Brownout!

in Hive PH5 years ago (edited)

IMG_20200519_221843.jpg
Isang gabi, ang mga tao sa bayan ng Camiring ay mapayapang nagpapahinga sa loob ng kani kanilang mga tahanan. Kabilang sa mga ito ay ang pamilya ni Jane, isang apat na taong gulang at masayahing bata. Ang pamilya nila ay namumuhay ng simple, masaya at masagana. Hanggang dumating ang isang kagimbal gimbal na pangyayari sa kanilang buhay.

Sunod sunod na dagok ang dumating sa bayan ng Camiring. Ngunit ang gabing ito ay natatangi sa mga nakalipas na gabing nag daan. Tila ba na merong kung anong kaka ibang mangyayaring di kanais nais. Mabigat at balisa, yan ang pakiramdam bukod pa sa lumalaganap na bagong sakit na wala pang lunas na lalo pang nag bibigay ng alalahanin sa mga mamamayan ng bayan ng Camiring.

Sa gabing ito ang mga magulang ni Jane ay masayang nag papahinga habang na nonood ng telebisyon. Sa kabilang banda, ang paslit naman ay masayang naglalaro sa tabi ng kanyang mga magulang. Kumakanta pa nga ito at nagsasayaw kasama ang mga nakabantay na magulang. Ang kanyang tatay naman ay abala sa bag babasa sa kanyang Twitter account ng bigla mag iba ang timpla ng kanyang mukha. Mula sa pagiging masigla at masaya, na palitan ito ng labis na pag ka balisa at matinding lungkot.

Sa kabilang banda naman ang batang si Jane ay walang pakialam sa nangyayari sa kanyang itay. Siya ay patuloy pa rin sa kanyang pag lalaro, pag kanta at pag sasayaw. Ngunit ang ilaw ng tahanan at may bahay ay nakaramdam na sa pag kabalisa at matinding kalungkutan nararamdaman ng haligi ng tahanan. Kaya't walang kung anu ano, siya ay marahang lumapit at nag tanong.

Mahal, ano ba ang nangyari bakit bigla kang nakaramdam ng matinding balisa at pagkalungkot, maalumanay at malambing na tanong ng kanyang may bahay.

Ito mahal ang dahilan, marahang sagot ng haligi ng tahanan at marahang pinakita ang isang tweet sa kanyang twitter account. Ngumiti ng bahagya at marahang nag sabi "OK lang mahal" ngunit nasasalamin pa rin ang matinding kalungkutan at pag ka balisa.

Marahang inabot ng ilaw ng tahanan ang cellphone ng kanyang asawa at ito ang kanyang nasaksihan na labis din niyang ikina balisa at ikina lungkot.
IMG_20200519_211644.jpg

Ngunit gayon pa man, dahil sa wala silang kontrol pareho sa mangyayari, ipinag kibit balikat na lamang ng mag asawa at titanggap na rin nila ang harap harapang pag nanakaw na gagawin ni Justin Sun at ang kanyang mga alipores. Maliit lamang ito para sa iba ngunit para sa pamilya nila Jane ito ay ang kanilang buhay, pera itong pinaghirapang ipunin at ilagak gamit ang sariling pawis at pagod.

Nakaka bahala man ngunit ito ang masakit na katutuhanan, ang steemit.com na kanilang pinag katiwalaan dati para sa kanilang kinabukasan ay tila isang mapanganid na ahas na sisila sa kanila at sila ay harap harapang pag nanakawan ng yaman.

Lumipas na ang ilang oras at ang lungkot at pakabalisang nararamdaman ay unti unti nang napapalitan ng saya. Ang batang si Jane naman sa kabilang banda ay masaya pa rin sa pag lalaro at walang paki alam sa mga mangyayari sa paligid. Sayaw, kanta, talon, halakhak, ngiti, paulit ulit. Ang inosenteng Bata ay masarap pag masdan.

Ngunit biglang nag dilim ang buong paligid at umali ngaw ngaw na rin ang matitinis na sigaw at iyak ng mga bata mula sa kapit bahay, tila ba may kung nangyaring kagimbal gimbal. Hindi nag tagal, bumulalas na rin ng malakas na pag iyak si Jane. Ang kaniyang iyak ay waring dulot ng matinding takot, sadyang napakalakas nito.

Ang dating masayahing bata, ngayon ay di maintindihang pagka lungkot at pagka takot ang nadarama, halata sa lakas ng kanyang iyak. Sa kabilang banda naman ang mga taong tahimik na nag papahinga sa kanilang mga bahay ay biglang nag labasan na tila ba ay binugaw na mga hayop sa sariling koral.

Ang dating tahimik at mapayapang bayan at nababalutan na ng labis na pagkabalisa at matinding kalungkutan. Ang mga tao'y nasimula ng mag ingay sa labas ng kani kanyang mga tahanan. Ang katahimikan ay na basag ng mga boses na tila balisa.

Sa tahanan nila Jane, ang kaniyang ama dala ang isang emergency light at tent ay nag pasya na ring lumabas ng bahay at manatili sa kanilang rooftop. Upang maka iwas sa nag babadyang pasakit na dala ng "Brownout" ang mainit na panahon.

Hanggang dito na lamang ang aking kuwento at sana ay nasiyahan kayo sa pag babasa.

Disclaimer:
Ang kuwentong ito ay hango sa aktual na pangyayaring nararanasan ko ngayon may tinatawag silang rotating Brownout.

Ang mga pangalan ay ng lugar ay binago ngunit ang pag kakatugma ng pangalan at lugar na pinangyarihan ng paksa at hindi sinasadya.

Sort:  

Na-miss kong magbasa ng kwentong Tagalog. ❤❤
Pero nabigla ako nang mabasa ko ang tweet tungkol kay Justin Sun. Nagawan mo pa talaga ng kwento 'yung current issue na 'yan. Hehehe.
Maraming salamat sa pagbabahagi ng kwentong ito. Sana mas marami pa akong mabasang kwento sa mga kapwa natin Pinoy. Sulat lang nang sulat. 😊

Maraming maraming salamat po sa pag uukol ng oras. Bigla nalang pong pumasok sa isik ko ang kwento kanina pong mag Brownout dito amin. At nabasa ko rin ang tungkol sa STEEM HF na mangyayari bukas.

Congratulations @jab1987! You have completed the following achievement on the Hive blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

You made more than 100 comments. Your next target is to reach 200 comments.

You can view your badges on your board and compare to others on the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @hivebuzz:

The Hive Gamification Proposal