Sawi

Maraming uri ang pagiging sawi. Sawi sa pag ibig, umaasa na magiging sila hanggang sa hahantong sa kasalan. Pero na udlot dahil sa di inaasahang mga pangyayari, umasa at iniwan. Pero mas masakit ang umasa sa parang meron pero wala naman talaga.

IMG_20210915_084108.jpg

Pagkatanggal sa trabaho, minsan masakit din ang matanggal sa trabaho lalo na kung minahal mo na din ito at Ito na lang halos ang bumubuhay sa material na pangangailangan.

IMG_20210915_084038.jpg

Sa lahat Ng pagkasawi ISA Lang ang pinaka masakit dahil noon pa naman Ito na ang pinaka matinding kalaban ng tao - ang kamatayan o "death". Hindi ito maikakaila sa kasaysayan Ng tao maraming taon na ang nakararaan. Anong sakit kapag ito ay mangyari sa mga malalapit na mga kaibigan, kamag anak at Mahal sa buhay. Masakit at mahirap ito na tanggapin ibang kirot at maari itong mauwi sa depression.

Kung kaya may mga tanong ang marami. Hanggang kailan ito matatapos? Bakit hindi ba nakikita ng Diyos ang paghihirap ng tao? Bakit sa mga taong mapagmalasakit pa nangyari ang mga ganitong pangyayari?
Maraming "bakit" sa buhay ng tao, at sa bawat "bakit" tiyak na may mga sagot.