Pinilit kung gumising kahit hindi ko nais matanaw ang katotohan. Pinilit kung bumangon kahit masalimo-ot ang kahapon. Pinilit kung itayo ang dalawa kong paa kahit mga luha'y walang tigil sa pagpatak sa lupa. Hindi man ako makapaniwala, sadyang ito ang ngayon at kahit isang misteryo ang hinaharap. Pinili kong lumaban dahil ginusto kong mabuhay sa mundong ibabaw. Hindi ko man alam kung anong naghihintay dahil sa kasalukoyan puro tanong ang nasa aking isipan.
Minsan malupit talaga ang buhay dito sa mundo. Akala mo, masasaya lang ang iyong mararanasan at ang lungkot baka pwede ng kalimutan. Ngunit hindi ganyan, ayaw mo man, wala kang magagawa sapagkat ito ay kasama na sa paglilok ng tadhana. Umiyak, tumawa, umiyak, tumawa at kahit paulit-ulit man ganyan nagiging maganda ang buhay. Katulad ng bagyong humagupit sa rehiyon ng aming probinsya. Magpapasko pa naman, akala ko'y puro ngiti lang ang aking matatanaw. Ngunit ito'y kabaliktaran, dinaig pa ang patak ng ulan sa patak ng luha ng mga taong nawalan ng tahanan. Dinaig pa ang ungol ng asong nakatingala sa buwan sa mgs taong umiiyak kung paano harapin ang panibagong buhay na mag-uumpisa sa wala.
Isa ako sa mga taong yun, hindi ko man namalayan ako'y nakapagsulat na nagmamakaawa para matulongan ang aking kalagayan. Nagawa ko kahit kinain ko ang pagkatao sa hiya dahil hindi ko alam ang gagawin pagkatapos masulyapan ang aming munting tahan na ngayon ay isang matamis na lang na ala-ala. Oo, masira man, liparin man o wala man akong makikitang tahanan, hindi tatangayin ng hangin ang mga kahapong binuo kasama ng mga pamilya. Kaso nga lang, ang hirap tirahan kung walang tigil ang pagpatak na malakas na ulan. Kaya, desperado kong nasulat na humingi ng tulong at baka naman maibsan kahit kunti ang aking kalungkotan habang tanaw ang hindi ko matanaw na aming tahanan.
Hindi ko mapigilang magluksa, magmakaawa at hindi makapaniwala. Napakalupit naman kasi, magpapasko na tapos ito ang matatanggap kong regalo. Siguro yong iba akala nilang isang drama lang isang novela. Isang pamamaraan ng isang kawatan pero pinili kong isarado ang mata at takpan ang mga taenga sa pwedeng esagot nila. Pinili kong hindi pakinggan dahil ang importante ako ay matulongan sa kasalukoyang kahirapan.
Nagdaan ang mga araw na iniinda ang pait at lungkot ng katotohan. Kasabay sa pagtayo ko tinayo ang mga bakal at kahoy na minsan ng tinumba ng bagyo. Pinulot ko ang pirapiraso kong puso sa pagpulot ng mga importanteng bagay na iniwan ng bagyo. Hindi ko man alam pano mag-umpisa, alam kong ang buhay ay kailangan magpatuloy pa. Nakalimutan ko man kong paano magpasalamat, naalala ko na dapat matuwa nalang dahil walang buhay ang nawala.
Alam kong medyo huli na pero nais ko pa ring magpasalamat. Sa @hiveph community or mismong mga Pilipino at sa personal na bulsa ni @romeskie at sa mga taong andyan na hindi ko masabi lahat. Kahit papano'y nakapag-abot ako ng tulong para makabili ng materyales sa pagbuo muli ng bahay naming giniba ng bagyo. Alam kong hindi sapat ang pasasalamat sa mga taong nagbibigay pag-asa at pagparamdam na andyan sila sa oras ng kalungkotan. Ako'y taos pusong nagpapasalamat sa inyo kahit alam kong ako'y isang stranghero.
Panibagong taon ito at kaya uumpisahan ko ang taong ito ng PASASALAMAT. Hindi man madaling limutin ang nangyari na pwede naman itong tabonan ng panibagong pag-asa. Kasabay nito ang paghahangad na sana'y maging mabuti na, hindi lang sa amin at sa lahat ng taong nasalanta ng bagyo.
