BAHAY KUBO

in Hive PH5 years ago

Limang taon na ang nakalipas simula nang nagkahiwa-hiwalay ang magka-kaibigan.
Pagkatapos ng high school, nagpasya si Mark na magpa-iwan sa kanilang lugar. Wala siyang pangtustos sa kolehiyo at ayaw niyang iwanan ang kanyang ina matanda na. Hindi na siya nagbalak magpatuloy sa pag-aral, kahit noong high school pa lamang sila ay sabay sabay silang nangangarap para sa kinabukasan.

image.png

pixabay

"Gusto kong maging guro!", sambit ni Teresa.
"Pangrap kong makapagptayo ng napaka-gandang bahay para sa aking pamilya; magiging inhinyero ako!", positibong sinabi ni Iza.
"Ako ay magiging isang pulis! Ipagtatanggol ko ang mga naaapi!", pahayag ni Mark at sabay sabay silang nagtawanan.
"Bakit pulis ang gusto mo, Mark? Delikado 'yun ha!", nag-aalalang tanong ni Teresa.
"Oo nga! Iba nalang.", sambit ng dalawang kaibigan.
"Ano ba naman kayo, 'wag kayo mag-alala! 'Di ba't alam nyo namang matapang ako at malakas ako?", ngisi ni Mark habang pinapakita ang kaniyang mga bato-batong braso.
"Mabilis din akong tumakbo! Tingnan n'yo.", tumakbo si Mark at bigla s'yang nadapa at napa-gulong sa damuhan.
Nagulat at natahimik ang lahat sa pag-aalala sa kaibigan.

"Waaaahhh. Okey lang ako.", ang sigaw ni Mark.
At sabay saby na naman silang nagtawanan. Sabay sa pagtawa ay umihip ang hangin, nagka-tinginan ang isa't isa at humiga sa damuhan.
"Sana palagi tayong ganito... palaging masaya.", malungkot na sabi ni Mark.
Napangiti ang tatlo sa sinabi ni Mark.
"Oo nga.", ani nila.

image.png

pixabay

Pero ang mga pangyayaring iyon ay parti nalang ng masasaya nilang alaala. Hindi na maibabalik pero ramdam pa din ang sarap ng mga ganoong sandali. Katulad nalang ni Mark, iyon nalang ang kaniyang pinaghuhugotan ng saya habang nagta-trabaho sa bukid. Malungkot man ang buhay nya doon ngunit napupunan din iyon sa tuwing pumupunta siya sa lugar na dati nilang tamabyan.
"Oh, saan ka na naman pupunta?", pasita na tanong ng ina ni Mark.
"Pupunta lang po ako sa bahay kubo namin nina Aron, Teresa at Iza. Mayroon po kami kasunduan na magkikita kami doon after pagkalipas ng 5 taon.", mabait na sagot ni Mark sa ina.
"Sige, anak. Mag-ingat ka.", malumanay na sagot ng nanghihinang ina.
Walang eksaktong araw o petsa ang kasunduan ng magka-kaibigan. Kaya nalang itong si Mark ay araw araw pumupunta sa dating tagpuan, doon sa bahay kubo kung saan palagi silang naglalaro at sabay sabay na nangarap.
Sabik na naglalakad si Mark patungo sa bahay kubo. Binaybay niya ang daan habang nakangiti. Bagamat kalahati ng buwan na ng Mayo at wala pa din siyang nasisilayan, positibo siya na baka sa ngayon ay makakarating na talaga sila. Alam niyang hindi siya bibiguin ng mga kaibigan at darating din sila ano mang oras.
Habang papalit sa puwesto, sumagi sa kaniyang isipin kung paano nabuo ang bahay kubo...

image.png

unsplash

"Uy, kailangan natin ng sisilungan para pag naglaro tayo ay hindi tayo mabasa ng ulan.", suhestiyon ni Teresa.
"Oo nga, at pagkatpos pwede rin tayo magdala ng pagkain at mag piknik na din sa bukid.", sabik na sinabi ni Iza.
"Magandang ideya nga yan! Ano, Mark, bukas agad ay maghanap tayo ng maliliit na kahoy? Hindi naman kailangan maganda. Sng importante may masilungan lang tayo.", paliwanag ni Aron.
Ngumiti na para bang namangha si Mark sa naisip ng mga kaibigan.
"O sige, bukas na bukas din uumpisan natin ang pagawa.", tugon ni Mark.
Kinabukasan ay inumpisahan na nilang gumawa ng bahay kubo. Hindi man madali sa umpisa ay ayos lang dahil masaya naman sila sa pag gawa nito. Walang batid na saya ang dulot ng mga sandaling iyon.
Nangingiti si Mark habang naiisip nya ang mga nangyaring iyon. Ngunit napalitan ang saya ng lungkot nang abot tanaw na niya ang bahay kubo. Nalungkot siya dahil wala na naman ang mga kaibigan niya. Pumasok siya dito at nilinisan ang nasa loob. Pagkatapos niyang linisan ito, lumabas sya at umupo sa may upuan. Malayo ang tanaw...
"Kumusta na kaya sila? Sana'y ayos lang sila." tanong ni Mark sa sarili niya kasunod nang pagbuntong hininga. At di naglaon ay biglang nalang tumulo ang kanyang mga luha.
"Miss ko na talaga sila.", at hindi na niya napigilan ang sarili sa paghagulgol sa iyak.

