A Survey of Three Articles About the Socio-Economic Impact of Cryptocurrencies in Developing Countries

in Tagalog Trail6 months ago (edited)

Habang ako ay nag-iisip ng paksang pwedeng maisulat dito sa Tagalog Trail community, naisip ko na konsultahin si chatgpt at itanong kung anu-ano ang mga paksa na magandang isulat na may kinalaman sa cryptocurrency. Of course, maraming binigay na suggestions ang AI. Subalit sa dinami-dami ng mga paksang ito, ilan sa mga ito ay tumawag ng pansin sa akin. Ito yong mga paksa na sa tingin ko ay very interesting:

  • Ang Epekto ng Cryptocurrencies sa Socio-Economic ng mga Developing Countries Tulad ng Pilipinas

  • Ang Gampanin ng Mga Cryptocurrencies Para sa Katuparan ng Financial Inclusion

  • Ang Kinabukasan ng Decentralized Finance

  • Mga Prediksyon para sa Susunod na Dekada ng Blockchain Technology,

at ang kahuli-hulihan ay

  • Ang Papel ng Cryptocurrencies sa Pagsusulong ng Kalayaan sa Ekonomiya

Ang una kong niresearch sa google ay Ang Epekto ng Cryptocurrencies sa Socio-Economic ng mga Developing Countries. Source

Interesado ako dito sa dahilang gusto kong malaman kung ano ang kayang gawin ng isang crypto project upang mabago ang kalagayan sa lipunan at sa ekonomiya ng mga kapus-palad na mga Filipino.

Tatlong artikulo ang tumawag sa akin ng pansin sa aking Google search. Ang una ay ang sinulat ni Philipp Sandner noong January 2020. Ito ay may 22 pahina at ito ay inilimbag sa kilalang paaralan sa Germany, ang Frankfurt School. Na-intimidate ako ng tingnan ko kung gaano kasopistikado ang artikulong ito. Bukod pa rito, medyo cautious ako sa dahilan na sa abot ng aking kaalaman ang paaralang ito ay kilala sa pagiging Marxista sa ideyolohiya.

Sa kabila ng makakaliwang ideyolohiya, commendable para sa akin na ang paaralang ito ay nagbuhos ng panahon upang sumulat ng artikulo ukol sa epekto ng cryptocurrency sa mga developing countries. Yan ay kahanga-hanga para sa akin.

Sa ngayon, yan lang muna ang masasabi ko tungkol sa artikulong ito. Kailangan kong laanan ng oras ang pagbabasa at maunawaan kung ano ang punto ng manunulat bago ko ito ay maibahagi dito sa Tagalog Trail community.

Ang ikalawang artikulong tumawag sa akin ng pansin ay ang sinulat ni Stefan Calimanu na The Rising Popularity of Cryptocurrencies in Developing Countries. Ito ay sinulat niya dalawang taon na ang nakalipas, noong 12 Hulyo 2022.

Ayon sa may-akda, sa mga developing countries daw matatagpuan ang pinakamalaking bilang ng mga users ng cryptocurrencies dahilan sa popularidad ng remittance market. Kung totoo ito, iniisip ko, paano kaya ang situwasyon sa Pilipinas na isa sa pinakamalaking nagpapasok ng kapital sa bansa ay galing sa mga OFWs. Gaano kaya karaming mga OFWs ang gumagamit ng cryptocurrencies sa tuwing sila'y nagpapadala ng pera sa kanilang mga pamilya?

Ito lang po ang mga katanungan na gumugulo sa aking isipan. Ewan ko kung may available na data upang magsilbing basihan ng eksaktong bilang ng mga Filipino sa ibang bansa na gumagamit sa kasalukuyan ng cryptocurrencies.

Interesting na binanggit ni Calimanu na ang mga dahilan kung bakit popular ang cryptocurrencies sa mga developing countries. Ilan dito ay tulad ng accessibility, mabilis na transaction at mababang transaction fee, at ikatlo ay ang kakayanan nito na kontrahin ang mahinang pambansang pera at katiwalian.

Sa Pilipinas, ang usapin ng katiwalian ay talamak. Nakakutuwang isipin na ang pagpasok pala sa cryptocurrency ay isa ng paraan ng paglaban sa corruption. Mas mainam ang ganitong paraan at wala kang napeperhuwisyo, hindi katulad ng mga nagrarally sa kalsada laban sa katiwalian na nakakasagabal naman sa trabaho ng iba. At hindi pa nga natin tiyak kung mabisa ba talaga ang ganiyang kaparaanan at may pinupuntahan ang mga pag-iingay sa kalsada kaysa sa tahimik na pag-aasikaso ng buhay mo sa pamamagitan ng aktibong pakikibahagi sa mga komyunidad na kabilang sa iba't-ibang crypto projects.

Hindi ko na babanggitin ang detalye ng ikatlong link na aking nakita. Ito ay sa dahilan na medyo negatibo ang artikulong ito sa epekto ng cryptocurrency sa mga developing countries. Sa abstract pa lang ay napansin ko na ang binigyang diin lamang ay ang mga panganib na dulot ng cryptocurrency sa panananalapi at sa ekonomiya. Nananawagan ang mga sumulat na sina Henri Kouam at Kelly Mua Kingsley na dapat paigtingin ng mga gobyerno ang kanilang mga batas at regulasyon kaugnay sa cryptocurrencies. Hindi kataka-taka na maging ganito ang pananaw ng mga sumulat sapagkat si Kouam ay Economic Consultant sa NATO at si Kingsley naman ay Director of Operations sa State of Cameroon.

