Listahan ng pangunahing pasaway sa mga kalye ng Pilipinas. Sino nga ba sila?

in Hive PH5 years ago

Ilaw trapiko at daang tawiran ay karaniwan na para sa ating mga Pilipino at madalas itong makita sa mga bayan, lungsod o sa mga matataong lugar at abala.

Para saan nga ba Ang ilaw trapiko at mga daang tawiran. Inilagay lang ba ang mga ito upang ipampalamuti sa ating mga abalang kalye?

Maaari para sa mga gong-gong ang mga ito'y palamuti lamang, pwede namang ito'y inilagay upang sila'y gambalain. Ngunit para sa ibang matitino, ang ilaw trapiko at daang tawiran ay inilagay upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa kalye.

Subalit mas marami ang gong-gong kumpara sa kakaunting natitirang matitino sa ating mga pangunahing kalye. Mapa drayber at mananawid o bata, matanda,propesyonal o mag-aaral, lalaki o babae, lahat sila'y lumalabag sa simpleng batas.

Ating isa-isahin kung sino-sino nga ba silang mga pasaway sa ating mga pangunahing kalyeng abala. Sila ay ang mga sumusunod;
-Drayber ng motorsiklo
-Drayber ng tricycle
-Drayber ng Jeep at Taxi
-Drayber ng Bus at Truck
-Drayber ng pribadong sasakyan
-Mga mag-aaral
-Mga pasaway ng mamayan

Halos lahat ng mga nabanggit na drayber at may pagkakahalintulad sa pag-gamit ng pangunahing mga kalye at pagtingin sa ilaw trapiko. Ito ay ang mga sumusunod;

Kulay Berde - diretso lang ang takbo at bawal ang tumigil.

Kulay Luntian - magpatakbo ng mas matulin at bumusina ng malakas habulin upang hindi abutan pag pula ng ilaw trapiko.

Kulay Pula - diretso lang ang takbo kung walang ibang sasakyan at walang nakakakita.

Hindi bat iisa pala ang ibig sabihin ng tatlong kulay ng ilaw trapiko para sa mga kamoteng motorista. Berde, Luntian at Pula lahat diretso ang takbo.

Drayber ng Motorsiklo
Sila itong mga ayaw magpatawid sa mga tawiran at imbes na mag-menor o huminto kung may nakitang tumatawid sila'y humaharorot at bumubusina.

Pag sa ilaw trapiko'y inabutan ng pagtigil mga motorsiklo pa rin itong mga nakaharang sa daang tawiran. At kung ang trapiko'y mabigat sila naman itong mga gagong sa mga bangketang para sa taong naglalakad humaharorot.

Sadya yatang walang disiplina ang mga naka motorsiklo. Ikaw ba ay isa sa kanila kaibigan? Pakiusap ko'y magbago kana, mahiya ka naman para sa sarili mo. Hindi porket mukha mo'y naka-tago sa likod ng helmet mang wawalang hiya kana sa kalsada.

Drayber ng Tricycle
Kuya wag mo palageng idahilan Ang kahirapan para ikay lumabag sa batas trapiko. Wag Naman po kayong abusado at palageng counter flow. Palageng cutting trip at palageng tumataga ng pamasahe sa pobreng gaya mo.

Pakiusap po, magbago kana alang alang sa kinabukasan ng ating mga anak. Puro ka reklamo na ikay mahirap ngunit disiplina sa sarili'y nawawala.

Drayber ng Jeep at Taxi
Hinto rito, hinto doon, sa daang tawiran ay nakabalagbag at nagtatawag ng pasahero. Minsan namay nakahinto pa rin kahit berde na ang ilaw upang magsakay ng pasahero.

Sila din itong mga gatasan ng ating mga unipormadong tauhan ng ating pamahalaan. Ngunit sila rin itong may malaking sakripisyo sa daan at taga hatid sa ating mga mananakay.

Drayber ng Bus at Truck
Sila ay binansagang hari ng kalsada, idinadaan sa laki ang lahat. Gitgit ka kung ayaw sila'y di mo pinagbigyan. At ang kanilang palaging rason at bukang bibig, "kumpanya namin ang magbabayad sayo at aareglo sayo kung ikay aming makitil. Dapat nga talagang silang mga walang mudong drayber ng Bus at Truck ay iwasan sa daan.

Drayber ng Pribadong Sasakyan
Madalas sila itong mapagmataas, tingin nila'y pribadong pag aari nila ang kalye at sa tawira'y wag na wag kang magkamaling tumawid kasi ikaw di bibigyang daan. Mag-antay ka o mamatay ka, yon sila. Mga walang modo at feeling mayayaman, kahit ang sasakyan naman ay hulugan.

Sila din itong palageng nagsasabing edukado ako, ngunit sa ugali namay hindi mo mawari. Kaibagan ikaw din ba'y isa sa kanila? Kung oo, magbago kana. Baka bukas makalawa buhay mo'y magtapos sa walang kwentang kayabangan mo.

Mga Mag-aaral
Hindi ako nagkamali rito, mga mag-aaral na sa eskwela ay walang natutunan. Oras ng labasan sila'y naglalakad sakod ang buong kalye. Mga nene at totoy, magtino naman kayo, dahil kayo ang pag-asa ng bayan.

Mga Pasaway na Mamamayan
Kahit saan sila'y nandun, tawira'y di ginagamit kung saan saan na lamang tumatawid at biglang sumusolpot.

Hindi nyo ba mahal ang mga buhay nyo mga kaibigan. Kung isa ka sa kanila magbago kana at huwag mong hintaying tabunan ka ng dyaryo sa gilid ng daan.

Sort:  

Congratulations @jab1987! You have completed the following achievement on the Hive blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

You got more than 10 replies. Your next target is to reach 50 replies.

You can view your badges on your board and compare to others on the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @hivebuzz:

Hive Revolution - Mission 1 - Communication
Hive Revolution - Call for missions
Vote for us as a witness to get one more badge and upvotes from us with more power!

meron po talagang ganyan na tao kahit anong sabi. Ang importante po hindi tayo tumulad sakanila.

Yon po ang tamang gawin, ngunit kailangan din natin sila patamaan para di sila saktan ngunit para sila magising sa mga mali at maligtas natin sila sa masamang mangyayari. Salamat po sa bagbabasa.