Ang Palengke sa Bayan Na Puno ng Alaala

in Tagalog Trail7 months ago
Magandang araw sa inyong lahat. Ako ay umaasa na nasa mabuti kayong kalagayan habang nagbabasa ng aking blog ngayon. Ang panahon ngayon ay iba kung ikukumpara ko kahapon. Ngayon, nararamdaman namin ang ulan at init. Itong klaseng panahon ay makakasanhi ng mga sakit tulad ng lagnat, sipon at pag-ubo kaya dapat mag-ingat at magdala ng payong palagi. Naging taga-ulat ng panahon ako bigla. Hahahha. Upang makapagbigay ng suporta sa #tagalogtrail community, ako ay naririto upang magbahagi ng kwento.

20240610_140705.jpg

Ngayon, gusto kung ibahagi ang aming palengke sa bayan at gaano ito kaimportante sa aming mag-asawa at sa aking pamilya. It was one fine day nang pumunta kami sa palengke dahil may kailangan akong gawin na bahagi ng aking trabaho. Dahil nasa blogging na tayo, naisipan kung kumuha ng mga larawan sa aming palengke upang may ibahagi sa platftorm na ito.

20240611_071637.jpg

Tulad ng lagi kung sinasabi sa aking mga naunang blog, ako at ang aking asawa ay mahilig bumili at kumain sa karenderya. Ang mga karenderya ay matatagpuan sa aming palengke sa bayan.

Bakit nga ba mahilig kaming bumili ng pagkain sa karenderya na nasa palengke?

Bukod sa kami po ay tamad minsan. Minsan lang po talaga. Dalawang beses o higit pa in one week. Nakasanayan ko na pong bumili ng pagkain sa palengke noong ako ay bata pa. Mabait po ako na bata noon dahil mauutusan po. Ewan ko ngayon.

20240610_140718.jpg

Ang pamilya ko ay nakatira malapit lamang sa palengke sa bayan. Ito ay pwede lang lakarin na hindi kailangan pang sumakay ng sasakyan. Ang pamilya namin ay hindi mayaman pero makakakain po kami tatlong beses sa isang araw. Kapag ang aking magulang ay gipit na sa oras sa paghahanda ng aming uulamin, inuutusan po kami na bumili ng pagkain sa karenderya na nasa palengke. Ito na ang lagi naming nakagawian kapag pagod na rin kakaisip ng ulam at matagal naman kung magluluto pa. Kaya laking pasasalamat namin na kami ay nakatira kung saan malapit lang sa palengke dahil hindi na kami nahihirapan na mag-isip pa ng uulamin araw-araw.

Dala-dala ko parin ang aming nakagawian sa bahay kahit na ako ay nag-asawa na.

Picture1.png

Picture2.png

Ang palengke inyong nakikita ngayon ay iba sa noon. Noon, wala pang mataas na gusali sa palengke. Ang meron lang noon ay isang palapag na gusali na pahaba. Noon hindi pa nakasemento ang daan at maputik kapag umuulan. Ngayon, nakasemento na lahat. Noon tuwing Martes lang maraming nagtitinda sa palengke at tinatawag ito na “tabo” sa bayan. Ngayon, hindi na kailangan pang maghintay ng Martes upang makakita ng maraming tinda dahil sa ngayon ay araw-araw ng may tinda sa palengke. Noon kunti lang ang tindahan. Ngayon naman ay puno na nang tindahan. Noon, malimit lang ang pampasaheroang motor, ngayon naman hindi ka na mahihirapan pang maghanap ng pampasaheroang motor.

Malaki man ang pinagbago ng palengke sa bayan pero ang aming nakagawian ay wala paring nagbago. Nagbago man ang palengke pero taglay pa rin nito ang mga magagandang alaala.

Kung kayo ay nakarating sa parte na ito habang nagbabasa, ibig sabihin nakuha ko po ang inyong interest.

Maraming salamat sa pagbabasa. Sana nagustuhan mo ang aking blog ngayon. Huwag niyo pong kalimutan ang suporta sa pamamagitan ng pag-upvote, reblog at paglagay ng comment kung may gusto din kayong ibahagi at naka-relate po kayo sa aking blog ngayon.

Tagasulat: Maureen S. O.
Ang mga larawan ay kuha mula sa phone ng aking asawa: Paul Vincent M. O.
Ang mga larawan ay edited mula sa PowerPoint.

Sort:  

Matahum nga Tabogon❤️

Yes ma'am. Hahah, Tabogon City na jud ta ani padulong.😁

oh kay gandang balikan ang nakaraan😫💗

Yes.. masayang alalahanin.😁

Mabait ka nung bata ka pero ewan mo ngayon?😂

Sarap balikan ang alaala ng kahapon :) Kita ang improvement sa market.

Ako na po ang mahilig mag-utos.😅😅

Yes po, ang mga kahapon na wala pang malaking issue sa buhay.😁 Salamat po.😊

Hahaha! That's pure honesty 😅

Agree po tlga Ako sa sinabi mo na nagiging tamad tayo minsan, lalo na kapag malapit lang ang bilihan ng pagkain tulad ng kerinderya. Nakakasave tayo ng Oras tsaka enerhiya.

Mabait po ako na bata noon dahil mauutusan po. Ewan ko ngayon.

Hahahaha ang kulit, di mo naba masagot now hahaha. Naalala ko din, nabili din kami pagkain sa palengke lalo nga pag tinatamad. Sa toto lang naman mas tipid ngayon magbili nalang nang pagkain kesa ikaw ang magluluto. Mas napapalaki ang gastos kapag ganyan ay

Hindi na po ako sure. 😁

Tama po, save sa effort and time ang pagbili ng pagkain sa palengke.😄

Hahahaha

Waka pang pagod no, napagod man sa pagbili, pero at least may kasama nang pasyal yorn lol

Agree. 😂 Double purpose lahat.😊