Larawan mula kay Ittemaldiviano 🇲🇻 sa Unsplash
Habang iniisip ko kung ano ang aangkop na kanta para sa akin, naalala ko ang isa sa mga laging tumutugtog ngayon sa aking Spotify na playlist at iyon ay ang Pantropiko ng Bini.
Halos araw-araw ko sila napapakinggan sa Tiktok dahil narin sa mga nagawa ng content ukol sa kanilang mga sayaw. Saulado ko na halos ang nasabing awitin, ang steps ng sayaw medyo hindi pa, pero pakiramdam ko ay malapit na siguro mga ilang buwan pa.
Sa kanta, hindi naman niya ipinaliliwanag ang klima na tag-init bagkus, inilalarawan sa awit na parang nasa tag-init na klima ang umaawit sa tuwing kasama niya ang kaniyang sinisinta.
Maganda din ang beat ng naturang awitin, mababaw ang kanta kaya't madaling maintindahan nang mga makikinig. Madalas, pinatutugtog ko ito sa tuwing ako ay antok na antok na sa trabaho dahil yung vibe niyang dala ay masaya at napaka maaliwalas.
Habang pinag-aaralan ko ang akdang ito, nalaman ko rin na ang nagsulat at naglikha ng kanilang awitin ay mula sa Flip Music. Kung hindi niyo natatanong ay sampung taon palang ang nakakalipas, isa na akong taga subaybay nang kanilang produksyon dahil sa magaganda nilang likha. ( Jejemon era ni TP)
It hits home ika nga nila, kaya sa madalas na pakikinig ko nang musika nila alam ko na maayos ang tunugan.
Kung hindi mo pa napapakinggan ang kanta narito ang Youtube link nila sa ibaba:
Dahil sa donasyon ni @ruffatotmee na 5,000.00 na ECENCY points madadagdagan ang ating pool na maaring ipamahagi sa katapusan nang buwan ng Mayo. Dahil sa mayroon pa tayong walong buwan bago matapos ang taon, bawat buwan ay mayroong 625 na ECENCY points na ating ipapamagi sa mga sasali sa ating insentibo sa pagbubukas ng Tagalogtrail. Mangyari lamang na sundin ang mga simpleng alituntunin para mabilang ang inyong entry.
- Gawa ka ng post sa Tagalogtrail community - hangga't maari gawin itong mahigit sa 250 na salita upang magkaroon parin nang tsana na ma curate sa ibang komunidad. ( Maari ang tag-lish)
- Gamitin ang hashtag na #tagalogtrail
- I-source nang tama ang larawan
- Bawal ang content na sinulat ng AI.
haha di ko pa narinig itong Pantropiko ng Bini. Naka mute ang speakers ko. XD
HAHHAHA pakinggan mo na! Kung pamilyar ka sa Shape of You ni Ed Sheeran you will know the beat already.
di na ako masyado updated. may time lang ako mag watch ng vlog ni Luis Manzano pag ako lang mag isa sa bahay. hahaha di ko mahanap ang aking headphone. XD
HAHHAHHAHAH
Boss puwede po ba makasali diyan sa inyong trail?
G lang dantrin check mo lang yung mechanics nung community para dito. May 17 days na prompt na nakalagay dun sa pinned post.
Ako lang ata ang di nakakaalam sa kanyang itey, although napapakinggan ko sya somewhere here in our place. Nakakatuwang unti unti na atang nakikilala ang Ppop, Sb19 lang talaga kilala ko ee haha.
Oh no! Totoo ba? Hahah dali update ka na ng playlist eme! Sobrang dami na ng PPOP ngayon SB19 sympre di na matitibag yan.
Oo kaya, charrr, haha. Not ready to update my old playlist pa ee, I like old music 🤧🤧
Currently, may tumutugtog na pantropiko sa background habang binabasa ko ito. Hahahaha! The pantropiko craze is crazy! Lakas din kasi makagising nung kanta, talagang bubuhayan ka.
Chrrueeee kaya laban na laban ang pantropiko.
Kewl! Thanks Mel for the upvote yay!
I eentry ko sana yung kanta na soak up the sun by sheryl crow kahapon kaso english 😂
Go na post mo na yan! Tag-Lish naman tayo.