Ilang minuto bago ako matulog ay nabasa ko sa isang balita ang ginawang prusisyon sa Hagonoy Bulacan. Sa naturang ulat ay makikita nating tuloy-tuloy ito kahit na patuloy ang pag-ulan at nagsisimula nang bumaha.
Iba-iba naman ang naging komento ng mga tao hinggil dito. May mga nag-aalala para sa kaligtasan ng mga sumali sa naturang aktibidad at mayroon ding ayos lang para sa kanila dahil umano ay nakagawian na ito ng mga taga-roon dati pa.
Kilala ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang relihiyoso. Ang kalakhan sa populasyon natin ay kaanib ng Katoliko, Islam, Protestante at iba pa. Marami sa mga deboto ay handang magsakripisyo para sa kanilang pananampalataya. Pero ang malaking tanong, tama ba ang pagpapatuloy ng nasabing prusisyon kahit na nagsisimula nang bumaha?
Para sa akin ay pwede naman kung simpleng ulan lang dahil pwede namang gumamit ng payong. Pero kapag bumabaha na at may posibilidad ng panganib o sakuna ay dapat ihinto na muna ito at ipagpatuloy na lang sa ibang mga araw.
May punto naman ang ilan sa mga komento na maari itong maging sanhi ng sakit o aksidente kagaya ng pagka kuryente kung merong mga kableng naputol at may dumadaloy pa na kuryente.
Sa tingin ko ay hindi naman ikagagalit ng Dyos ang pagpapaliban ng prusisyon para sa kaligtasan ng lahat.
Dapat ay maging alerto din sana ang mga pari na magbigay ng hudyat na ipagpaliban ang nasabing aktibidad para masiguro ang kaligtasan ng lahat dahil sila ang sinusunod ng mga deboto.
Ang kapirasong ulat na ito ay importante dahil may mga magkakatulad na pangyayari na ring naganap noon at maaaring marami pa ang magaganap sa hinaharap. Kaya dapat maglagay ng mga kondisyon at sitwasyon kung kailan ipagpapatuloy o ipagliban ang mga ganitong aktibidad kahit na parte ito ng tradisyung Pilipino.
Kung kayo ang tatanungin, tama ba o mali ang pagpapatuloy ng isang prusisyon kahit nagsisimula nang bumaha?
Sa panahon ngayong maraming lugar ang binabagyo, naway manatili kayong ligtas at maging alerto. Sana'y malampasan natin ang mga bagyo na walang napapahamak.
Ang mga lawarawan at komento na aking inilagay dito ay pawang kuha sa facebook ng News5Ph.
Maraming salamat kay @tpkidkai sa pag himok sa akin na magsulat sa komunidad na ito kahit pa hindi tagalog ang aking kinalakhang lenggwahe.
Bulacan - kaparehas ng lugar namin sa Laguna na halos pinagtigilan na ng baha.
Hindi ako Katoliko at wala din naman kaming ganitong practice, pero para sa akin ay hindi naman required na sila ay magprusisyon kung talagang nag-uumpisa na ang tubig na umakyat pa. Safety parin naman ang kailangan pairalin para dito, pare sa akin more on ritual and tradisyon nalang naman ang ganitong bagay.
Tanungin natin si @artgirl sa ganitong bagay kung goods ba sya na magtuloy parin ng prusisyon kahit nagbabahaan na.
Ahm, pwd nba gunamit ng English word pag nasa reply section na? Hehe
Para sa mga ganitong bagay, dapat may batas din tayong pwdng mag intervene pag nakitaan na papunta na sa dilikadong sitwasyon para sa kapakanan ng nkararami.
Yes naman pwede hahah.
May separation of church and state, pero may loophole yan. If it will endanger people and force them in a way pwedeng magkaroon parin ng kaso yan sa mga organizers ng event.
Yun lg, by the time nagkaroon ng kaso most probably may napahamak na... Kakalungkot, sana maging proactive para preventive.
Sa tingin ko hangga't kaya naman go lang. If di na tlga pwede e di itigil. Sa tingin ko kaya nila tinuloy e wala naman kaso kasi kayang-kaya ituloy. 🙂 Mas alam naman nila yung lugar nila kesa sa atin na miron lang. Hehe. Ganyan naman tayong mga Pinoy, gagawin lahat hangga't kaya.
Kung malakas na talaga ulan hinto muna.
Opo, pwedng pwede rin magdasal sa loob ng tahanan kung malakas na talaga. Okay lang ba kayo jan?
Marami na daw ang binaha sa Pinas at may landslide pa.
Ayos lang dito boss sa Samar hindi gaano malakas hindi ko lang alam sa iba.
Buti nmn bos, pero be alert pa rin para sigurado. Matutulog na muna ako. Hehe
Congratulations @greenkid11! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)
Your next target is to reach 500 upvotes.
You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Check out our last posts: