BERTO ANG LALAKING BLESSED CHAPTER 7

in #hiveph5 months ago

Pahina Syete 7 😂

Nakatunganga si Berto habang nag-aabang ng order niyang adobong pagpag sa karinderya ni Aling Marites.

Aling Marites : Jusko naman Berto! Wag mo namang ibalandra yang kahindik hindik mong mukha sa tindahan ko! Maaga pa baka ako malasin!

Berto: pasensiya na ho, malungkot kasi ako. Ilang linggo nalang balemtyms na wala pa akong mapag gagamitan nitong pakete ng kapote na pamana ni itay kasama ng walet niyang may chain.

Naalala ko nanaman ang kabilin-bilinan sakin ni itay

"Anak sa unang sundot dapat maganda ang hagod saka mo ikadyût."

Trenta na ho ako wala parin nang-yayareng aksyon sa buhay ko.

Aling Marites: Kung ikaw ay di naman bungol andyan si Gina nagkakandarapa sayo pero ayaw mong patulan. Di mo pa samantalahing sa panget siya kinikilig.

Berto: Gusto ko man ho na sakaling ibabaon ko ang aking imbutido, mapapahiyaw siya ng I lab you Berto. Alam niyo naman si Gina ay gusto lang ako dahil sa katawan ko.

SABAY NGITI LITAW ANG MGA NGIPING DILAW NA ONE SEAT APART AT DI NASIPILYO NG 3 BUWAN.

Aling Marites: Sino ba ang napupusuan mo Berto.

Si Jine ho pero talagang mailap siya.

Biglang sumama ang timpla ni Aling Marites dahil ang tinutukoy nito ay ang anak niyang panganay na pinaglihi niya sa kumsumisyon at mga gamot galing Quiapo kaya nagmukha ganun. Buti nalang at mataas ang self confidence niyo at hindi sila naglagay ng salamin sa bahay.

Kahit siya ay sumama ang sikmura ng maimagine ang kakahinat-nan ng magiging apo kung si Berto ang makakatuluyan ng chararat niyang anak.

(Kailangan ko silang paghiwalayin!)

Sa isip ni aling marites. Habang may pangdidiring tinititigan si Berto.

Itutuloy ko pa ba? (Ayoko na hahahahahaha suggest kayo plot sa next chapter)

Sort:  
Loading...