Chapter 6
Ang paghaharap.
Isang buwan na ang lumipas miss na miss nang masipat ni Gina ang my loves niyang si Berto.
Bagamat naging tapat ang binata sa saloobin neto ay di mapigil ni Gina ang umasang balang araw, mababaling rin ang pagtingin ni Berto sa kanya.
Hindi niya din masisi si berto kung ayaw tumayo ng saging neto sa kanya. Kahit pa napapatiklop niya ang makahiya, mailap talaga ang binatang iniibig.
Isang babaeng taga aliw si Gina, maharot na sumasayaw sa tugtug na budots at patay sinding ilaw ng Christmas light kahit hindi pasko. Dito siya nabubuhay sa pang araw araw. Dahil maganda at makurba si Gina star of the show siya sa beerhaus.
Isang umaga, galing si Gina sa pag titinda ng kalan(dian).
Nakasalubong niya ang pinakapanget na babaeng nakita niya sa tanang buhay niya niya. Hindi siya mapanghusga pero iba ang lukso ng puot ang nadama ng dalaga? Nagkatitigan sila ni Jine na noon ay papunta narin sa palengke para magtinda ng kanyang tilapya.
Nagkatitigan sila, tinitigan ni Jine si Gina mula paa hanggang ulo sabay hawi ng buhok na hitik sa kuto at split ends na parang mowdel ng shampoo....
Itutuloy