Mahirap maging mahirap.
Yung makakain lang kayo isang beses sa isang araw ay laki ng pasasalamat.
Yung nanay mo na isusubo na lang pero nagtitiis ng gutom mabusog ka lang.
Yung nanay mo na di iniinda ang kumakalam na sikmura, dahil isip nya'y trabaho kahit mangalakal pa ng basura.
Akala mo laro lang ang lahat, di mo alam nanay mo pinapasan ang hirap may mkain ka lang pagmulat..
Yung nanay mo na hinahayaan ka lang maglaro at magsaya para hindi mo maramdaman ang pait ng mundo habang sya'y mangiyak ngiyak sa pagtatrabho.
Yung nanay mo na kahit nahihirapan, hindi ka iniiwan.
Yung nanay mo na pinipilit ibigay ang gusto mo makita lang ang mga ngiti sa labi mo.
Yung nanay mo na nag aalala tuwing ikaw ay may sakit, na kahit mamalimos gagawin makita ka lang na ngumiti ulit.
Ngayon tingnan mo ang nanay mo.
Tingnan mo ang kanyang hitsura at titigan mo ang kanyang mga mata.
Tuwing pinagmamasdan mo sya, maalala mo sana ang sakripisyo at hirap na pinagdaanan nya.
Sana masuklian mo ang pagmamahal nya
Dahil simula pa nung una wala siyang hiniling kundi mapabuti ka.
Alalahanin mo sana na kung wala siya ay wala ka.
Ngayon tumatanda sya at ikaw ay mgkakaroon din ng sariling pamilya.
Mararanasan mo ang mga narasan nya ngunit hiling ko lang bago ka tumalikod.
Sulyapan mo ang iyong ina para makita mo ang kaibahan ng mundo niya at mundong meron ka.
Naroon sya sa sulok na madilim at umiiyak ng lihim habang ikaw ay masayang naglalakad palayo sa kanyang piling.
Kaya sana habang bata ka, iparamdam mo sa iyong ina ang pagmamahal na walang kapantay habang sya ay nabubuhay.
Pahiran mo ang kanyang mga mata at dalhin sa isang mundo- mundo na noon pa man pinapangarap nya para saiyo. Isabay mo sya sa iyong paglakbay at ipakita ang ganda ng buhay.
Salamat sa pagbabasa:)
Please follow, vote, and reesteem too.
God bless us all..