**Nangarap at nagsumikap,
Buong araw buhos sipag
Tagak-tak ng pawis di alintana
Basta't para sa pangarap.
Sa dayuhang lupain piniling tahakin
Ngunit ang pagsubok ay puno ng pighati
I-aalay ang buong lakas kumita lang ng malaking salapi
Matamasa lang ang ginhawang pangarap sa buhay.
Mapalad ka kung naging mabait ang amo sa iyo
Masuwerte ka kung may pagpupuri sa gawa mo
Sa kabilang banda Hindi lahat ay mapalad sa amo
Kamalasan ang inaabot ng iba kung hindi magkasundo.
Bakit magtatagal pa kung inabuso ka na ng kompanya?
Bakit magtitiis pa kung halos ikakamatay mo na?
Malabo ang hustisya sa disyertong walang balon
Suntok sa Buwan lang ang Buhay sa dayuhang lupain.**
Congratulations @kulzz1137! You have completed the following achievement on the Hive blockchain and have been rewarded with new badge(s) :
You can view your badges on your board and compare to others on the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Support the HiveBuzz project. Vote for our proposal!
Bakit piniling tahakin Ang dayuhang lupain Kung Ang kaluwalhatian ay dito din naaatim.
Ipagoatuloy Ang pagsisikap na itong sinimulan. Piliting maging masaya kahit ano mang pakikipagsapalaran.
Aking hatid at pagnanais ay isang tapat na pakikipagkaibigan. Sa isang estranghero na sa walang kasiguraduhan.
Narito ako inilalahad Ang palad, sa pag alalay sa iyong tinahak na oportunidad. Parehong nais Ang kaunlaran.
balik sa umpisa parang binhi wala pang ugat kakahulog sa lupa... matagal pa ang pagtubo bago bumunga... dilig dilig na lang muna.
Gusto ko Yung linyang dilig dilig! Hahaha cge kuya makata ka pala. Palabasin natin yan at enhance dito.
Isa kang makatang nilalang.