Based on my own experience... Oo na tinamaan ako sa tanong na 'to!
May pagka-bias opinion ko kasi nakakarelate ako. For me ang true love ay hindi hinahanap, o hinahabol. Kusa itong dumadating pero minsan pag matagal ng wala kailangan mo ng humingi, kaya tama din si @michik0o0 na pinagdarasal, pinagpapanata ang tamang tao na para satin.
To cut my story short, yes I've met my husband through Facebook way back in 2014, I know hindi dating app ang Facebook that time, pero parang ganon na din yon noon. Alam yan ng mga millennials na tito/tita niyo. I can proudly say that we're in our 10 years relationship now, going strong at di ko pinagsisihan na sinagot ko yung chat niya sakin noon.
I don't encourage others to do the same, kasi depende pa din sa taong makilala mo. Pag sa online mo unang nakausap ang isang tao. Hindi talaga natin agad masasabi kung anong klase bang tao yung kausap mo. Mataas ang risk na baka ibang tao siya sa personal. Ang ginawa ko lang noon ay nagbackground check sa FB niya, tamang i-stalk sa profile. Saka humingi ako ng sign non kay God, alam ko ang ayaw at gusto ko sa isang tao kaya nafeel ko din kung legit ba ito or scam? HAHAHA!
Ganon lang wag puro puso, gamitin din ang utak at talento sa pag-istalk/pagkilatis bago mo siya i-meet. I'm on the lowest part of my life when I met him. Kaya siguro siya binigay noong time na yun. Sobrang grateful ako sa Facebook, kasi hindi rin naman ako sociable in person, maliit circle ko para makakilala ng new faces. Maybe, yung Facebook talaga instrument noon ni God to send this guy na mag 11 years ko ng minamahal. It's kinda the same story sa kaniya, kasi home buddy siya as in trabaho-bahay lang. Siguro wala siya ma-meet sa work, wala siyang type kaya nong nakita niya profile picture ko. Sige add naman agad si koya niyo... At ang ganda ko naman din kasi!
So... For me, yes! Possible ma-meet mo yung true love mo sa dating apps/apps/social media.
Lovelots,
Pat
Wow! I'm super happy for your relationship. Stay strong and I pray for both of you!!