Echoes of Yesterday's Dream | Chapter 1; Transferee

in Hive PH7 days ago

Background (4).png

Eurich Park’s POV

I woke up early with my everyday routines. I should not be late since I'm holding one of the keys of our classroom.

“Good morning Park Hyeo Ri!” bati ni Billy noong papasok kami sa gate. Alam kong tatlo silang nakakaalam sa korean name ko, I allowed them to call me by that.

“Good morning, too early huh?” I teased him.

“Hehe, impluewensiya mo eh.” I just tsked as my reply.

In the middle of walking between the corridors, we saw Aquil with two boys infront of our classroom. Seems like they are talking.

Tumakbo si Billy at nakipag fist bump sa kanila.

May ilang classmates na kaming naroon, kaya agad kong binuksan ang pinto.

“Too much for key holder. Be on time, don't let us wait longer here.” narinig kong pagrereklamo ni Aquil sa likod kaya inirapan ko nalang ito.

“Pfft, kalma pare. Maaga naman siya oh.”

“Shut up, Vlad. She's late. I didn’t wait too long in my entire life.”

Eto ba yung Vladimir? At yung isa ay si Roexly?

“You did pare. You waited for Aesheyn almost half of your life.” sabi naman noong Roexly, nilingon ko sila at kitang kita ko kung paano hablutin ni Aquil ang kwelyo ni Roexly.

“I told you, don't mention her.” aniya at binitawan ang kwelyo ni Roexly na natatawa.

“Chill. Wala naman kaming masamang sinasabi ah. Pag nabubuhay pa siya ngayon, hindi ako papayag na maging cousin in law kita.” Biglang natawa si Vladimir at nakitawa si Roexly dahil pikon na si Aquil.

Padabog siyang pumasok sa classroom at agad na sumalampak sa upuan niya.

Naging maganda naman ang resulta ng klase namin. Hanggang sa may ibinilin lang ang teacher namin sa Personal Development (PerDev Subject) na sasagutan.

“Par pakopya naman oh,” inilapit ni Billy ang upuan niya sa tabi ko, kinuha niya ang pen at paper niya at nagsimulang tumingin sa papel ko. Syempre tinakpan ko. Aning ba siya?

“Batukan kaya kita gusto mo? PerDev to Par, bakit yung experience ko ba naging experience mo?” nakabusangot kong tanong.

Pero akala ko titigil siya, hindi naman pala! At isa pa tong Paolo na to, kinuha na rin niya ang upuan niya at ipinuwesto sa harap ko.

“Eurich my friend.” aniya ng nakangiti. Childish talaga! Sabagay isa ata sa mga pinakabata sa klaseng ito at hindi rin naman siya mayaman gaya ng iba.

“Magsitigil nga kayo! Walang kopya kopya dito sa subject na to.” seryoso kong sabi at tumayo ako para mangolekta ng papel sa mga nakatapos na.

Pero habang binibilang ko ang mga papel na hawak ko ay biglang may kumatok sa pinto.

“Excuse me, who is the President of this class?” boses ng lalaking nagtatanong.

“Me, why?” sagot ko, pinatong ko ang chalk box sa mga papel at nilingon ang lalaki, pero halos malaglag ang panga ko sa nakita ko,

Anong ginagawa ng lalaking ’yan dito!?

Pero akala ko ako lang ang nagulat, base sa pagkakakilala ko sa kanya, alam kong gulat din siya at nagtatanong…

“A-anong, p-paanong?” nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin na para bang kay laki laki ng kasalanan ko kung makatingin siya.

Pwes! Not me, he was!

Narinig ko ang tili ng mga kaklase kong babae na nakatingin dito sa lalaking kaharap ko ngayon.

“This room is ABM- Diamond, right?” tanong niya sa mga nagkukumpulang babae sa likod at kinikilig naman silang tumango.

Without hesitation, he entered in the room confidently and he sat at the back.

I sighed and sat in front of Jamila and Hyena.

“OMG, ang gwapo niya! Anong name bhe?” tanong agad ni Jamila, tapos na siya kaya nag e-fb na siya ngayon, mukhang mag i-stalk na naman.

“Parang Song Jung Ki ang pes bhe!” dagdag pa niya.

I rolled my eyes and I dialed ma’am Novelyn’s number.

“Hello anak?”

“Ma’am? About po sa transferee, totoo po bang sa ABM- Diamond siya ma’am?”

“Ah yes. Sinabi ko sa kanya na magpa assist muna sayo…. Ah yes? Coming… ah Eurich, ikaw na muna bahala jan anak, hintayin niyo ang next subject teacher niyo at may meeting pa kami.”

I combed my hair with my hand and frustatedly massaged my head!

Inayos ko na lang yung papel na kinocollect ko kanina at binilang iyon, pero nagtataka ako kung bakit wala yong papel ko!

Nag angat ako ng tingin sa upuan nila Paolo at Billy at nakita kong busy sila sa pag aanswer kaya agad akong lumapit dito, at bam!

Ang papel ko kinokopya nila! Walang pag aalangan ay pinag-untog ko ang kanilang ulo at kinuha ang papel ko.