image.png

pixabay

Mabigat ang kalooban niya at anay ang pag buntong hininga habang naglalakad pauwi. Nang nakauwi siya sa bahay nila bakas sa kanyang mukhang ang lungkot. Napansin ito ng kaniyang ina na may bakas din ng awa sa anak.
"Patawad, anak, kung hindi sana dahil sa akin masaya ang buhay mo at sana ay nakapag aral ka.", malungkot na salita ng ina.
"Mahal kita kaya kailangan alagaan kita. Huwag ka mag-alala! Walang lungkot lungkot. Tingnan mo naman ang mga ngiting ko. Akala mo ang tamis tamis eh dahil nilalanggam na ako minsan.", pabirong sagot ni Mark sa ina.
"Ito talagang anak ko, oo, nakuha pang magbiro. Halika nga at gustong kang yakapin ng nanay." pangiting sinabi ng ina habang nakayap sa kaniya.

image.png

unsplash

Dalawang taon ang nakalipas mula sa kasunduan nilang pagkikita sa bahay kubo. Unang dumating si Teresa, dahil libre siya at walang klase ang mga paaralan. Sumunod si Aron, dala ang magara niyang kotse bilang doktor.
Nahuli naman si Iza dahil may tinapos pang proyekto.
Nakamit nilang tatlo ang inaasam nilang pangarap sa buhay.
Pumunta si Aron sa harap ng bahay kubo at dumipa, sabay sabi. "Hmmm... ang sarap ng sariwang hangin!"
"Oo nga e! Parang gusto kong gumulong-gulong sa damuhan.", tukso ni Teresa.
Nagtatawanan silang tatlo sa sinabi ni Teresa.
Biglang natahimik si Iza at pinagmasdan nang maayos ang bahay kubo. Mabuisi nitong sinuri ang kubo.
"Tingnan ninyo. Parang hindi na ito ang ginawa natin dati.", sabi ni Iza habang pinagmamasdang paikot ang bahay kubo.
Sumabay si Teresa at Aron sa pagmamasid sa bahay kubo. Pinasok nila ito sa loob at sumangyon sa napuna ni Iza.
"Baka inayos ito ni Mark dahil lumalambot na ang mga kahoy.", sabi ni Aron at "Oo nga, para siguro ay maayos ito sa ating pagpunta.", sabat ni Teresa.
"Pero parang sariwa pa ang gawa.", pagtatakang sabi ni Iza.
"E teka. Nasaan na nga kasi si Mark? Bakit wala pa sya?", ani ni Aron.
"Baka nagtampo na iyon dahil dalawang taon na ang lumipas bago tayo nakapunta dito.", malungkot na sagot ni Teresa.
"Hindi kasi ako makapunta dahil agad akong kinuha para mag trabaho. Hindi ako makatanggi dahil sa takot na baka mahirapan na ako maghanap ng trabaho at kailangan ko pamagpasikat.", paliwanag ni Iza
"Ako nga rin eh!", sabay na sumagot ang dalawa.

image.png

unsplash

Naghintay ang tatlo sa may bahay kubo na dumating si Mark. Habang naghihintay may matandang biglang nagpahinga sa bahay kubo.
"Magandang umaga ho, Tatang.", magalang na pagbati ng tatlo sa matanda.
"Magandang umaga din sa inyo, mga anak.", masayang bati ng matanda.
"Palagi ho ba kayong napapa-daan dito?", tanong ni Teresa.
"Ah, oo nagpapahinga ako dito bago makarating sa bukid na pinagtatrabahuan ko.", sagot ng matanda.
"Ah, ganon ho ba. O mag-ingat ho kayo palagi.", kalmadong sagot ni Aron.
Tahimik lang na nagpapahinga ang matanda nang biglang naisip ni Aron magtanong pang muli.
"Saglit, paano ho ninyo nalaman ang lugar na to? Bihira lang ang nakakaalam nito dahil ito'y liblib."
Kuwento ng matanda, "Mayroong isang binata na palaging nakatambay dito.
Inaya niya ako minsan magpahinga muna habang binabaybay ang daan papunta sa bukid. Simula noon ay araw araw na ko dumadaan dito at araw araw ko rin siya naabutan dito. Pero nitong mga nakaraang araw, ay hindi ko na siya nakikita.", paliwanag ng matanda.
"Ah. Baka ho si Mark ang tinutukoy ninyo?", sagot ni Iza.
"Kaming apat ho ang gumawa nitong bahay kubo para maging tambayan namin.", sabat ni Teresa.
Bakas sa mukha ng matanda ang pagtataka nang bigla niyang sinabi, "Ah, naalala ko na!"
"Isang taon na ang nakalipas ng gumawa ulit sa Mark ng bahay kubo. Pansin ninyo ba na ang kinaroroonan nito ay hindi na tulad ng dati? Dati sy malapit ito sa tuktok ng bundok. Ngunit ito ay nagiba nang dahil sa bagyo. Kaya inurong niya nag kaunti para iwasan ang malakas na hangin. Pagkatapos niya ito mabuo ay hindi ko na siya nakita pang muli."
Nag-alala ang tatlo sa salaysay ng matanda at biglang nagpaalam upang hanapin si Mark.

