Madaling mamatay, ngunit mahirap mabuhay.

in Hive PH5 years ago

IMG_20200529_134025.jpg
Hunyo uno taong dalawang libo't dalawampo, ang unang araw ng ating literal na pakikipag-sapalaran sa buhay. Ang araw ng ating pag babalik sa trabaho. Ang araw ng ating pag labas sa bahay.

Ano nga ba ang naghihintay sa atin sa araw ng lunes. Dapat nga ba nating ika tuwa? Dapat nga ba nating ika lungkot? Ang sagot ay ating makikita sa pag sapit ng ilang linggo.

Kaibigan, nais kung malaman nyo ang aking saluubin sa ating muling pagbabalik. Biglang isang manggagawang isang kahig, isang tuka. Ako'y natutuwa't muli ng makakatanggap ng limos mula sa aking pawis.

Ang aking inaalala lang, kung sa di inaasahang pagkakataon. Ako'y maka langhap ng masamang hangin sa labas. Paano na lamang ang aking munting anghel na sa mundo'y wala pang muwang.

Ako'y takot sa aking muling pag babalik, hindi para sa aking sarili, kundi para sa kanila. Sa kanilang umaasa sa akin, ang aking asawa't anak. Paano nalang Kung sila'y magkasakit dahil na rin sa akin.

Mahirap talagang maging isang mahirap. Salat sa pag-kain at sa lahat ng bagay, ang kahirapan ay tila isang sumpa. Tunay ngang madaling mamatay, mahirap mabuhay.

Pagtanggi:
Ang larawan larawan ay mula sa pixabay at aking binago ukol sa aking orihinal na imahinasyon.

Sort:  

Congratulations @jab1987! You have completed the following achievement on the Hive blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

You got more than 100 replies. Your next target is to reach 200 replies.

You can view your badges on your board And compare to others on the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @hivebuzz:

Introducing HiveBuzz Shop - Offer gifts with your favorite badges