Unang Patimpalak sa Wikang Tagalog Unang Linggo

in Tagalog Trail2 years ago (edited)

pexels-pixabay-269583.jpg

Pinagkunan ng larawan

Patapos na ang linggo at ang karamihan sa atin ay unti-unti nang nagbabalik sa kaniya-kaniyang regular na gawain.

Ngayong linggo, dahil buwan parin ng pagibig naisipan ko na ang unang patimpalak sa paglulunsad nang TagalogTrail na komunidad ay patungkol sa pag-ibig.

Mangyari lamang na ipost ang iyong akda sa TagalogTrail na komunidad para mapasama sa aking pagpipilian. Simple lang ang alituntunin nang komunidad na ito kaya pakiusap sundin para hindi ako mag-mute ng Hiver.

Mga alintuntunin

  • Gamitin ang #Tagalogtrail sa unang tag.
  • Ipost sa TagalogTrail na komunidad
  • Gumamit ng mga larawan na copyrights free at ilagay ang link kung saan nakuha ang larawan. Kung ito ay iyong kuha, mangyari lamang na isaad na ang iyong larawan ay mula sa iyong selepono o kung ano mang kagamitan.

Mula sa tambyolo ng mga prompts mangyari lamang na pumili ng isang paksa.

Ano ang kulay ng pag-ibig?

Sinasabi ng iba na ang kulay ng pag-ibig ay pula ngunit para sa iyo at kung ikaw ang papipiliin ano ang nararapat na kulay nito? Itim ba, puti, asul o luntian. Baka naman bahaghari? Kahit anong kulay pa iyan mangyari lamang na bigyan mo nang pakihulugan.

Isang araw na nagpahinga si Kupido.

Dahil sa napagod si Kupido ngayong linggo, naisipan nya na bigyan ka ng kaniyang mahiwagang palaso na kapag ginamit mo ikaw ay mamahalin ng taong iyong napili. Ang tanong kanino mo ito gagamitin?

Mahal mo o mahal ka?

Isa sa pinaka mahirap na sagutin na tanong na madalas ay gumagambala sa isipan ng mga tao sino ang pipiliin mo mahal mo o mahal ka?


Premyo


5 Hive sa Kampeon
3 Hive sa Unang Karangalan
2 Hive sa Ikalawang Karangalan

Ang patimpalak ay mag-uumpisa nang Biyernes alas dose ng madaling araw at magtatapos nang araw ng Huwebes nang madaling araw.


Kung may tanong kayo, mag iwan lamang ng komento.

Sort:  

mukhang magbabalik na akong muli sa hive dahil sa inisyatibong ito. Ako'y nagagalak.

Yay welcome back BD! Ako din ay nagagalak sa iyong pagbalik.

 2 years ago  

Nasan na si Toto? Namiss ko tong community na to! Kailangam bang full tagalog to? O pwedeng mag taglish?

Naka indefinite leave si Toto mars, kasama si Junjun at Lingling pag malaki na ang community baka sabihan ko sila na bumalik.

Yung Taglish pwede naman may mga English na mahirap tagalugin.

Ang hirap naman mag tagalog pure buti pwede mag taglish hahaha

HAHAH kaya sumali ka nadin witty!

Bakit aking pakiramdam ay naubos Ang dugo ko?
Oh
Sadyang ako'y nanibago makabasa Dito sa Hive gamit ang wikamg Tagalog.

Sa tingin ko Ang kulay ng Pag ibig ay bahaghari! Sapagkat nagiging makulay Ang Buhay!

HAHAHA sorna di naman ganun ka nosebleeding yan. Masasanay kadin sa hinaharap malay mo diba maging whale ang account ni Hiveph mas madali na magcurate ng tagalog.

Pag ibig ay bahaghari! Sapagkat nagiging makulay Ang Buhay!

Gawan mo ng post ituu!

Ito ay isang napakalaking hamon sa lahat lalo na at nahaluan na ng slang ang kultura ng mga Pilipino. Sa totoo, napakatagal na nang hindi ako nagsusulat sa tagalog at ito ay hamon din sakin.

Dahil dito, parang naaalala ko noong araw ang “Sulating Pangwakas” o Formal Theme sa Ingles. Hehe. Trying to speak in a Filipino tone, sana nasa tamang anyo pa ng Balarila. hehehe

HAHAHAH I can relate the Sulating pangwakas literal na pangwakas buhay na talaga at ang hirap magsulat.

Join the contest Pink! Since kakunti lang naman ang sasali for sure para nadin mas dumami ang magsulat ng tagalog sa Hive.

dumudugo ilong ko gusto ko gumawa ng post para dito kaso baka bumagsak sa tag-lish haha

HAHHAH parang nakagawa ka na ata ( unang notif ko to na nakita di pa ako nag che check ng mga bagay bagay. )

Ilang salita ang dapat isulat para sa patimpalak na ito

Di naman ako mahigpit sa wordings mga 200+ words will do this time.

Ngayon ko lang nalaman na may ganito palang komunidad sa Hive. Pero ang hirap mag tagalog talaga. Marunong pero hindi mahusay. Pero titingnan ko kung kaya kung gumawa ng isang entry!