalagyan sya ng flour at eprito eh tortang BUDUHON tawag namin. Masarap Yan sis at fave ni eldest ko Yan. Nkupo ang sarap ng pusit lalo na pg kinikilaw sya, yum yum. Masarap din sa adobo at fave ni nanay Yan.
Naku hate ko talaga Yan sis kahit Amoy di ko kaya hehehe.
Pinaka ayaw kong kainin ay yong palaka parang hindi maputol yong laway ko. Pakisagot ng tanong @misbebet @nanayko
Ahahaha! Sarap nyang palaka sa adobo😋
Yong ahas ang ayoko, tumatayo balahibo ko nang di sinasadya😅
Ano sa palagay nyo @annetimistic? @iamgagz09?
Pinaka ayaw ko talaga ang ahas, nakain ko na halos lahat ng exotic food pero ahas talaga ang hindi ko kayang i dare kainin.
Ikaw kaya @naymhapz at @missbebeth ?
Never will I dare it. I have never tasted exotic food yet.☺️
Hahaha... I will be your mentor in eating exotic foods @naymhapz just give it a try.
😂😂😂 never this time.
Hahaha never say never... We will try takdong soon.
Takot na takot ako sa isang ahas.
Ahas? Grabe Naman itong minimention ninyo mga exotic food talaga hehehe
Hahaha masusuka talaga ako kapag palaka. @nanayko hahaa
Palaka? Nako ever since di pa Ako nakakain Nyan hehehe. Di ko ma imagine hehehe
waaaaa ewwwww palaka! ayoko nyan kahit buhay pa, pano nalang pag naging pagkain. mas lalong ayaw! hahaha
Hahaha oo nga
To be honesty,food is very important for human to survive , I love many foods but the least of choice is cocoyam. Cocoyam is a carbohydrates . it is very good for the body.
It can be substitute with yam or mixed with when it comes to pounding of yam.
It is eatable with egg or garden egg.
It is one of the greatest food in Yoruba land for those people who have farm or many people to feed.
Just to round up cocoyam is my least food
Pinaka least na hindi ko gustong kainin yung mga exotic food na kinakain ng iba. Yung tinutuhog ng stick sa kalye. Nakakadire talaga tingnan yung mga taong kumain niyan. @rhianmaker @marie.creates
Like tempura and kwek kwek ba sis? hehe
Masarap po niyan,ang tinutukoy ko po like woodworm, mole crickets at iba pa.
$PIZZA slices delivered:
@wittyzell(1/15) tipped @hiveph
kungfukid tipped hiveph
For sure huli na talaga ko dito sa Tanong Kasi now lang ako nagbalik.Ang pinaka ayaw kong food ay yong spicy, kahit ano basta ma anghang,hehehe.