Sa darating na mayo 16, taong 2020 ang buong ka maynilaan ay mahaharap sa panibagong yugto ng pang kahalatang pag sasara. Ang ika apat na kabanata ukol sa kwentong covid - 19. Handa kana ba, kaibigan.
Hindi lingid sa ating lahat na ang ilan sa ating mga karatig probinsya ay nakataas parin ang mahigpit na pag papatupad ng pang kahalatang pag sarado ng mga bayan at siyudad.
At sa kabilang banda, meron na ring mga lugar na medyo maluwag luwag na ang pag papatupad ng pang kalatang pag sarado ng bayan o siyudad na Kung saan pinapayagan nang maka pag bukas ng negosyo ang ilan at piling pili establisyemento.
Ang ilan sa ating mga kababayan ay nag balik na sa kani kanilang mga trabaho. Ngunit sila ay hirap sa pag pa roon at pag pa rito sa kadahilanang kulang ang pam publikong sasakyan nag balik sa pag serbisyo sa ating mga mamamayan.
Sa ating pag kaharap sa bagong problema sa pam publikong sasakyan. Ilan sa ating mga kababayan ang nag isip ng ibang paraan para ma ibsan ang hirap ng kawalang o kakulangan ng masasakyan.
Ang pinaka epektibong solusyon ay ang pag gamit ng bisekleta sa pag pasok sa araw araw na trabaho. Ang iba naman ay piniling mag lakad na lamang upang makatipid at makapag ehersisyo. Ngunit alam nyo ba na ang pag gamit ng bisekleta o pag lalakad ay nakasasama sa ekonomiya ng bansa at sa ibang negosyo. Oo at Ito ang dahilan Kung bakit.
Una, walang bibili at tatangkilik ng mga produktong petrolyo. Dahil naglalakad o bisekleta ang gamit ng karamihang tao, ang benta ng mga produktong petrolyo at langis ay baba. Sa pag baba, maaring mag bawas ng tauhan ang mga istasyon ng gasolinahan. Marami ang mawawalan ng trabaho. Pati ang mayamang nag mamay ari ng mga gasolinahan ay mag hihirap.
Pangalawa, mawawalan ng trabaho ang mga mekaniko ng motor, kotse,jeep, trisikel at iba pang di motor na sasakyan. Dahil ang bisekleta at madaling gawin pag nasira at kahit sinong walang karanasan maaring mag ayos nito.
Pangatlo, wala ng bibili ng kotse, motor, keep, at iba pang di motor na sasakyan. Dahil dito mag sasara ang lahat ng pagawaan ng mga sasakyan, pagawaan ng mga piyesa ng sasakyan,at lahat ng mga bentahan ng sasakyan. Pag iyon at nangyari mawawalan ng trabaho at pinag kakakitaan ang malaking bilang ng mang gagawang pilipino at lahat nag umaasa sa kanila gaya ng nagbebenta ng meryenda at mga pagkain at mga nagpapaupa.
Pang apat, mawawalan ng kita ang mga bangko dahil wala ng uutang ng sasakyan na pinapatungan ng mga banko ng katakot takot at napaka laking interes. Sa kadahilanang Ito, maaring mag bawas ng tauhan ang mga bangko lalong lalong na iyong mga naka tuka sa pag papa utang nang sasakyan.
Pang lima, kukunti ang tumataba ibig sabihin, kukunti rin ang mag kakasakit dahil sa pag bisekleta. Pag nabawasan ang magkakasakit, mababawasan din ang pupunta sa mga ospital upang mag pagamot at mawawalan o mababawasan ang bibili ng mga gamot. Sa kadahilanang ito, mag sasara ang ibang ospital at ibang tindahan ng gamot. Sa pagsasara at panghihina ng bentahan, mag banawas ng empleyado ang ospital at tindahan.
Sa lahat ng nabanggit gagamit ka pa nang bisekleta at naglalakad. O pipiliin mong gumamait ng di motor na sasakyan upang makatulong sa pag lago ng ekonomiya ng ating bansa.
Hanggang dito na lamang aking malikot na pag iisip, hanggang sa muli kaibigan ko. Maraming maraming salamat.
Congratulations @jab1987! You have completed the following achievement on the Hive blockchain and have been rewarded with new badge(s) :
You can view your badges on your board and compare to others on the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Do not miss the last post from @hivebuzz:
Vote for us as a witness to get one more badge and upvotes from us with more power!