Advice lang!

in Tagalog Trail19 hours ago (edited)

Baguhan ka ba sa Hive?

Ito ay isang munting payo lamang sa baguhan din katulad ninyo sa Hive, nasa sa inyo kung gusto ninyo gayahin o ibalewala ang payo na ito.

Nagstart ako sa Hive para kumita ng pera yon ang tunay na layunin ko. Nagsimula ako magpost everyday para maupvote (kasi easy money). Pero ang nilagay ko lang ay yung nasa isip at damdamin ko kung sino ba ako. Minsan nagpopost ako ng walang kuwenta (shitpost) kasi naubusan na ako ng idea (parang basta maupvote nalang). Pero siyempre totoo parin ang nasusulat ko.

Habang tumatagal medyo hindi na ako masaya kasi para kumita ka lang ng 50 pesos magburn ng tokens additional 5 pesos hindi worth it sa time ko (note hindi ko nilalang ang 50 or piso kahit wala ayos lang sa akin yan pasalamat parin). Eventually na realize ko na hindi ito para sa monetize lang, maraming mga post nababasa ko na katulad ko experience nila sa totoong buhay nagshashare lang (hindi lahat 😂). Marami palang mga tao na gusto lang magshare ng experience nila kasi dito mo lang masasabi ang lahat ng walang alam ang irl, pamilya mo kaibigan mo etc.

The Community

Isa sa una kong community na nasilahan ko ang HivePH kasi siyempre kapwa pinoy. Sa irl kasi mostly mga foreigner kasama ko online offline. Naglurk ako noong una tahimik lang akong nanood, nakita ko mga tao na mahal nila ang HivePH. Meron diyan na mailan ilan na gusto lang ay upvote hindi ko sila masisi. Walang problema sa akin yan kasi kayo yan hindi ako. Real talk lang nararamdaman ko ang feelings ng mga mods sa HivePH kasi yung effort nila hirap, pagod, puyat at pagpapahalaga sa community hindi nawawala kahit na may negative impact sa kanila. Kahit saan kaman magpunta kasi meron taong ganyan hindi mawawala yan kaya anong dapat natin gawin ifocus ang energy sa positive huwag sa negative iilan lang naman yan.

Sa kasalukuyan marami na ako nahanap na community tulad ng @ecency, @leofinance, @splinterlands, @riceph, @dbuzz, @cryptoshots.nft at marami pang iba. Alam ko marami pa akong mahahanap na ibang community kasi napakalaki ng Hive Blockchain. Ang mas importante sa akin marami akong nakausap at naging kaibigan na mga tao. Vinavalue ko ito kasi may purpose lahat ng mga tao nakakaharap mo irl man or internet. Marami akong natutunan sa mga devs mga community mods mga members nakikilala ko sila araw araw.

Ito lamang payo ko sa kagaya kong noob newb bla bla. Magreach out kayo kayo sa mga community kung saan kayo masaya. Lalo na sa kapwa ninyo pinoy alisin ninyo ang mindset na ito foreigner marami upvote dito ako pero hindi naman kayo masaya diba?

Note: Ang easy money (short term) ay madaling mawala kung hindi ka marunong. Ang pinaghirapan (long term) ay mahirap mawala.

Note2: To all my English friends who follows my account just copy and paste it to Google translate 🤣.

Shoutout kay @adamada, @wittyzell, @demotry, @lhes at sa lahat ng members ng @hiveph keep up the good work!

I accept criticism paki point out mga mali ko sa blockchain para alam ko at maging lesson ito sa akin. Icomment niyo lang down below. Pa follow narin sa X account ko 😂

As always God bless you all!

Sort:  

Real talk lang! Dama ko ung feelings mo dito sa pagsulat.. Tama ung mg hanap kayo community kung san masaya.. connect2x lang ganern talaga.. marami ka matututunan kahit nga ako na medj naka years na rin, marami pa rin learnings talaga

Maraming salamat po sa inyong payo !BBH !LOLZ !PIZZA

Salamat po!

Thank you for sharing and always posting and asking questions. I have not really spoken to you or even said hi. Would love to chat in voice some time let me know if you would like to.

Of course shoot me a dm and let set some time for it. Ty boss!

I love HivePH. Always ready to help

An excellent post and words of advice for Filipino Hive user👏🏼👏🏼👏🏼

Ito si sir idol marami kang matutunan dito salute bossing!

👏🏼☕️👏🏼

@dantrin! @day1001 likes your content! so I just sent 1 BBH to your account on behalf of @day1001. (16/20)

(html comment removed: )