Ang magandang bukas!

in Hive PH5 years ago

Ang bawat gabing madilim at malamig ay may katapat na liwanag at ma payapang kinabukasan. At hindi lingid sa ating kaalaman, tayo ngayon ay nasa kala gitnaan ng pinaka madilim na oras ng ating buhay. Ang pandemyang nagpapahirap sa bawat isa sa ating mga Pilipino at gayon sa ibang mga lahi sa buong mundo ay malayo pang magwakas.

Dahil sa pandemyang ito, ang halos higit sa kalahati ng mundo ay kasalukuyang nakapiit sa kani kaniyang mga tahanan. Mahigpit na ipinagbabawal ang pag labas ng bahay, sarado ang halos lahat ng trabaho hanggang sa limitadong trabaho at negosyo lamang ang bukas at walang pam publikong sasakyan ang pinapayagan sa mga kalye. Tunay ngang mahirap ang ating kalagayan sa mga oras na ito.

Ngunit imbes na tayo'y mag mukmuk sa isang gilid at mag isip ng mga bagay bagay na di natin kayang abutin at mga bagay na impossible. O di kaya naman matakot sa kalabang di nakikita. Bakit hindi nating gawing prodoktibo ang bawat oras at araw na mag daan habang tayo ay nasa loob ng ating mga bahay. Gumawa tayo ng mga bagay na kapaki paki nabang upang mapag handaan ang bukas na darating.

Mga bagay na kapaki pakinabang na maaring gawin sa loob ng bahay
Maliban sa magdamag na panonood ng telebisyon bakit hindi nating subukang tumuklas ng mga bagong kaalaman at kakayahan. Magbasa tayo ng mga aklat, subukan nating sumulat o di kaya naman ay gumuhit.

Maari kang kumita ng mula sa kakarampot na sintemo hanggang libo libong piso sa panunulat. Oo, narinig Kita kaibigan, wala kang hilig o talento sa panunulat. Kung gayon bakit hindi gumuhit o mag limbag ng mga kaaya ayang komiks.

Ngunit, gayon na naman ang aking naririnig mula sa iyo, na wala kang talento sa pag guhit. Sige meron ka naman sigurong cellphone na may karema at konektado sa internet. Pwede ka pa ring kumuka ng kaya ayang litrato o di kaya naman video gamit ang iyong cellphone.

Wag ka ng magdahilan kaibigan, sa ngayon mahirap ang buhay at Hindi pa tayo nakakalayo sa ating laban kontra CoVid19. Malayo pa ang ating lakbayin. Kaya't umpisahan mo ng gumawa ng kapaki pakinabang na bagay. Umpisahan mo sa pag sali sa aming napaka gandang platform: https://hive.blog/