You are viewing a single comment's thread from:

RE: Question Of The Weekend: Naniniwala ka pa rin ba sa kasal? | QOTW Last Week's Winner Announcement

in Hive PH6 months ago (edited)

Of course naman, naniniwala pa rin naman ako sa kasal. Kapag ang dalawang 'matured' na tao eh nagkasundong mamuhay nang magkasama habangbuhay, eh may poreber parin naman. Kapag sinabing 'matured' hindi iyon tumutukoy sa edad lamang. Dahil kahit gaanu pa katanda ang isang tao kung di sya matured mag isip eh para sa akin isip-bata parin iyon.

Ang "matured na mag-isip" o "mature" na pag-iisip ay tumutukoy sa isang antas ng pag-unawa, pagkilos, at paggawa ng desisyon na nagpapakita ng pagiging responsable, makatuwiran, may matibay na prinsipyo (hindi madaling sumuko sa mga tukso), at may kakayahang umunawa sa damdamin at pangangailangan ng kapartner nila. Hindi lamang siya nakatuon sa sarili niyang interes at alam ang kahalagahan ng salitang pamilya (hindi iyong pinaprioritize yung "inuman session" ng workmates mo dahil lang gusto mo marelax ang utak mo at maibsan ang pagod sa buong araw na paghahanapbuhay).

Pero kahit paman mayroon ang isang tao ng mga katangiang ito, kung yung isang kabiyak eh MAKASARILI, hindi rin magtatagal ang relasyon nila. Mauubos rin kasi ang pasensya ng isang tao, unless kung magbabagong buhay na sya.

Sabi nga, It takes two, to tango. So dapat dalawa talaga kayu na may matured na utak.

Kaya mag simula ka nang maghanap ng "matured" na tao. Pero dapat ikaw rin mismo sa sarili mo eh maging "matured" rin, wag iasa lahat sa magiging kapartner mo. Dapat my input ka rin no.

Alam ko naman na sa kaibuturan ng puso ng lahat na andito eh gusto makita ang right man or right woman nila at maikasal dito at mamuhay na magkasama. Yun nga lang, nauunahan lang ng mga worries nila na kesyo yung mga lalaki eh darating ang time na ipagpapalit sila sa mas bata at maganda sa kanila, o kaya naman yung babae na kayang iwan yung mga asawa sa ngalan ng pera. KAya nga, wag magpadalos dalos sa pagpapakasal. Kilalanin mong mabuti ang taong pakakasalan. Para less yung pagkakamali.

I guess magsesecond the motion si sis @romeskie at @tpkidkai dito.😁

Sort:  
 6 months ago  

Sa true! Kailangan pareho matured ang kung mag papakasal. Di pwede yung toyo toyo tsaka yung macho macho effect. Walang magandang kahihinatnan yang mga ganyan.

 6 months ago (edited) 

Tamatama. Wala kasi yun s pisikal na panlabas lang, ang taong matalino, ang inner side ang chinicheck pag kasal na ang pinag uusapan.