Maayos na nakarating sa bagong bahay nila ang mag-asawang Vincent at Ingrid. Sa mahigit 3 taon nilang naging magkasintahan, nagawa nilang makapag-ipon hanggang sa maipundar nila ang simple ngunit maayos na tirahan. Parehas na nabiyayaan ng stable na trabaho ang dalawa pagkatapos ng graduation nila. Isa nang ganap na accountant ng isang law firm si Inday at isang successful na contractor naman si Vincent.
Lingid sa kaalaman ng lahat may mga taong nagbabalak ng masama kay Vince. Mga kapwa niya contractor na may lihim na inggit sa kanya. Halos lahat kasi ng malalaking projects ay siya ang nakakakuha. Kaya naman big time talaga ito. Ang pera nga naman ano! Dahil jan isang hindi magandang pangyayari ang ating matutunghayan sa buhay ng mag-asawa.
Sobrang sweet talaga itong si Vince. Pagkarating nila sa kanilang love nest, binuhat niya si Inday papasok ng kanilang silid. Punung-puno ito petals ng tulips. Hehehe para maiba naman wag ng rosas hahahaha. 😁. Overwhelmed na overwhelmed naman sa kilig at saya itong si Inday🥰. Marahan siya nitong ibinaba. Naulit ang ekesenang you may now kiss the bride kanina. Bago nagpaalam si Inday punta ng shower room. Marahan naman niyakap pa siya ni Vince bago pinakawalan. Habang nasa shower room si Inday, naghahanda naman si Vince naghahanap ng maisusuot mamaya at nag shower na lang din sa labas ng silid nila. Ayaw niyang biglain ang asawa. Gustuhin man niyang sumabay sana kanina ay nagpaka gentleman na lamang ito. Pagkatapos ay lumabas na ito at naka boxer shorts na lamang ito at ay naku!!!! Ang bango bango niya😘.
Pagpapasok na pagpasok niya sa master's bedroom kung saan nasa shower room pa rin si Inday ay bigla na lamang itong bumulagta sa sahig duguan ang kanyang sentido. Walang putok na narinig dahil isang sniper ang may kagagawan nito. Mabilis at sigurado ang kilos ng lalaking maskarado. Ilang minuto pa ay lumabas na sa shower room si Inday. Bahagya pa lamang itong nakapagbihis nang makita niya ang kanyang asawang naliligo na sa sariling dugo at wala ng buhay.
Nanikip ang kanyang dibdib at nagsisisigaw. Walang lumalabas na boses sa kanya. Sinubukan niyang tumakbo papalapit sa nakahandusay na asawa. Nagsisigaw nanghihingi ng tulong. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang humahagulgol at panay pa rin ng sigaw. Tulong! Tulong! Tulungan niyo kami! Sa wakas ay may boses na siyang naririnig mula sa sarili niya. Mabuti na lamang at may mga kalapit silang kapitbahay. Dali-daling sumaklolo sina Dexter at Eugene. Ang magpinsan na kakilala ni Vince sa lugar na yon. May mga sumaklolo din tumawag ng pulis, ambulansiya at kung anu ano pa. Mabilis naman na rumesponde ang mga natawagan. Nanginginig pa rin si Inday ang una niyang naisip tawagan si Irene. Hindi halos maintindihan ang mga namutawing kataga mula sa kabilang linya. Medyo pasigaw na lamang nitong sinabi sa kaibigan "INDAY! Kalma ka please pakisabi kung nasaan ka ngayon at pupuntahan kita!" Sinubukan ni Inday na masabi ang eksaktong lugar ng presinto siya dinala ng mga pulis. Nanginginig pa rin si Inday. Hindi makapaniwala sa nakita. Naninikip ang dibdid nito. Pinainom siya ng pampakalma. Sakto naman dumating si Irene. Nagyakap ang magkaibigan. Humahagulgol na naman si Inday. Nakiusap si irene na dalhin na lamang sa ospital ang kaibigan. Ngunit nagmakaawa si Inday na kay Vincent siya dalhin. "Ano! Kaya mo na ba? Sigurado ka!" Tanong nito na punung puno ng pag-aalala. "Gusto kong makita ang asawa ko! Utang na loob dalhin niyo ko sa kanya! Kailangan niya ako!" Pahikbi nitong pagsusumamo sa kaibigan. Minabuti ng isang police officer na ihatid sila sa morgue na pinagdalhan kay Vince.
Iyon na ang pinakamahabang byahe sa tanang buhay niya. Ang bigat ng katawan niya. Di na siya halos mkahakbang papalapit sa loob. Nanginginig ang kanyang mga tuhod. Gusto niyang tumakbo papalapit pero parang may napakabigat na kadenang nakatali sa isang paa niya. Panay ang agos ng mga luha niya. Mahigpit naman ang hawak ni Irene sa braso ni Inday. Nang makalapit na siya ay nakiusap siyang hayaan siyang makalapit doon na mag-isa. Hindi na nagpumilit si Irene. Hinayaan nito ang kaibigan na lumapit kay Vince. Mabigat ang mga kamay ni Inday na iniangat ang puting telang nakatalukbong sa bangkay ni Vince. Dahan dahan nitong iniangat at ibinaba hanggang sa lumantad sa kanya ang napakagwapong asawa. Malinis na ito. Hindi na kagaya kanina na duguan ang mukha ulo at katawan. Bagamat bakas sa sentido nito ang dinaanan ng balang tumama. Muli nanikip ang kanyang dibdib. Humagulgol ng napakalakas na para bang doon lang niya nailabas ang kanina pang gustong ilabas na emosyon. Niyakap niya ang kanyang asawa. Niyugyog niya ito at hinalikan. Niyakap ulit at iyak at sigaw ang ginawa nito. Tinatagan ni Irene ang sarili. Hindi siya makatagal sa ganoong eksena ngunit minabuti niyang samahan ang kaibigan. Hindi siya umalis hanggat hindi napatila ang kaibigan.
Nagdatingan ang mga magulang at kapatid ni Vince. Niyakap nila si Inday na hindi pa rin tumitigil sa kakayakap sa bangkay ni Vince. Sinamantala naman ni Irene ang pagkakataon para patilahin na ang kaibigan. Nakumbinsi din siya ng mga in-laws na lumayo na muna sa bangkay. Pinainom ulit siya nga pampakalma. Ngunit parang wala ng epekto ang mga iniinom niya. Ang tanging nararamdaman niya ngayon ay sakit, lungkot at paninikip ng dibdib.
Ang sakit sakit. Sobrang sakit. Nakakamatay na bangungot ito. Gusto ko nang magising. Please parang awan niyo na gisingin niyo ako. Isa itong napakasamang panaginip. Sinubukan niyang inuntog ang ulo sa pader. Masakit! Uulitin pa sana niya nang makita ito ni Irene. Hinampas na lamang nito ng palad niya ang noo ng kaibigan. "Hindi nakakatulong ang pag untog mo ng ulo mo sa pader Inday!" Kinabig nito at niyakap ulit. Napahagulgol na lamang muli ang ating bida.
Itutuloy....