Dapat di ako susulat kaso sige na nga. Hahaha. Maiksi lang naman di ko na papahabain. Ngunit subalit datapwa't para lamang sa Tagalog Trail community eto na entry ko. Hahaha.
Di ko rin lalagyan ng salin sa Ingles. Aba e kung Tagalog e Tagalog lamang ang gagamitin ko! ๐ Wala naman nagbabasa na followers ko dito e bakit ko lalagyan ng Ingles di ba? ๐
Ehem... so ano ba yung inaabangan kong panoorin ngayon? Wala naman kaming TV kaya puro online lang nood ko, matagal na. Tapos di na rin ako mahilig magbabad sa Korean Drama. Naku depende sa kwento kung may pagka-relihiyoso e di bakit hinde? Hahaha.
Bagong buhay din po tayo pag may time. ๐ Last year ko lang ginawa ang seryosong pagbabago kaya pati mga pinapanood ko nagbago na rin. Wala ako pinagsisisihan syempre. Gustung-gusto ko pa nga mga pinapanood ko ngayon eh. Hahaha.
Anyway nanonood lang naman ako sa YouTube madalas. Libre lang uy. Haha. Sarap ng libre di ba? ๐ Hulaan nyo kung ano yung inaabangan ko dun ngayon?
source
Pero actually tinatamad na nga ako minsan, kasi pangit yung acting. Okay sige, di naman sobrang pangit pero nakukulangan ako grabe. Parang mga nagpe-perform sa school presentation lang yung iba, lalo na mga ekstra. Halatang umaarte imbes maniwala ka na nandun sila sa ibang panahon. Luh. Ba't ka pa manonood pag ganun di ba? ๐
Kahit na ina-announce nila yung petsa kelan yung susunod na episode di na ako nanonood. Hahaha. Pangatlo di ko pa napapanood eh. Nakakawala kasi ng gana ewan ko ba.
Ilang beses na ako nag-comment sa mga episode nila kaso wala naman pumapansin. Ewan lang kung nababasa ng director ah. Pero kadalasan naman sa ating mga tao mas tumatatak sa atin mga negative comments so sana nga nabasa nya mga sinabi ko. Madalas pa nga sila mag-feature ng mga negatibong komento eh. Pero aba constructive criticism naman mga sinabi ko sa tingin ko.
Pero teka naisip nyo na ba anong palabas yung inaabangan ko? Inaabangan ko talaga yun lalo nung sinabi na ipapalabas na yung unang episode. Shempre pinindot ko yung notify me button para mapanood ko kaagad.
At ayun na nga napanood ko naman. Pati pangalawa napanood ko rin habang nasa labas ako at naghihintay sa pila atbp. Pero yung mga sumunod wala na talaga akong gana. Hahaha. Kahit pa tungkol sa buhay ni Kristo at mga apostoles Niya yun naku parang ayaw ko na ituloy panoorin. E nadidismaya lang naman ako pag nakikita ko yung kulang na pag-arte ng mga minor and some major actors.
Ayan, may hula na ba kayo? Hahaha.
O sige na nga, sasabihin ko na. Ang inaabangan ko panoorin nung nakaraang mga linggo ay...
The Chosen, Season 4!
Screenshot source
O ha! Yan na. Tapusin ko na ito kasi wala na akong sasabihin pang iba. Hahaha. Tsaka pag tapos na livestream inaalis na nila sa YouTube e ayaw ko mag-download ng app nila at kelangan pa mag-register. Meh.
Episode 6 n nga nilabas na kaso luh ba't ko panonoorin di ko naman napanood yung pangatlo hanggang pang-lima.
Pero nakikita ko pa rin notification pag may bagong ilalabas kaso saka ko na lang panoorin. Wala na kasi akong ibang inaabangan kaya ito na lang sinulat ko. Haha.
Ktnxbye! ๐
XOXO,
@artgirl
Spam or irrelevant comments will be downvoted if not revised upon warning.
Written by @artgirl for Hive
ยฉ Art x Stephanie Rue / Lucy Stephanie
@artgirl is a freelance writer/blogger/artist, online seller and real estate agent.
Join Hive thru ecency, Click Here!
Like what you read?
Upvote, Follow and ReHive/Share for appreciation.
โฅ Thanks! โฅ
Sorry to say po pero di pa po ako nakapanood ng Chosen. Di naman po totoong Christian yung mga artista, at mga illuminati pa๐ฃ sorry po. Rumor lang po yon kaya parating may kulang sa mga characters talaga. Gusto ko talagang manood ng mga totoong Bible stories din naman๐ฑ
Ah tlga ba? Sad nmn if may illuminati sa kanila na actors. Pray na lang for them para magbagong buhay sila sis. Kelangan nila ng prayers. Pero meron naman mga na-convert din at nagbalik loob kaso Christian at di Katoliko. Hehe.
Marami naman Bible stories sa YT. Dami ko na rin napanood. Try mo manood ng mga interview and talks ng mga Catholic exorcist priests, dami ka rin matututunan. ๐ Si Fr. Darwin Gitgano baka magustuhan mo, taga-Bohol un.
Anyway... pinanood ko na rin ung ep 6 kahit napilitan. Ahaha. So panoorin ko na rin ung ep 7 mmya. ๐
Youtube din Ako nanonood๐๐ Ang galing talaga ng Tagalog mo๐ธ nakapagsulat ka ng marami dito
Ah... syempre laking Maynila kasi. Hehehe. Ok lang yan practice practice lang pag di masyado magaling sa mga lengguwahe. Dyan tayo magiging magaling sa kaka-praktis. ๐๐
Ahhh kaya pala๐ฅบ please post more here po๐งก๐
Nakita ko na tong CHosen na series pero di ko pinanood ( maliban dun sa controversy na umiikot dito).
Wala lang feels ko lang pag masyado madrama at maraming lahok na eksena parang not close to the original work na eh.
Nako wla nga masyadong drama. ๐ Actually sa tingin ko mas best yang show for mga wlang clue tlga kay Jesus and mga nwalay ng landas.