Magandang hapon po sa lahat! Ako ay nagagalak na ibahagi sa inyu ang aking karanasan noong Provincial Meet namin.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang aming Provincial Meet ay nagkataon sa oras nang aking pagliban papuntang Bukidnon. Ako ay nagugulohan kung ano ang uunahin sa kanilang dalawa.
Kaya, sa oras na ito ako nagdesisyon na dadalo ako sa taonang palahok nang mga atleta sa buong Probinsya ng Cebu.
Ako ay nanghiram ng maleta sa aking kamag-anak upang may mapaglagyan ako nang aking mga damit sa magkaibang aktibidad: ang pagdalo sa Probinsyal Meet at ang pagdalo sa SFC Icon sa Bukidnon.
Ang una kong plano ay hindi ko talaga tatapusin ang laro ng aking atleta na si Yumi sapagkat wala rin namang magagawa ang coach pag nandoon na sa lugar nang paligsahan. Sapagkat para sa akin, ang "coach" ay taga bigay na lamang nang pagkain at moral sa mga bata ngunit hindi kinaya nang aking konsensiya anh iwan ang bata sa ibang guro sapagkat ang aking atleta ay may iniinom na gamot at sadyang pinagtagpo kami nang ina ni Yumi sa Simbahan upang ipagbilin niya sa akin ang kanyang anak na sana hindi niya makalimotan ang pag inom ng kanyang gamot.
Ipinagliban ko muna ang aking pansariling kapakanan at tinapos ko muna ang lahat nang kanilang laro bago ako pumanta sa Bukidnon. Ako ay tumuloy sa aking plano na dumalo sa isang pagtitipon nang mga Singles For Christ doon sa Bukidnon sapagkat may ticket at tapos ko nang bayaran ang aming akomodasyon. Ako ay nasasayangan sa aking mga nagastos kung hindi ako tutuloy. Isinangla ko pa naman ang aking Bonus sa pagtitipon na iyon.
Sa aming paglalakbay papuntang Manduang Integrated School kung saan ito yong silid aralan kung saan kami matutulog nang ilang araw para sa paligsahan ng mga atleta. Ito ay napakalayo pala. Habang papunta doon, nakikita ko ang mga nagagandahang tanawin sapagkat ako ay mahilig sa mga bundok.
Ako ay namangha sa daan na aming tinahak sapagkat ang aking mga mata ay nagsasaya sa kanyang mga nakikita na kay berde berde nang kapaligiran. Ito ay isang pambihirang karanasan na nagbigay nang munting kasiyahan sa aking puso at isipan.
Hanggan dito na lang tayo. Bilang isang empleyado, nararapat lamang na tayo ay sumabay sa agos nang buhay at pakinggan ang payo nang ating punong-guro upang ang aming eskwelahan ay hindi madamay sa aking maling desisyon sa buhay. Kaya, unahin ang trabaho at ituloy ang plano sa pagdalo sa ICON pagkatapos nang laro. Ang paggawa nang tama ay nagdudulot nang katiwasayan nang iyong isipan.
Maraming salamat po sa pagbabasa nang aking munting kasanayan sa buhay. Huwag nating kalimotan na tayo ay nagtatrabaho para mabuhay. Kaya nararapat lang din na magkaroon tayo nang balanse sa ating pagtatrabaho at sa mga bagay na gusto nating gawin para sa ating sarili. Ang pagdalo ng ICON ay magdudulot talaga nang kasiyahan sa aking puso sapagkat may makukuha akong aral doon na hindi ko makukuha sa akong trabaho. Ito ang isang aktibity na magbibigay sa akin ng ibayong lakas upang magpatuloy sa buhay. Kaya push natin to. :)
Nagmamahal,
Freshness143
Marapat lang din na magkaroon ng balanse sa oras ng trabaho at oras ng paglilibang upang maging mas makabuluhan ang buhay.
Totoo po... Karamihan sa atin ngayon aybtrabaho lang nang trabaho.