Pinapalaya Na Kita

in Hive PH5 years ago (edited)

Hello po! @lodijames is back! Try lang po gumawa ng tula hehe :)!

PicsArt_05-31-03.10.12.jpg

"Pagmamahal na Mapanghinakit"

Binigay ko sayo lahat
Tapos ito ibabalik mo?
Binigay ko sayo lahat
Tapos sasaktan mo lang pala damdamin ko

Minahal kita ng sobra
Higit pa sa sarili ko
Minahal kita ng sobra
Handa kong talikuran mga kaibigan ko

Minahal kita ng sobra
Pero bakit ganto
Oo minahal kita ng sobra
Dito lang pala magtatapos toh

Ginawa ko na lahat
Pero pinili mo mangloko
Ginawa ko na lahat
Pero ako lagi mong ginagago

Pinapalaya na kita
Sana yung kulang ko makuha mo sa kanya
Pinapalaya na kita
Sana sa piling niya masaya ka na

Kung ito nakatakdang mangyari
Edi salamat sa iyo
May bago nanaman akong natutunan ngayon
Na hindi lahat ng mahal mo, nanjan palagi sa tabi mo

________________________________

@HivePH Poem Contest! Try lang po :)

received_897896520674235[1].gif

Sort:  

Haruy, ang sakit naman. Pero yun nga, kung ayaw mo, wag mo. Haha

Nice try, @lodijames. More poems to come.

Salamat po 😁

Mga ganitong tema talaga yung trip kong isulat dati e. Yung idadaan na lang sa tula ang pagmo-move on. Natatandaan ko tuloy ang kabataan ko. Hehehe.

Maraming salamat sa pagsali sa ating patimpalak at sa pagbahagi mo sa tulang ito.

Maayos ang pagkakatugma ng mga salita at maayos ang pagsubok na isulat ito sa anyong taludturan. Magbasa lang nang magbasa ng tula ng iba at matuto sa iba't ibang pamamaraan sa paggawa ng tula. Pasasaan pa't mas magiging magaling ka pa. 😊

Mahusay! Maraming salamat ulit, kabayan. Nawa'y marami pa akong mabasa na sulatin mula sa iyo at ipagpatuloy lamang ang paglahok sa mga patimpalak at aktibidad ng Hive PH. Hanggang sa muli! ❤

Maraming salamat po pati din po sa supporta. 😁

Walang anuman, @lodijames. Ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat. 😊

hahaha natatawa ako sa tula mo.. napakasakit ng magmahal tapos iiwan ka ano.. hehehe

Ganun po talaga 😅

Congratulations @lodijames! You have completed the following achievement on the Hive blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

You distributed more than 50 upvotes. Your next target is to reach 100 upvotes.

You can view your badges on your board And compare to others on the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @hivebuzz:

Introducing HiveBuzz Shop - Offer gifts with your favorite badges

Congratulations! You have been chosen to receive a 50HP delegation from @hiveph good for one month as part of our project of supporting new Hive PH members with low RC. Please go ahead and continue posting quality content and interacting with our fellow Filipino hivers.

If you haven't already, we are inviting you to subscribe to Hive PH. We encourage you to post through the community as well.

Chat and interact with our fellow Filipinos in our Hive PH discord channel .

Salamat po ng marami 😊