Carbonara made for our BTCP Class 🤤

in Tagalog Trail8 months ago (edited)

Magandang gabi po sa lahat! Jess is here and nais ko pong ibahagi ang aking karanasan sa larangan ng pagsasalita ng tagalog o pagsusulat pero bago po ang lahat nais kong pasalamatan si ate @jurich60 sa pagtitiyaga niyang ibahagi sa group chat namin patungkol sa tagalog trail na komunidad. At heto po ako ngayong araw na to magbabahagi po ako patungkol sa meryenda na "Carbonara" na kung saan ay theme sa araw na eto.

Masaya po akung malaman na nakaayos na po ang bawat tema na isusulat sa araw-araw, para sa akin mas magiging magaan at madali maghanap ng mga ideya na isasali ko sa aking pagsusulat dahil sa well-arranged plan para sa buwan na eto.

IMG_20240516_190916.jpg

So ito na nga, ito ay Carbonara na aming meryenda kape ang katapat ng meryenda na ito habang kumakain nagkukuwentuhan kami ganon, tapos ang the best part na gustong gusto ko ay yung mushroom na toppings na kasali sa sauce ng Carbonara na to, as in napakasarap talaga, kailan kaya mauulit hehhe pagkatapos ng aming klase sa BTCP/BTCL o Bible Training Center for Pastors/Leaders. Eto pong training na to nagsimula noong February 3 ngayong taon, ito po paghahanda ng bawat leader na siyang mamumuno sa simbahan balang araw, eto ay bahagi po sa mga aktibidad ng aming simbahan. Sa lahat ng mga sumali ako po ang pinakabata na sumali ibig ko po sabihin may marami namang mga mas matatanda pa na youth sa aming simbahan pero ako lang ang tumugon na siyang biglaan ko ding desisyon, desisyong hindi ko naman pinagsisihan kaya heto sa nakagawian, sa pamilya ng aming youth pastor, naghahanda sila ng meryenda para kainin pagkatapos ng klase at bilang parte ng training namin nagkukusa akung tumulong, lalo pa't doon ako nakikikain sa kanila ng haponan hehe.

Isa sa gabi ng aming nakagawian na klase, yun nga si ate Jean nagpaluto si ate sa kapwa ko youth din na ngayon ay nag asawa na, magaling talaga siya magluto at natutunan ko sa kanya pano lutuin yung pasta, nalaman ko lalagyan pala yun ng oil at lulutuin ng walo hanggang sampung minuto o depende siguro sa klase ng pasta at sa mga toppings naman yun ang di ko naabutan ngunit sa pangkalahatan masasabi kung masarap talaga, nais ko mang subukan pero sa ngayon parang malabo pa kaya kailangan talaga, pagbutihin ang pag-aaral, doblehin ang sikap ng sa gayon ay makamit ang inaasam na pangarap hehehe pero tunay na tunay masarap po talaga ang Carbonara marami nga akung nakain kaso after ako nabusog medyo nasuka ako siguro nasobrahan hahaha

Yun lang po sa araw na ito, maraming salamat sa komunidad na ito na kung saan ang malaya akung ibahagi ang aking kakayahan sa pagsusulat ng mga tagalog na mga ideya, ito rin ang isa sa mga gusto kung gawin, I was born in Manila po kasi kaya yun medyo confident magbahagi ng blog gamit ang tagalog na linguwahe.

Hanggang sa muli po, salamat sa support in advance

Sort:  

Di ako fan ng carbonara pero okay lang ang lasa nya mas ma red sauce ako.

Pero isa yan sa madadaling iluto haha di ganun ka complikado, sang ayon ako depende minsan sa brand ng pasta ang labanan din sa pagluluto minsan ang ginagawa ko pag di pa luto papatayin ko na ang apoy, tapos hayaan ko sya mag stay ng 1 o 2 minuto sa kaldero bago ko i drain.

Nakaka miss din yang mga bible classes nung bata bata ako may mga paganyan na seminars din ako na attendan mga camping camping been a great help with the journey and met people with the same faith.

Ay haha 1-2 minutes lang po pala yun haha
Mas prefer ako sa ganyan na kulay ng sauce

Hala hala ganon po ba, good to hear po yeah camping is one of the best experience na di ko rin makakalimutan, now po ba di na kayo sumasali?

May baby pa kami kaya di pa pwede, pag malaki laki na pwede na.

Ahhh ganon po ba.. hehe

Ang sarap naman nyang carbonara pero tama ka, nakakasuka o nakakaumay pag nasobrahan hahhaha

Hahahah 😂 oo nga ate eh