image.png

unsplash

Nang dumating sila sa bahay nila Mark hindi nila lubos akalain ang nakita.
Gayon nalang ang pag-aalala nila nang masilayan nilang giba-giba ang dating tahanan nila Mara na para bang walang nang nakatira.
"Magandang tanghali ho. Pwede ho bang magtanong?", katok ni Teresa sa kapitbahay nila Mark.
"Sige, iha, basta't kaya kong sagutin.", pabirong sagot ng ale.
"Ano hong nangyari sa bahay nila Mark? Wala na ho bang nakatira diyan?"
"Ah, yong mag ina ba dyan?"
"Oho.", madaling sagot ni Iza.
"Matagal ng walang tao dyan, mag iisang taon na yata simula ng mamatay ang dalawa.", dahan dahang sagot ng ale.
"HA?!!", gulat na sagot ng tatlo dahil sa hindi makapaniwala. Napaluha nalang tatlo sa nalaman habang nagpatuloy sa pag kwento ang matandang babae.
"Unangnamatay ang ina ni Mark dahil sa katandaan at mahina na talaga. Hindi na nakayanan ng bata ang lungkot at palagi nalang itong nag-iinom. Lagi niyang sinasabi noon na tuwing nalalasing siya ay walang kwenta ang buhay niya.
Isang gabi, lasing na lasing na umuwi si Mark. Mabait na bata 'yan kaya nag-aalala kami kapag umaalis iyon. Noong tinanong namin siya kung saan siya pupunta, ang sagot lang sa amin ay pupunta siya sa mga kaibigan nya. Nagtataka kami dahil wala naman gaanong kaibigan 'yan na sinasadyang pinupuntahan. Bahay at trabaho lang naman ang gawi niya noon.
Kinabukasan, noong binisita namin bahay niya dahil tanghali na't hindi pa namin siya nakikitang lumabas. Sa aming pag-aalala, nilibot namin ang baryo para hanapin siya.
Buti nalang at may nakapagsabi na nakita siya ng gabing iyon na papunta doon sa tuktok. Anong hulat nalang namin nang maabutan namin siyang walang buhay sa labas ng bahay kubo...
Matigas na ang bangkay nang makita namin siya. Nakaupo at nakangit na tila payapa sa kanyang pagkakahimbing.
Ay, sino ba kayo sakanya?"
"Mga kaibigan po kami ni Mark.", sabay-sabay na sagot ng tatlo.
"Ah, hindi ba kayo ang tinutukoy niyang mga kaibigan? Sya nga pala, nilibing namin sya doon sa ilalim ng bahay kubo dahil sa twing nalalasing siya ay lagi niyang sinasabi na sa bahay kubo lang siya nagiging maligaya dahil punong puno ng alaala doon.", dagdag na paliwanag ng ale.
Hindi napigilang ang pag agos ng luha ng tatlo habang naglalakad pabalik sa bahay kubo. Naglalakad habang inalala ang mga matamis na ngiti ni Mark at mga pabiro nyang kilos. Wala na silang magagawa sa ngayon dahil ang kaibigan nila ay pumanaw na pala. Puno nang pagsisisi dahil wala sila doon ng malungkot ang buhay ni Mark at hindi sila sumipot sa panahon ng kasunduan nila na magkita.
Pagdating nila sa bahay kubo, bigla silang napaluhod at bumaha ang mga luha. "Patawad Mark, patawad..."
Wala silang ibang masabi kundi ang mga salitang iyon habang nasa puso ang pagsisi dahil hindi na nila muling makikita si Mark. Patuloy ang pagluha at pinangako na bibisitahin nila ang buhay kubo paminsan minsan.

WAKAS...

Salamat sa pagbasa,

d' dreamboy,
@mrnightmare89

Sort:  

Nice story

bro @gohenry, dia ra.hahaha

Ang ganda ng story Bro. Nindot jud kaayo..

daghang salamat bro..

Nakakalungkot basahin.

hehehe para drama naman po tayo nay..

Galing!

salamat po at nagandahan kayo..

Ayos to 👍😄

hahaha parang hindi pa nakabasa ah, sssshhhhh

pero paano naging maayos to?haha

Maganda flow and hindi complicated!
Sosyal ni tatang ha, may tablet sa bukid 🤣

hahahahaha hinanapan pa.hahaha

Mga pangarap at ala-ala nung tayo ay mga bata. Masarap balikan. Masakit iwan.

Loading...