Ano nga ba ginawa ko Biyernes ng gabi?
Uhmm...ahh, the usual thing lang na kwentuhan after kumain nila lola. Then pinakain mga alaga ko siyempre. Hindi pwede na hindi sila kumain hihi. Pag mga lola kasi mahilig magkwento noong mga kapanahunan nila and naging habit na ni lola ko yun. So far isa sa mga tumatak na kwento niya is nung may nagpakita sa kaniya na babae then told her about a treasure somewhere else na malapit. Tapos ako naman tong ano, inaabangan yung babae na baka sakali ay maulit pang muli. Well sino ba tumatanggi sa grasya diba.
After ng kwentuhan lumabas kami nila lola para icheck kung may mga suso sa tanim namin. We always do that kasi natrauma na haha. Okay pa yung halaman sa gabi then nung umaga na kalahati nalang haha. Sa dinami dami ng damo eh mga halaman na gulay pa pinupuntirya haha. Diba healthy lifestyle sila. Hindi pa namumunga ng gulay kinakain na nila yung magulang na gulay haha.
That's all and I thank you po.