Mga Salik Sa Pag iipon

in #hivebuzz3 years ago

Hi Guys welcome sa aking blog at magandang araw sa inyong lahat.

Ang ating topic ngayon ay bakit mahirap mag ipon at totoong mahirap nga bang gawin Ito?

Nakakalungkot isipin pero katotohanan na maraming tao sa mundo na alam nilang kailangang mag ipon para sa kinabukasan ngunit hindi nila Ito ginagawa halos daig pa tayo ng langgam sa ganitong sitwasyon dahil buti pa sila ay handa palagi may nakaimbak na pagkain kung sakaling ang emergency ay dumating.

Mga dahilan kung bakit hindi tayo nakakapag ipon:

1.WALANG DISIPLINA
-Unang una dito ay ang kawalan ng Disiplina , halimbawa na dito ay ang pagsusugal pagbili ng mga gamit na di naman kailangang kailangan.

2.PAGKABAON SA UTANG.

  • Nalubog sa utang kaya't di na makapag ipon , isa ito sa nakakalungkot isipin.

3.KAKAUNTI ANG INCOME/KINIKITA.
-Sila ang tinatawag na underpaid na kadalasang kahit anong trabaho nalang ay papasukin para lang matustusan ang pangangailangan kaya hindi na rin nila makuhang makapag ipon.

4.WALANG ALAM TUNGKOL SA PAG-IIPON
-Sila yung klase ng Tao na walang pakialam sa kinabukasan nila at tamang chill lang sa buhay.

5.FOOD IS LIFE
-Sila yung klase ng Tao na Kain ng Kain at parang laging gutom kayat di na nakakapag ipon pero Sabi nga nila mag tipid na sa lahat wag lang sa pagkain ngunit may kasabihan ding lahat ng sobra ay nakakasama.

Marami pang ibang dahilan kung bakit hindi tayo makapag ipon ngunit hanggang dito nalang muna tayo at palaging tatandaan nasa huli ang pagsisisi.

IMG_20220503_074815.jpg

Sort:  

Yay! 🤗
Your content has been boosted with Ecency Points, by @leidalus.
Use Ecency daily to boost your growth on platform!

Support Ecency
Vote for new Proposal
Delegate HP and earn more