Magandang Araw Hivers! Ako’y umaasa na nasa mabuti kayong kalagayan habang nagbabasa ng aking blog ngayon. Plano ko sana na mag-blog sa #tagalogtrail komunidad kahit isang beses kada lingo ngunit nakaligtaan kong magblog last lingo, kaya ngayon ako ay naririto para magbahagi ng isang kwento ukol sa ganapan ng aking buhay.
Ngayong araw gusto kong ibahagi ang isa sa hindi inaasahang araw ko. Sa intro pa lang parang may kababalaghan na mangyayari, pero hindi. Ang aking ibabahagi ay ang isa sa mga araw na hindi ko inaasahan na mag-roroadtrip kaming mag-asawa.
It was an ordinaryong araw kung saan kakain kami sa isa sa karenderya ng aming bayan. Na-iblog ko na ito na kami ay mahilig kumain sa labas kapag kami ay tatamarin sa pagluto at lagi kaming tinatamad magluto. Kaya lunch time nang maisipan naming lumabas upang kumain. Nang patapos na kaming kumain ay umuwi na kami sa aming bahay, habang kami ay papauwi, may topic kaming napag-usapan na di dapat ibahagi sa kapitbahay.
Nang nakarating na kami sa aming bahay ay hindi parin kami tapos sa aming diskusyon, kaya naisipan naming lumabas na naman sakay ng aming sasakyan. Ito ang malimit naming ginagawa kapag may mga pribado kaming pinag-uusapan lalo na kapag ito ay tungkol sa aming trabaho. In short, kapag gusto naming magchikahan at mag-marites.
Dahil nasa mood kaming magchikahan, naisipan naming mag-road trip habang nag-uusap. Ang direksyon namin ay papunta sa kabilang bayan. Ito ang bayan ng Borbon. Ang Borbon ay isang tahimik ng bayan kung eh-kokumpara sa aming bayan. Hindi pa ito lubos na maunlad kung ang pagbabasehan ay ang aming bayan na Tabogon, pero unti-unti gumagawa ang mga politiko sa lungsod na baguhin at paunlarin ang bayan ng Borbon.
Ang aking asawa ay naisipan na dumaan sa bukirang bahagi ng Borbon na may daanan din papunta sa national road at pagkatapos ay uuwi na rin sa aming bahay. Ito ay tinatawag naming round trip.
Habang nagbyyabyahe kami, pinipit ko na naman ang aking asawa na mag-stopover para kumuha ng pictures para sa blog na ito. Ako ay umaasa na magustuhan niyo ang mga litrato ng mga bundok at kahoy na ibinahagi ko ngayon sa blog na ito.
Dito na nagtatapos ang aking kwento. Magaling akong magsalita ng tagalog pero hindi ako mahilig magsulat gamit ang lengwahi na ito. Sa pamamagitan ng pagpost sa komunidad na ito, malay natin mahasa ang aking pagsusulat ng Tagalog.
Maraming Salamat. Aasahan ko ang inyong suporta sa pamamagitan ng pag-reblog, pag-upvote at paglagay ng komentaryo. Maraming salamat po.
Writer: Maureen S. O
Talaga namang nakakatuwa kung paano mo nabigyan ng kulay ang mga simpleng pangyayari hehe
Salamat naman at ikaw ay natutuwa. Salamat din sa paglaan ng oras sa pagbabasa. Hanggang sa muli.😊
Napakaganda ng kuha ng mga larawan Ma'am @fixyetbroken pwede kayo ni Sir Paul mamasyal sa shrine sa Borbon Ma'am. Hindi ko alam ang eksaktong lokasyon pero ang Shrine ay lagi naming nakikita sa tuktuk ng bundok tuwing dadaan kami sa Sagay Ma'am tuwing gabi
Yung shrine na dadaan ka sa Tabunan NHS ma'am? Yeah, nakapunta na kami sa lugar na iyan but wala pang shrine doon. Salamat sa ideya ma'am, if we will have spare time, baka we will visit the place too. 😊
Ang Ganda Ng MGA picture. At mukhang napakatahimik Ng lugar♥️.
Opo ma'am. Tahimik talaga ang lugar na ito, malayo sa main road. Pero may mga poste naman para magbigay ng liwanag tuwing gabi. Salamat sa paglaan ng oras ma'am.😊
Ang galing mo palang mag Tagalog buti na lang at mahal ka nang asawa mo @fixyetbroken at higit sa lahat nagkakasundo kayo. :)
Hahaha, magaling ka rin. 😁 Yeah, gusto ko rin mabasa ang mga post mo dito sa komunidad. Ipagpalagay na lang natin na mahal at nagkakasundo. 😁
Sana'y marami pa kayong mga lugar na mapuntahan. Maganda talaga sa bonding ng mag.asawa ang travel plus lagyan mo pa ng maraming chikka. Hindi talaga boring ang byahe.