Silid ng Pangarap

in Tagalog Trail5 months ago
Tayong lahat ay may mga pangarap na gustong makamit sa buhay. Bawat tao ay iba-iba ang minimithi sa buhay. May gustong maging guro, enhinyero, doktor, piloto, sundalo, dentista, nars, at marami pang iba. Ito ay nangangahulugan na ang bawat isa ay isang espesyal na nilalang na may kanya-kanyang puso at gawi nang pag-iisip.

Hindi pa masyadong handa sa pasukan and silid na ito sapagkat kulang pa ang mga upuan.

image.png

Ang pag-aaral ay napaka-importante sa bawat mag-aaral. Ito ay isang karapatan na dapat ang bawat bata ay makapagtapos ng elementarya at hayskul. Ito ay tungkulin ng mga magulang na paaralin at bigyan ng edukasyon ang kanilang mga anak hanggang makapagtapos ng sekondarya. Ito ay hindi madaling tungkulin na basta-basta na lang iasa na lang sa mga bata kung hindi kayang gampanan ng magulang. Kung magkaganon, maraming bata ang hindi kayang lampasan ang ganitong uri ng pagsubok. Kaya maraming mga kabataan ngayon ay nagiging batang ama at ina na rin. Nakakalungkot, peru marami talagang nangyayari sa ngayon.

Bilang nakakatanda sa mga kabataan na nasa elementarya at sekondarya, and ating kaalaman na taglay ay dapat lang na ibahagi kanila sapagkat sila ang pag-asa nang ating bansa ika nga ni Dr. Jose Rizal. Dapat turuan ng magagandang asal upang hindi malihis sa maling landas. Dapat din silang hikayatin na mag-aral nang mabuti sa hirap ng buhay ngayon at sikaping makapagtapos hanggang sa kolehiyo. Pagsabihan na ang pag-aasawa nang maaga ay magdudulot nang matindng sakripisyo sa kanilang buhay.

Ang bawat mag-aaral ngayon ay sadyang napaka swerte sapagkat ang pribilihiyo na makapagtapos ng kolehiyo ay abot kamay na lamang! Bakit kaya? Ito ay sa kadahilanan sa pagkakaroon ng maraming pampublikong paaralan sa elementarya, sekondarya at kolehiyo. Pagdating sa kolehiyo, maraming mga iskolarship na pweding aplayan upang matugunan ang bawat pangangailangan. Marami na rin silang "choices of school" kung saan sila gustong mag-aral na mas malapit sa kani-kanilang baryo komapra noong kapanahunan.

Kung nuon ay malaking hadlang ang pagiging mahirap at kulang sa pinansyal na aspeto kaya karamihan sa ating mga magulang ay hindi nakapagtapos sa kanilang pag-aaral ngunit ngayon hindi na natin masisisi ang bawat magulang kung ang kanilang mga anak ay hindi makapagtapos sa pag-aaral sa kadahilanan na ibinigay na lahat sa ating mga kabataan ang oportunidad sa maginhawang kinabukasan. Ito ay nakasalalay sa ating mga mag-aral kung paano nila haharapin na may tibay ang hamon ng buhay. Kung sakaling walang pera ang magulang, maraming mga trabaho ang kayang pasukan mapagsabay man lang ang kagustuhang makapagtapos sa pag-aaral.
Kagaya na lamang ng mga fast food chain na tumatanggap ng mga part timers upang matustusan ang pag-aaral. Maraming BPO companies na rin ang tumatanggap nang hayskul gradweyt hanggat kaya maipasa mo ang kanilang kwalipikasyon maisasabay mo ang iyong pag-aaral at trabaho. Kaya, sa lahat nang mga magulang at mag-aaral na narito sa platform na ito lahat ay posible sa taong may determinisayong magtagumpay sa buhay!

Kung gusto ay may paraan kung ayaw ay may dahilan! Kaya sa ating mga kabataan, sikaping matuto, mag pursige at makilahok sa silid ng buhay nang may pag-asa, pagmamahal, at pag-una sa lahat. Huwag kalimutan ang mga magulang na sila rin ang may malaking bahagi sa iyong tagumpay sa hinaharap. Magpasalamat at manalangin sa Maykapal na isakatuparan ang munting hiling.

Maraming salamat po sa iyong pagbabasa. Sa ngayon, ay hindi pa handa ang silil na aralan na ito dahil hindi pa kumpleto ang mga upuan ang mga bata. Kung sakiling gusto niyong mag donate pwedi rin naman. Ikinalulugod po naming tanggapin ang iyong kabutihang loob para sa mga munting bata. Pagpalain po kayo nang Poong Maykapal.

Sort:  

Apili pud ug donate akong room.😄

wa man moy problema ngara guro mau.. Dagko kaayo mo ug rooms gud.

As of now, wala kay gamay ra pud among population.😊

Saan po puwede makapagabot ng donasyon mam?

Sa Cordova National High School po Sir. School Address: Day-as, Cordova, Cebu po sir.

Kung may Discord ka mam punta ka lang sa hiveph Discord server pa pm nalang ako salamat po.

hindi po ako maka comment sa discord Sir.. Hindi ko rin alam kung paano mag claim ng account po. Maraming salamat na lang po Sir. :)

Nakapasok ka na nakita ko cge wait mam.

good luck everyone school year 2024-2025

Hoping for the better school year ahead! ;) Thanks!

Reality sucks but it's the truth mao nga paningkamot versus paninguha jud ta ani

Bitaw sir! Ang makalahutay katu ra jung nay saktong motivation sa life..

Para po sa akin, hindi na po gaanong hadlang ang kahirapan ngayon sa pag-aaral sa kolehiyo. Marami na pong mga SUCs at LUCs. Ang malaking sagabal ay ang katamaran sa pag-aaral ng mga nakararaming kabataan. Sa nakita ko, Kukunti na lang ang maituturing na pag asa ng ating bayan. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag asa dahil meron pa na mang natitirang mga magagaling na kabataan pero ang nakakalungkot ay kung makapagtapos sila, lumalabas sila ng bansa dahil mas mataas ang sahod sa ibang bansa.

Mabuhay po kayo mga magigiting na guro. ezgif-5-20337a6b36.gif Need psychological testing? Please visit www.mdasein.com