Sa buong isang linggo ay medyo naging abala ako dahil narin sa mga lakad namin sa bayan. Gayunpaman ay kailangan nating ituloy ang ating nasimulan sa munting komunidad na ito.
Ngayong ikalawang linggo ng Hunyo ay narito na ang mga prompts na maari mong gamitin para makasali sa patimpalak.
Hunyo 9 - Paboritong Hiver, mapa Ingles man o Tagalog mayroon tayong sinusubaybayan. Kung ito ay Filipino, mangyari lang na itag nyo nadin sa post para naman makita niya ang iyong likha.
Hunyo 10 - Kung ikaw ay nakapag withdraw na ng Hive/HBD ano na ang iyong nabili magbigay lang ng isa.
Hunyo 11 - May mga artista na magagaling mag portray ng role bilang kontrabida sino ang kinainisan mo noon?
Hunyo 12 - Dahil araw ng Kalayaan ngayong araw, tingin mo ba malaya na tayo?
Hunyo 13 - I share mo naman ang iyong paboritong almusal! Isang larawan lang
Hunyo 14 - Nanunod ka ba ng balita? Kung oo ano ang pinaka latest? Kung hindi naman bakit?
Hunyo 15 - Sa tingin mo bakit kailangan na may Tagalog sa Hive?
Hunyo 16 - Kwentong Weekend? Kamusta ang naging weekend mo anong ganap?
Mga tips:
- Suggested ko na atleast 250 words ang isang post o higit pa. Pwede kang mag taglish sa post. O kaya naman ay mayroong Ingles na translation sa post mo para sa tsansa na macurate din ng ibang community curators na nakakaintindi ng Ingles.
- Mas suggested ko na may Tagalog tapos may English na translation sa post. Para maka konek parin ang inyong mga mambabasa na hindi nakaka intindi ng Tagalog.
- Kung gagamit ng larawan na hindi ikaw ang kumuha, ilagay ang link kung saan nagmula ang larawan.
- Magpost ng content sa Tagalogtrail community o kaya naman ay ilagay sa tags #tagalogtrail para ma pick-up ng bot ng Hiveph.
Ang anunsyo ng mga nagwagi ay ipopost ko nalang bukas para ma cover parion ang mga entry nung Sabado. Bukas ko nalang din ipadala ang mga rewards.
Kung mayroon kang suggestion o kaya naman ay concern mangyari lamang na mag komento ka dito para masagot natin.
Ang prize pool parin ay 5 na Hive at at 162.50 na Ecency points.
!PIZZA 🍕
$PIZZA slices delivered:
(2/5) @juanvegetarian tipped @tpkidkai