Araw ng trabaho, walang masakyan, lakad, ang oras ng trabaho ay mag uumpisa ng alas nwebe ng umaga at mag-tatapos ng alas kuwatro ng hapon. Ganito ang araw - araw na tagpo sa aking buhay.
Alas kuwatro palang ng umaga, ako'y gigising na mula sa aking mahimbing na tulog upang pag-handaan ang panibagong araw ng pag pasok. Alas singko ng umaga, sisimulan ko ng mag lakad mula sa aking payak na tirahan sa Cupang, Muntinlupa hanggang Makati.
Aking binabaybay ang ilalim ng Skyway simula Alabang hanggang Makati. Isang na namang mahaba - habang lakaran ang magaganap. Inaabot ako ng higit sa tatlong oras na pag - lalakad.
At ito ako, tagaktak at naliligo sa sariling pawis.
Higit na gumagalang.