“Array ko naman par!” reklamo ni Billy habang hinahaplos ang noo niya. “Ang lupet talaga!” pabulong niya.

“Eurich my friend.” nakasimagot na si Paolo at nagtatangkang kunin ang papel ko pero pinitik ko ang kamay niya “Damot!” bulong niya umalis na sa harapan ko.

Mabuti naman at nakapagpasa na sila bago mag time.

Pero 43 kaming lahat at kulang na naman ng isa?

“Tsk! Aquil, asan na naman ang papel mo?” I saw how sharply his eyes is and I can see how hard he’s gritting his teeth and to my surprise…

He is looking at the man at the back?

Tinignan ko ang lalaking iyon at nakita ko ang galit sa expression niya at sa kanyang kumukuyom na mga kamay!

“Hoy, Aquil! Yung papel mo!” naiinis kong sigaw pero mabilisan niya lang akong tinititigan at ibinalik ulit iyon sa likod! Pero bago pa ako makapagsalita ulit ay natabig na ako ni Aquil at derederetso niyang hinawakan sa kwelyo ang lalaking bagong dating. Pareho na silang nakatayo at kitang kita ang galit sa kanilang mga mata.

“Oh god!”

“Omg! What's happening?”

“Goodness! Magkakilala sila?”

“Woah, this is a live movie.” binatukan ko si Billy na namamangha sa panonood.

“Sesanghe! Billy, Jhake! Awatin niyo!” sigaw ko sa dalawang lalaking malapit sa kanila

“What do you think you're doing? Accusing me again?”

“Accused? Playing safe?” ngumisi si Aquil at mas hinigpitan ang hawak niya sa kwelyo ng kalaban niya. “There’s no other, it's just you and your family. You can't bring that life back! For goodness sake!" kung paanong umuusok ang tingin ni Aquil sa akin noon ay mas lalo nang nag aapoy sa ngayon. Galit na galit!

Napapikit ako sa topic nila dahil mukhang personal na bagay iyon.

And there is life included!

Napatingin ako sa mga kaklase kong parang hinihintay na magsuntukan ang dalawa, si Hyena at Jamila ay pareho kong nag aalala, si Paolo naman ay nag checheer pa! Pero nakita kong napangisi si Kryzza sa gilid.

Napapikit nalang ako dahil wala pa akong ginagawa bilang class president.

“Aquil! Tama na nga yan!”

“Tumigi ka nga! Naririndi ako sa boses mo!” sigaw niya pabalik sa akin kaya hindi ko napigilan ang mas pumagitna at initulak siya palayo.

“You know what? I've been controlling myself just not to punch you but if you do meddling with my business again? I won't hesitate punching your face!” galit na galit niyang sigaw sa akin pero bago pa siya makatalikod ay nasuntok na siya ni-- at oh? Agad na bumawi si Aquil, marami ang umawat kaya natigil din sila agad.

“Omgghed! What's happening in this classroom? Mr. Aquil ikaw na naman?!” galit na sigaw ng oral communication teacher namin.

“And whet? Yung bago niyo pang classmate ang napagtripan mo!” sigaw ni ma'am Rheina.

Nagsibalikan na ang mga kaklase ko sa upuan nila at nagready na sila para sa discussion.

“So ikaw pala yung nasa record list na hinihintay namin. Please come in front and introduce yourself.” sabi ni ma'am nang nakangiti sa bagong classmate.

Sesanghe talaga! Anong ginagawa niyan dito!

Napasabunot na lang ako sa aking buhok at unti unting inilulubog ang sarili sa aking upuan!

Omo, maldo andwae!

“I’m Park Jihu, from Chosan University of Korea.” aniya at umupo na agad.

Napapikit ako naiinis dahil nandito siya!

“Eurich Park, Jihu Park” parang nag iisip si Jamila at tumingin sa akin “Huh, magpinsan kayo?” malakas na tanong ni Jamila at nakatingin siya sa akin.

“Or magkapatid?”

“Oh I doubt na magkapatid sila, they're in the same year, e."

“Basta alam ko mag kamag anak sila…”

“Or, oh don't tell me… mag asawa kayo?”

Halos mabulunan ako sa panghuling tanong!

“Seriously? Grabeh kayong manghusga ah?” pagrereklamo ko. At agad akong napatingin kay Jihu na masama ang tingin sa akin.

“Eh ano? Magpinsan nga kayo?”

Kahit labag sa loob ay tumango nalang ako.

Pinsan?!

Sira ka Eurich!

Nan Micheo-sseo, paja?

Purple and Beige Gradient Cartoon Illustrative Romance Story Book Cover.pdf (1).png

Sort:  

Congratulations @joreneagustin! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)

You published more than 450 posts.
Your next target is to reach 500 posts.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Check out our last posts:

Our Hive Power Delegations to the January PUM Winners
Feedback from the February Hive Power Up Day
Hive Power Up Month Challenge - January 2025 Winners List

Thank you @hivebuzz

Stay motivated @joreneagustin! You're making excellent progress towards your target. Keep buzzing!

I will, thanks again @hivebuzz