Oh Snap Contest: Father's Day Celebration

in Hive PH5 months ago

Screenshot_2024-06-18-20-20-10-615-edit_com.google.android.apps.photos.jpg

Ito naman ang aking ama na sa buong buhay ko ay una pa lang namin magkita sa edad nyang otsenta anyos! Masakit mang Sabihin pero tutuo yan mga Kapatid! Para bagang pang MKK Ang dating:) Huli man, pero nagpapasalamat pa rin ako na makita ko ang aking biological father. May paraan talaga ang Diyos na kami ay pagtagpuin. Ako ay humayo sa lugar na Kay tagal ko nang inasam-asam na mapuntahan para malaman ang mga kasagutan ng aking mga tanong na kay tagal ko itinago sa aking dibdib.

Ang masaklap pa ay umuwi ako sa aking tunay na ina sa araw pa mandin ng kanyang libing! Bagama't kami naman ay nakapag-usap pa bago sya binawian ng buhay dahil sa sakit na diabetes. Malala na ito at kailangang putulin ang kanyang isang hita nguni't nagkaron pa rin sya ng seizure pagkatapos maoperahan

Ganunpaman, umabot na ito sa kanyang utak. Pagkatapos ng libing ay nag-usap kami ng masinsinan ng aking tiyahin at doon nya isinawalat ang isang sekreto na matagal na nilang ipinagkait sa akin. Sinabi ko sa kanya na matagal ko nang alam ang pangalan ng aking ama nong ako ay dalaga pa ngunit hindi na ako interesado dahil malaki na ako at bawa't isa sa mga magulang ko ay may kani-kanyang mga pamilya na.

Sa madaling salita, sinamahan nya ako sa kanilang bahay. Wala na rin Ang asawa nya ok lang. Hmp! Yayamanin nga ang tatay ko ah! Pagkatok namin, ang kanyang panganay na anak na babae ang nagbukas ng pintuan. Magkakilala sila ng tiyahin ko dahil dati silang magkapitbahay.Ipinakilala nya ako bilang panganay na kapatid nila at bigla nya akong niyakap at sabay sambit sa kanyang papa na may naghahanap sa kanya. Sya ay may sakit dahil na rin siguro sa edad nya. Lumabas sya sa kwarto at hinarap Ako, ang unang nasambit nya ay "ikaw ba ang anak ko? Marahan akong itinulak ng tiyahin ko, magmamano sana ako ngunit bigla nya akong niyakap sabay hagulhul. Humingi sya ng tawad. Sabi nya, matagal nya akong hinanap nguni't inilayo nila ako at itinago sa malayong lugar. Para akong binuhusan ng malamig na yelo. Nawala lahat ang galit ko at awa na lamang ang naging kapalit nito. Sabi nya, buti at nagmana ako sa kanya. Lol! Mayabang din pero tutuo dahil ang liit ng nanay ko kaya. Ang tagal naming nag-usap sa loob ng kanyang music room. Musikiro ang tatay kong 6 footer at naging manager sa Tawag ng Tanghalan sa Radio Station ng Davao noong araw ng kanyang kabataan. Iyon ang simula ng aming pag-uusap sa telepono sa loob ng tatlong taon bago sya binawian mg buhay.

Maraming salamat sa pagbasa ng aking kwento. Humaba ang kwento ko at ang hirap putulin. Sana maintindihan nyo.

Lubos na nagpapasalamat,

@sarimanok

Sort:  
 5 months ago  

Parang naiiyak ako sa kwento mo po. Ang daming taon na lumipas bago mo po nayakap ang iyong ama. At Yung time na ginugol mo sa Ina mo, eh sobrang ikli rin. Pero ganun paman, alam kong mas nakakabuti nga siguro na ganun ang mangyari. I mean lahat nmn ng pangyayari sa buhay natin ay may dahilan. At masaya ako na mas nanaig yung pagmamahal kesa sa isumbat yung mga hinanakit mo sa lumipas na panahon. Big hug.🫂