Salamat sa pagbasa
All content is my own unless otherwise noted
If images are being recycled, I just found it fit in my article.
ABOUT ME
Paul is the name but prefers to be called mrnightmare that feels like living in the dream. A country boy and a dreamboy (dreamer) who likes to stay in a small village even though it means abandoning the future to become a seaman. The passion is writing but not sailing in the vast ocean. Don't wonder if the face will not be shown, this is better where the words can flow smoothly. Come, you can tell me your stories and I'll tell you mine. Together, let's explore the world by broadening our thoughts. If you need a shoulder I can lean you mine and I hope I can lean yours. The world is fun when living is not being alone but with someone.
Ay iba! Yan ang simula sa pagbangon. Pasasalamat. Tama lang ang ginawa mo, walang mali ang manghinginng tulong tulad ng panahon na gaya nito kalamidad. Ako man din ay natulungan din ng @hiveph. Isipin mo,ka sa dami dami ng binagyo, sino-sino ba ang andito sa hive,kung titingan ka dyan sa paligid mo. Masasabing mo siguro ikaw o isa sa kaibigan mo. Ibig sabihin lang nito, andito tayo dahil may rason. Ito ay upang tayo ay marinig hindi lamang sa magagandang bagay o buhay kundi pati narin sa ganitong sitwasyon na higit na kailangan. Kung hindi tayo magsusulat para sa pamilya and mga mahal natin, ano pa ang iba nating gawin. Andito na tayo wala pa ang bagyo kaya ako man ay sisimulan dinang taan ng Pasasalamat, una kay Jesus na palaginy andyan at kahit kailan hindi tayo iiwan. Pasasalamat sa mga taong nakinig ang mga sulat na ating pinaparating. Ika nga nila, pagdi ka lalabas paano ka mapapansin.
Pasensya na napahaba ang mga linyahan. Patuloy lang tayo kaibigan.
Lagi lang nagmamasid ang mga tao po sa Hiveph, ang mga admins ay laging nag-iisip kung paano kami makakatulong sa aming munting paraan para masuportahan ang kapwa Pilipino. Isa din sa naging "factor" ay ang inyong kontribusyon sa ating komunidad mas kilala ka po ng ibat-ibang tao mas mainam. Kaya importante ang pakikisalamuha sa kapwa Hivers dito, maliit man ang boto pag pinagsama sama magiging malaki din.
Salamat po sa inyong suporta sa aming mga proyekto at adhikain.
Bangon lang kabayan. Malalampasan mo din lahat yan at sa lahat ng apektado ng kalamidad. May God bless you always! <3
Mabigat at mahirap man ang ating pinagdadaanan ay palaging naandiyan ang ating pamilya at pamayanan. Ang mga kaibigan rin natin sa @hiveph at kabuoan ng HIVE ay handang tumulong, gaano man kaliit, para maiangat ang ating kalagayan at kalooban.
!PIZZA para sa iyo, @mrnightmare89.
PIZZA Holders sent $PIZZA tips in this post's comments:
(4/5) @juanvegetarian tipped @mrnightmare89 (x1)
Join us in Discord!
Salamat sa iyong piyesa ginoong @mrnightmare89 paumanhin narin at sobrang tagal bago ako nakapag komento dahil sa nagkasakit kami at hinintay ko pa na kami ay maayos na ang lagay.
Ang buong komunidad ng Hiveph ay binibigyan ka ng halaga sa iyong mga kontribusyon. Hindi man natin ginusto o gusto ang pangyayari naging paraan naman ito upang kami ay makapag padala ng maliit na tulong sa inyo. Minsan iniisip nila ate Rome kung paano pa masuportahan ang ating kapwa dito sa Hive.
Bangon lang po tayo! Mag-umpisa muli at lumaban. Kami ay nasa likod nyo po lamang!
!LUV
@toto-ph, sorry! You need more $LUV to use this command.
The minimum requirement is 10.0 LUV LUV in your liquid wallet.
More LUV is available from Hive-Engine or Tribaldex