PAGPILI
Sa bawat pahina ng buhay,
may mga bagay na hindi maintindihan.
Nagkakaroon ng pagkawala ng pukos
sa mga bagay na nais mangyari.
May mga sumisingit sa mga eksena
bagay, tao o sitwasyon na wala sa kontrol ng ating palad.
Nagkakaroon ng ibang daanan
na pwedeng may pangamba
kung ito'y ipagpapatuloy o hindi.
Bagama't kailangan ng pagpipili.
Pagpipili ng may karunungan
mula sa Diyos at mga taong makapagbibigay ng kaliwanagan
para magbalik kung saan dapat tumahak at ano ang dapat piliin.
Ang buhay nga naman maraming pagpipili at kulay.
Kulay ng may pag-asa o ng panghihina.
Sa bawat pahina at kabanata ng buhay
ay may iba't ibang kulay na isinisigaw.
Naway buhay, ito'y maging makulay,
na ang katapusan ay tamang pagpipili
at walang pagsisisi.
Kung meron man dapat itama,
pwede pang maituwid
Na may kagustuhang magbago
at ng may pagpapakumbaba.
(Pictures credited to Google.)
Everyone is bond to making decisions every single time. I agree that Godly - wisdom is badly needed not to regret at the end.
Thanks!
Thanks 123love:)