No Ordinary Love Story

in #life7 years ago

Sabi ko sa sarili ko, kailangan kong masabi ito sa kanya. Nagdesisyon akong kausapin siya. Mamaya. Sa break namin sa shift. Sasabihin ko na. Buo na ang loob ko. Tinext ko siya para sabihing may sasabihin ako sa kanya (papansin lang ba, pampa-yummy).
Me: May sasabihin ako sayo mamaya.
Him: Ok

Hindi ako sure kung yan nga lang ba ang sagot nya pero dahil alam kong matipid lang talaga magtext, ina-assume ko nang yan nga lang ang sinabi niya.

Shift na namin. Take ng calls. Buntong hininga. Lingon sa kanya. Buntong hininga ulit. Hindi ko yata kayang sabihin. Takte! Natotorpe ako! Take uli ng calls. At take pa ulit ng calls.

Ayan na! Break na namin. Kain. Daldal. Daldal. Daldal. Pero hindi ko maisingit yung gusto kong sabihin. Hindi ko alam kung may ideya na ba siya. Pero parang wala. Daldal. Daldal. Daldal. Tapos na ang break namin.

Pagbalik namin sa station, avail.
Him: Akala ko ba may sasabihin ka?
Me: Ha? (Napeste na! Moment of truth) Ahh.. Oo.. Kaso nakalimutan ko. (Edi dinaga na nga ang daldalera kong puso) Mamaya na lang pag naalala ko.
Him: Ok.

Ang totoo, hindi ko alam kung pano nga ba sasabihin. Paano mo ba ide-deliver ang ganoong klaseng speech? Hindi ko talaga alam eh.

Nag-uwian na. Ang alam ko, tinanong niya pa ako ulit kung ano nga yung sasabihin ko. Pero pinanindigan ko nang nakalimutan ko talaga. Bumaba na sya ng jip.

Antanga tanga ko! Hindi ko nasabi! Nakakainis! Hindi na naman ako matatahimik nito! Itext ko na lang kaya? Parang ewan naman. Pero dahil hindi nga ako matahimik, naglalakad pa lang ako sa Aviadores St. (Oo, maling jip ang nasakyan ko dahil lutang ang isip ko) nagko-compose na ako ng message.

"Hindi ko naman talaga nakalimutan yung guato kong sabihin. Nahihiya lang ako. Natatakot ako na baka mawala ang friendship natin. Nai-in love na kasi ako sa'yo. Sana kahit hindi ganun ang nararamdaman mo, wag mo akong iwasan. Ok na ako kahit sa friendship lang"

Send.

Syempre, shortcuts ung words dahil hindi kaya ng Nokia ang sobrang habang message. Ang alam ko marami pa akong sinabi pero hindi ko na maalala. Basta yan yung context.

Walang reply. Nakatulog na ako. Paggising ko, wala pa ring reply.

Kinabukasan.

Sinagot nya na ako. Agad agad. Wala nang ligoy. Na-in love na rin daw sya sa kin.

Wooh!

Marami pang nangyari.
Marami pang ganap.

Pero January 24, 2015. Hindi na kami mag boyfriend at girlfriend.

Kasi asawa ko na siya. :-)

Niligawan ko siya. Sinagot nya ako.
5 years later, sabi nya, ready na sya.
magpakasal kami,
sabi ko "tara, sige, oo"

#happylangwalangending


Sinulat ko ito sa FB noong unang buwan namin bilang mag-asawa. Feel na feel ko rin kasi talaga. Haha.

FB_IMG_1529037758194.jpg

*Kinuha ko ang larawan sa Facebook account ko sa post na inilathala ko doon ng petsang February 15, 2015.


Maraming salamat sa pagbabasa!



2123526103.gif

Sort:  

tam--eess.. kileggg.. ancheesyyyyy <3 <3

Wahaha.. natawa naman ako sa kilig mo. May forever naman pala kesheeeee.. hahaha

hahahaha shigee ate humayo at magpakarami haha