Hanggang dito na lamang ang artikulong ito. Kung loloobin ng Panginoon na mabasa ko at lubusang maunawaan ang nilalaman ng dalawang naunang mga dokyumento, ito ang aking magiging mga paksa sa mga susunod na araw.

Marami pong salamat sa inyong oras na ginugol sa pagbabasa ng artikulong ito.

-0-0-0-

Note: For the sake of other Hive tribes, I decided to make an English translation of the above article:

While I was thinking of a topic to write about here in the Tagalog Trail community, I thought of consulting a chatbot and asking what topics are good to write about cryptocurrency. Of course, the AI ​​makes many suggestions. But among the multitude of these topics, some of them caught my attention. These are the topics that I think are very interesting:

  • The Impact of Cryptocurrencies on the Socio-Economic of Developing Countries Like the Philippines

  • The Role of Cryptocurrencies For Achieving Financial Inclusion

  • The Future of Decentralized Finance

  • Predictions for the Next Decade of Blockchain Technology,

and the last is

  • The Role of Cryptocurrencies in Promoting Economic Freedom

The first thing I researched on Google was The Impact of Cryptocurrencies on the Socio-Economic of Developing Countries. Source

I am interested in this because I want to know what a crypto project can do to change the social and economic situation of unfortunate Filipinos.

Three articles caught my attention in my Google search. The first one was written by Philipp Sandner in January 2020. It has 22 pages and it was printed by a well-known school in Germany, the Frankfurt School. I was intimidated to see how sophisticated this article was. Additionally, I am a bit cautious because as far as I know this school is known for being Marxist in ideology.

Despite the leftist ideology, it is commendable for me that this school took the time to write an article about the impact of cryptocurrency on developing countries. That's amazing to me.

For now, that's all I can say about this article. I need to spend time reading and understanding what the writer's point is before I can share it here in the Tagalog Trail community.

The second article that caught my attention is Stefan Calimanu's The Rising Popularity of Cryptocurrencies in Developing Countries. He wrote this two years ago, on 12 July 2022.

According to the author, the largest number of users of cryptocurrencies is found in developing countries due to the popularity of the remittance market. If this is true, I wonder, how could the situation in the Philippines, which is one of the largest capital inflows in the country, come from OFWs? How many OFWs use cryptocurrencies whenever they send money to their families?

These are the only questions that bother my mind. I don't know if there is data available to serve as a basis for the exact number of Filipinos abroad who are currently using cryptocurrencies.

Calimanu interestingly mentioned the reasons why cryptocurrencies are popular in developing countries. Some of these are accessibility, fast transactions, and low transaction fees, and the third is its ability to counter the weak national currency and corruption.

In the Philippines, the issue of corruption is rampant. It's interesting to think that getting into cryptocurrency is one way to fight corruption. This way is better and you don't get prejudiced, unlike those who rally on the road against corruption and interfere with the work of others. We don't even know for sure if such a method is effective and if such noise is achieving its desired end. I prefer to silently take care of my life by actively participating in the various crypto community projects.

I won't go into detail about the third link I found. This is for the reason that this article is quite negative about the impact of cryptocurrency on developing countries. In the abstract, I noticed that the only emphasis was on the risks that cryptocurrency poses to finance and the economy. Writers Henri Kouam and Kelly Mua Kingsley call for governments to tighten their laws and regulations concerning cryptocurrencies. It is not surprising that the writers have this view because Kouam is an Economic Consultant in NATO and Kingsley is the Director of Operations in the State of Cameroon.

That's all for this article. If the Lord wills that I read and fully understand the content of the two previous documents, these will be my subjects in the following days.

Thank you very much for your time spent reading this article.

Sort:  

Ui okay ang mga repleksyon mo sa blog! Dun sa numero sa kung saan nagamit ang mga pinoy ng crypto medyo mataas na sya kumpara noon. Per information Philippines emerged as one of the highest markets with awareness of cryptocurrencies at a significant 96%.

Medyo may issues lang with regards to trust, money laundering atbp pero overall mas tanggap na sya ngayon compared to before, pag sinabi crypto madalas scam agad ang nasa isip ng ibang tao.

Quick tip; Kung may article ka na pinagkunan ng idea sa blog, pwede mo ilagay din sa dulo para may ma check din ang ibang mga tao as reference. Maganda din yan for SEO stuff as mas magiging katiwtiwala yung blogs pag nag crawl na yung bots ni google and other search engine.

Reference: https://bitpinas.com/feature/consensys-yougov-ph-survey/

Wow! 96%! Ang taas niyan!

Salamat sa tip. Yong 2 sources ko, isinama ko na sa main body yong mga links maliban doon sa last na binanggit ko lang ang name ng writers.

Congratulations @arlenec2021! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)

You published more than 30 posts.
Your next target is to reach 40 posts.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP