Sa sobrang dami ng gawain mo sa maghapon, mapapagod ka..
Gustuhin mo man magpahinga di mo magawa..
Anjan yung may nagugutom o nag-aaway sa mga anak mo..
Anjan yung may certified bullier at certified iyakin..
Anjan din yung may nag-aagawan ng remote dahil parehong iba ang gustong panuorin..
No choice ka kundi pagalitan sila isa-isa..
Mapapaisip ka na lang din, Anu kaya kung di-remote sila..
Kapag naingayan ka pwede mo silang i-mute..
Kapag sobrang nalikutan ka sa kanila pwede mo silang i-stop..
Kapag ang kulit-kulit naman nila pwede mo silang i-pause..
Ipi-play mo naman sila pag may time ka..
Pero kung gusto mo namang makita agad ang future nila pwede mong i-pastforward..
At kapag gusto mo namang balikan ang masaya at nakakatuwang moments nila pwede mo din silang i-rewind..
Huwag mo nga lang iba-back kasi mahirap mag-umpisa..
Habang napapaisip ka, napapangiti ka..
Grabe, kung saan-saan na pala napunta ang imahinasyon mo ng dahil lang sa remote..
Napagkamalan ka pang baliw ng kapatid mo..
Dahil malayo ang tingin mo at pangiti-ngiti ka pa..
Habang mga anak mo nagrambulan na pala..(Ng dahil sa remote)..
Whatta day..tsk tsk tsk..
Hahahha minsan naiisip ko rin na de remote sila
Ano Kaya kong pati Buhay natin di remote control na rin ano kaya ang kalalabasan... 😅😅😅😅😅💪
Ahahaha, pag maingay kapit-bahay namin imumute ko at mag ienjoy lang akong panuorin sya nga walang boses 😂😂😂