You are viewing a single comment's thread from:

RE: Question Of The Weekend: Anong edad ang masasabi mong "matanda na"? | QOTW Last Week's Winner Announcement

in Hive PH3 months ago

Siguro kapag nilista kana bilang isang Senior Citizen. Charought!

Nasa pag-aalaga din talaga sa sarili yan may mga 30s-50s years old na mukhang bata padin dahil inaalagaan nila ang sarili nila. May mga nasa 30s na nakakaexperience ng pananakit ng katawan sa ganito at ganyan dahil din hardworking silang tao—o dala na din ng kahirapan at hindi mo naman masasabi na matanda na sila. Hindi nakakapag ayos ng sarili nila o hindi sila marunong mag ayos sa sarili nila kaya napaghahalataan na may edad na.

Pag may pera ka talaga di ka magmumukhang matanda 🤣 kasi naaalagaan mo ang sarili mo, yung kutis mo, yung kurba ng katawan mo. Eme eme. Jusko yung mga artista nakakagulat yung edad na kahit may mga binata na silang mga anak at apo, ang sesexy at gaganda. 😆

Kaya masasabi ko lang na matanda na ang isang tao, kapag wala na silang ngipin, kulubot na ang mga balat, payat at parang halata na ung skull sa eyebags. Naka diaper at hindi na sila nakakatayo. Kaya nasa 70-100 years old talaga ang edad na matanda na.

Salamat sa pag mention ate @ruffatotmeee ikaw , @bunchful ano sa tingin mo?